Chapter 2

1 0 0
                                    

Lunes na naman. Ito na naman tayo at male-late na na ako.

Lakad-takbo ang ginawa ko para lang makapunta sa kanto namin at makasakay ng jeep at syempre traffic na naman. Tipong late ka na nga, lalo ka pang male-late.

Pagkadating ko sa school, tinakbo ko simula 1st floor hanggang 4th floor at buti nalang halos kasabay ko lang lecturer namin ngayong araw pero dahil late na akong nagising at nakapunta sa school, nasa last row na naman ako at may nag-iisang upuan nalang dun.

"Naunahan kita." Sabi ng classmate ko at umupo nalang sa tabi niya.

"Hay naku Linus, wala akong sasakyan katulad mo." Pagdedefend ko sa sarili ko. Nginitian na lang niya ako.

Sa totoo lang, napaka-boring ng buhay ko. Papasok, makikinig, mag-eexam, uuwi, kakain, mag-aaral, magpupuyat tas male-late. Para akong robot.

Natapos ang buong araw ng klase namin nang nakatulala lang ako.

"Hatid na kita." Alok ni Linus sakin.

"Kaya kong umuwi at may pamasahe ako." Patataray ko sa kanya habang nililigpit ko ang mga gamit ko.

"Magreview nalang tayo. May alam akong coffee shop na magugustuhan mo." Pag-aalok niya ulit sakin.

Hininto ko ang ginagawa ko at hinarap siya.

"Kahit hindi mo na kailangang mag-review, ok lang kaya huwag mo na akong idamay." Sabi ko.

Minsan iniisip ko na may gusto sakin tong si Linus pero imposible kasi nasesense kong bakla siya, hindi niya lang maamin sa ngayon. Kilala ko na siya simula pa nung 3rd year college ako, naging classmate ko siya sa ibang subject pero hindi ko siya ka-batch, mas ahead ako dapat sa kanya nang 1 year kaso bumagsak ako sa isang major tas hindi ako nag boards last year dahil halos 1 month lang ang preparation.

Sinundan ako palabas ni Linus.

"Ayaw mong ihatid ka o magreview. At least ilibre nalang kita ng early dinner para paguwi mo magrereview ka nalang." Pangungulit niya sakin.

Huminto ako at tinignan ang relos ko, 5:20 pm palang naman at humarap ako sa kaniya.

"Ok sige. Sa isang kondisyon." Hirit ko sa kaniya. "Iuuwi mo ako agad at hindi ka na magstay ng matagal sa bahay." Pagdidiin ko sa kanya. Nagbago ang kanyang itsura na para bang nalungkot siya sa sinabi ko.

Tumango nalang siya at tuluyan na kaming pumunta sa sasakyan niyang itim na montero.

Sa totoo lang, mas close pa sila ng pamilya ko kesa sakin. Kulang nalang siya na ang anak pero nagpapasalamat pa rin naman ako sa kanya kasi kahit ilang beses ko siya tarayan, nandiyan pa rin siya. Sana hindi siya magbago.

"Kanina ka pa tulala." Sabi niya habang nagdra-drive.

Napatingin ako sa kanya at siya rin napatingin sa akin pero saglit lang at binalik na niya ang tingin sa kalsada.

"May problema ka ba?" Pagpapatuloy niya.

Napaisip ako kung may problema ba ako bukod sa hindi ko alam kung gusto ko ba ang ginagawa ko pero imbis na sabihin ko sa kanya, sinabi ko nalang na., "Wala naman." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Kilala kita Reese." Sabi niya. "Ok lang naman kahit hindi mo sakin sabihin." Sabi niya na may halong lungkot.

Nakarating kami kung saan kami kakain. Bago ako bumaba, hinanap ko ang phone at ang wallet ko sa bag pero bago ko mabuksan ang pintuan ng sasakyan, pinagbuksan na niya ako.

"Salamat." Pagpapasalamat ko sa kanya.

Nang makapasok at matapos naming mag-order bigla siyang nagsalita.

"Gusto ng magulang ko na ipagpatuloy ko ang medicine after boards." Bigla niyang sabi sakin.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya kaya nakatingin lang ako sa kanya.

"Naguguluhan pa rin ako, Reese." Pagpapatuloy niya.

"Gusto mo bang mag medicine kahit hindi nila i-suggest sayo o dahil gusto mo lang sumunod sa yapak ng mommy at ate mo?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ako nang matagal bago siya sumagot.

"Wala naman sigurong masama kung susunod ako sa kanila?" Balik niyang tanong sakin.

"Ikaw bahala, hangga't masaya ka sa ginagawa mo." Suggest ko sa kanya.

Dumating na yung order namin.

"Ikaw, anong gagawin mo after boards?" Tanong niya sakin.

Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Nagkaka-anxiety na ata ako.

"Hindi ko pa alam, pero may balak akong mag-take ng NCLEX." Pagpapaliwanag ko.

"Talagang aalis ka nang bansa?" Bigla niyang tanong. "Sabi ni Tita na gusto nilang mag-med ka. Ayaw mo ba?" Pagpapatuloy niya.

Gusto nang mga magulang ko na mag-medicine ako, hindi naman sa ayaw ko pero siguro hindi ko lang calling ang mag-doktor.

"Ayaw na kitang makita sa med school o maging classmate." Pagbibiro ko sa kanya.

Natawa nalang siya pati rin ako.

Natapos kaming kumain at ngayon pababa na ako ng sasakyan niya para umuwi pero bago ko pa mabuksan ang pintuan ng sasakyan, hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay niya at sa kaniya

"Please, stay here." Sabi niya na para bang nagmamakaawa siya.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya, kung mag-stay ba ako sa sasakyan o mag-stay dito sa pinas.

"Magkikita pa naman tayo kahit na ayaw ko." Pagtataray ko sa kanya na may halong mga ngiti.

Binitawan niya ang kamay ko at nginitian niya nalang ako.

"Ingat ka." Sabi ko bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan.

My One and Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon