[5:30am]
KKKKEEEAAAHHHHNNNNAAAA !!!!
"Sunog nasaan ang sunog sabi ko"
"Hay anak ka ng nanay mong bata ka malalate ka nanaman sa klase mo dalian mo na dali pumasok na sa banyo at ng maligo na at pagkatapos mo kumain na" sabi ni mama sa akin habang may hawak na kaldero
"Ma limang minuto na lang please" sabi ko sa kanya sabay talukbong ng kumot.
Tsaka niya naman pinagpapalo yung pwet ng kaldero kaasar alam niya namang ang sakit sakit sa tenga niyon eh..
"Hindi pwede malalate ka na sa school mo first day na first day dali na" sabi niya..
"OO na ma babangon na asar na" sabi ko tsaka pumasok ng banyo
Bago ang Lahat I'm Keahnna Santos Yana for short 17 years old 4th Year High School this school year at isa akong dakilang Nerd at Isa daw balyena sa Eastern Academy . Ewan ko nga sa kanila at sinasabi nilang ang taba taba ko daw nerd na nga daw mataba pa lahat na daw na sa akin na hay kapal naman talaga ng mukha nila.Magaling akong kumanta,Matalino pero hindi ako kumakanta kung saan sa Cr.lang ako nagcoconcert baka kasi magka bagyo mahirap na.
Well yung sinasabi nilang nasa akin na ang lahat totoo naman yun katulad na lang ng ehemm makapal ang salamin,madaming pimples ewan ko bakit ayaw matanggal forever na daw siya diyan,balyena na daw pwede namang chubby kaloka at iba pang katangian na hindi Katangi-tangi
well kung nagtatanong kayo kung bakit walang balyena or fat na nakalagay sa title ng istoryang ito nakakahiya kaya sakit sa bangs mamaya na ang usapan maliligo muna ako. Nagmamantika na din ako.Matapos kong maligo at magbihis tsaka ako bumaba ng bahay diretsyo sa kusina binati sila Papa at Mama ng goodmorning at siyempre yung maldita kong kapatid.
Dahil sa late na ako hindi na ako kumain ng agahan kumuha na lang ako ng isang hotdog para kakainin ko na lang habang naglalakad ako .. Walking distance lang naman ang school mula sa bahay.Pampapayat na din.
(School )
Nang nasa school na ako bumungad naman ang mga bruha kong bestfriend heto nanaman kami titignan ang schedule kung saan nanaman ang room namin at hindi ako nababahala na magkakalayo kami ng room na papasukan ewan ko nga sa mga to eh may balat yata sa pwet kaya paalgi kong kasama syempre joke lang yun mahal na mahal ko tong mga to eh..
Hi Yana!! musta ang bakasyon sabi ni Stephanie Step for short ang pinakahyper sa lahat.
"Okey lang naman ganon parin sa dati" sabi ko ano pa bang bago
"Hey Babe" bati sa akin ni Jake De Vera sabay kiss sa pisngi ko tsaka umakbay sa akin at tsaka namin pinagpatuloy ang paglalakad habang nagkwekwento.Oh diba halatang mahal yung tsaka palaging ginagamit.
Sa mga nagtatanong siya lang naman ang BOYFRIEND ko isa siyang heartthrob sa school ang swerte ko nga daw kasi nagkaroon ako ng boyfriend na gaya niya well sorry na lang sila sa akin na siya.
"Hay nako friend yan nanaman ang ka sweetan niyong dalawa" - Gayle
"Oo nga Gayle grabe mang iinggit tung dalawang to" singit naman ni Kim dahil sa kakasingit niya muka na siyang singit.xD
"Nako friend hindi na kayo nasanay diyan sa dalawang yan mula ng mag on palagi na lang ganyan" - Gayle.
Pagkatapos namin tignan ang schedule pare pareho kaming lahat syempre tuwang tuwa naman ang mga bruha natuwa pa sila alam naman nilang pare pareho kami ng room. Pero si Jake sa kabilang Room matalino kasi samantala ako Section 2, siya kasi ay Section 1 na para sa mga elite na studyante bakit hindi ako section1 kahit na mayaman kami hindi kasi kinaya ng utak ko dahil dakila akong tamad kaya ganon ewan ko nga bakit pa ako naging Section 2 samantalang tamad akong mag aral.
BINABASA MO ANG
When Miss.Nerdy Chubby Turns Into Miss.Popular
Teen FictionDefine Nerd at hindi lang Nerd ha Chubby pa, saan ka naman makakakita ng taong ganyan ngayon well kay Keahnna Santos lang naman ang babaeng walang ibang ginawa kundi magpakatanga at umasa nam magkakabalikan "first boyfriend is the best and my last"...