-------[ Lei's POV ]
Saturday Night
Time check:
9:55 PM na pero hindi parin ako makatulog.Sobrang lakas pa ng ulan.
Pabalibaliktad ako ng higaan pero hindi talaga ako makatulog.Ewan ko parang hindi ako mapakali,parang may gusto akong puntahan.
Bumangon muna ako at dumiretso sa kusina.Iinom lang ako ng tubig.
"Ate bakit gising ka pa?"ako
Andito kasi si Ate sa kusina.
"Bakit andito ka pa?"ate
"Malamang akin itong condo.Nakikitira ka lang"
Wag na kayong magtaka.Syempre kahit papaano mabait naman ako sa ate ko.Ganito lang talaga ako makitungo sa kanya.Pero bilang nakababatang kapatid,rinerespeto ko parin naman siya.
"Pilosopo.I mean,akala ko umalis ka na"
"Bakit naman ako aalis?Ang lakas kaya nang ulan"ako
"So wala ka nang paki kay Krystel?"
"Ha?"ako na clueless.Pinagsasabi niya?
"Nginuso niya sa akin yung kwarto ko"
bilis bilis naman akong pumunta sa kwarto ko dahil nakuha ko na kung ano ang ibig sabihin ni Ate.
"Si Krystel"
tama nga ako,walang kuryente sa kanila.
Agad agad kung kinuha yung susi ng motor ko.Lalabas na ako ng pigilan ako ni Ate.
"Ate thank you pero I really need to go.Baka nagpapanic na si Krystel"
"Yeah I Will let you go naman pero sobrang lakas ng ulan.Saan ka sasakay?"
"Sa motor"
"Madulas ang daan at mababasa kalang.Ipapahatid nalang kita"
"Wag nalang ate.Bye"
Hindi ko na pinatapos pang magsalita si ate at umalis na agad ako.Siguradong pipilitin niya lang ako na magpahatid nalang.
Wala akong paki kung malakas ang ulan.Wala akong pakialam kung mabasa ako,ang importante.Makarating ako ng maayos kay Krystel at masiguro na okay lang siya.
Nang makarating na ako sa parking lot,sumakay muna ako sa motor ko at sinuot yung helmet.Kahit sobrang lakas ng ulan,linusob ko parin ito.
Nararamdaman ko din ang lamig ng simoy ng hangin na tumatama sa akin.
Pinaharorot ko yung motor ko nang sobrang bilis.Wala namang nanghuhuli kaya okay lang.
Kung kanina pa ako hindi mapakali,siguro kanina pang walang kuryente sa kanila.Kasi naman,ayaw pang kumuha nang kasama.Kala mo kasi kung sinong matapang ,takot naman sa dilim.
Agad naman akong nakarating sa bahay nina Krystel.Tinanggal ko yung helmet ko at itinabi muna.Pero putik ang ganda nang una kong nakita.Langya si Krystel may kayakap,sigurado akong si Zowin yun.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong nainis.
May part sa dibdib ko na kumirot.
Aaminin ko,may gusto ako kay Krystel.Mahal ko pa nga eh.
Hindi ko na kailangang ilihim malalaman niyo lang naman sa susunod na chapter ng buhay ko.
At bakit ko pa ililihim?mamahalin niya din ba ako pag linihim ko?

BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Teen FictionIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...