Isang Gabi nang Agosto 2021.
Patuloy ang bagsak nang ulan."France! France! What's wrong?! Tell me!"
Naglakad ang magandang babaeng nakasuot nang magandang pulang damit palabas sa basang kalsada, hindi alintana ang bumabagsak na ulan at ang gwapong lalaking humahabol sa kanya.
"Tell me what's wrong, babe."
Patuloy lang sa paglalakad ang babae, basang-basa sa malamig na ulan. Hindi alintana ang lalaking sumusunod sa kanya at ang mga matang nakatingin sa kanya. Hinahanap nya ang kanyang kotseng kanyang inarkila gamit ang Grab kanina habang nagkakasiyahan ang mga kasama nya sa loob nang bar.
"Babe?! C'mon?! You doing this to me again?!"
Isang itim na Toyota Vios ang hinahanap niya. May plakang NM 3410. Hindi niya alintana ang pagbagsak nang ulan. Hindi niya ramdam ang lamig nang tubig na bumabalot sa kanyang buong katawan. Iba ang tama nang alak na kanyang ininom. Hindi niya alam kung saan siya patungo. Wari'y inaalon siya na parang nasa dagat.
"Babe??!! Babe??!! He..."
At sa wakas tumigil din ang nakakarinding lalaking sumusunod sa kanya.
Kapwa nya yun artista at siya niyang "leading man" sa pelikulang kanilang pagbibidahan. Mas bata pa sa kanya nang dalawang taon. Ngunit, iba ang ugali nito. Kung anong kinakinis nang mukha ay siya namang kinagaspang nang pag-uugali. Kung anong ikinabait at inosente sa kanyang mga "role" ay siya namang ikinasama sa tunay na buhay.
Mabenta ang kanilang tambalan kaya sila pinagsama sa isang pelikula.Patuloy ang pagbagsak nang ulan.
Biglang may humintong isang puting van sa tabi nang babaeng basang-basa. Bumukas ang pinto nito at may mga kamay na biglang humablot sa babae.
Nagpumiglas nang buong gilas ang babae ngunit malakas ang mga humihilang kamay at ang tama nang alak. Ngunit patuloy siyang nagpupumiglas.
"Help! Heeeeellp!!"
Hindi na alam nang babae ang gagawin. Basta sumisigaw na lang siya at pumipiglas, nagbabaka-sakaling may magmamagandang-loob na tutulong sa kaniya.
Pumikit na lamang ang babae.
Naramdaman nang babae ang pagbitaw sa kanya nang mga kamay, ang dali-daling paglisan nang van, ang pagyakap nang isang tao sa kanya sabay hila at ang pagbagsak nilang dalawa sa kalsada.
Dama nang babae ang pagbagsak nang ulan at ang matipunong katawan nang kanyang tagapagligtas. Binuksan niya ang kanyang mata at inaninag ang mukha nang taong humila sa kanya mula sa mga gustong kumuha sa kanya. Nakita niya ang isang gwapong mukha. Isang hindi kilalang mukha.
"Boys! Tulungan nyo si Mateo at si Miss. Dalhin niyo sa silong!"
At nawalan na nang malay ang babae.
Nagising ang babae sa loob nang isang kwarto. Naalimpungatan siya nang tamaan nang ilaw nang araw ang kanyang mga mata.
Nag-unat ang babae at saka tinanggal ang kumot na nakapatong sa kanyang hubad....HUBAD?! na katawan!!!
Nagulat ang babae at napaisip kung nasaan siya at bakit siya nakahubad.Tumayo siya at binalot ang sarili nang kumot. Tumungo siya sa bintana at inihawi ang kurtina nang maliit para makita niya ang labas. Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya ang Manila Bay.
Hindi ito nakatulong sa kanyang pagiisip lalo na at alam niyang ang kanyang mga condo unit ay nasa QC at BGC lamang.
Lalong napaisip ang babae nang may sumubok magbukas ng pintuan.Kung dinukot ako, bakit ako dinala sa isang mataas at magandang lugar? Hindi kaya ginahasa ako? Tanong nang babae sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Mateo Lazaro: Bodyguard
ActionWell-trained. Well-dressed. Well-versed. Well-armed. Mateo San Agustin-Lazaro. 22. Meycauayan, Bulacan. Is he the Perfect Bodyguard or the Perfect Man?