Torina

23 0 0
                                    

3rd Year College ako ng una kong nakita si Danica. Nagkaron kasi sila ng subject na tanging Professor lang sa aming kurso ang nagtuturo. Ang ganda-ganda niya. Sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Siguro 'yun ang sinasabing love.

Walang ibang nakaalam na gusto ko si Danica. Tinago ko 'yun dahil alam kong kakantiyawan ako ng mga kaklase ko. Tinanggap ko na sa sarili ko na hanggang tingin na lang ako sa kanya. May mga oras na para akong toro at siya ang pulang tela na gustong-gusto kong lapitan. Pero sa kabilang banda isa akong toro na mahina ang loob at takot. Takot sa magiging reaksyon niya at takot sa ibang torong nakapaligid sa kanya. Kung baga isa akong Torina (mahinang klase ng toro.) at sila ay mga Torikas (malakas na klase.) Ano nga ba ang laban ko sa Campus Crush, Presidente ng Student Council, Varsity at mga nasa Deans' List. Isa lamang akong simpleng estudyante, takot sa pulitikahan sa eskwelahan, walang sport at may alam pero hindi ganon kalalim. Ang tanging bala ko lang e, alam ko sa sarili ko na totoo ang nararamdaman ko, ewan ko lang sila.

Lumipas ang mga araw at lalong lumalim ang naramdaman ko sa kanya. Bago matulog iniisip ko siya at pagkagising siya na agad ang laman ng isip. Tumakbo ang mga araw at nanatili akong tameme sa kanya. Minsan nga naiisip ko na para akong isang bomba na anumang oras ay pwedeng sumabog. At 'yun ang ayokong mangyari. Sinubukan ko namang pigilan, pero iyon na ata ang pinakamasakit na ginawa ko sa aking sarili. Ang pigilan ang sarili kong maging masaya.

Kalagitnaan ng school semester nang ibalita sakin ng mama ko na darating ang aking kababata na galing states at dito na maniniharan. Natuwa ako dahil siya ang kalaro ko sa baril barilan, teks at jolens nung bata pa. Dumating ang araw na pinakahihintay ko, ang pagdating ng pinakamatalik kong kaibigan, si Dave. Para siyang si Logan Lerman ng Percy Jackson na para bang nung nagsabog ang kagwapuhan sa mundo siya ang nasa harapan at nakasalo ng nakakarami.

"Alex, Musta?" sabi niya.

"Eto, ayos lang naman, ikaw ba?" sagot ko.

"Ayos rin lang! Laki na ng pinagbago mo, hindi tulad dati na.. ."

Pinutol ko na ang mga sinasabi niya dahil ayoko ng marinig ang mga ito. Ayoko ng balikan ang kamusmusan.

"Dave, lahat ng tao ay nagbabago, pero ako pa din 'to, si Alex na kalaro mo dati."

At nauwi sa tawanan at kwentuhan ang lahat.

Nalaman ko na sa eskwelahan ko rin mag-aaral si Dave. At pareho kami ng kurso, naging magkaklase kami sa ilang subj. Naging popular siya sa iskul. Syempre, fresh from U.S. Kapag kasabay ko nga siya, nanliliit ako. Hindi ako sanay na pinagtitinginan ng mga babaeng estudyante sa school habang naglalakad, (pero alam ko sa sarili ko na hindi ako ang tinitignan, nadadamay lang ako sa appeal niya.)

Isang araw, hindi ko alam at kung anong meron at sobrang daming tao sa school cafeteria, kung baga sa fast food, peak hour, ung tipong may nakaabang na sa mesang may kumakain, akala ko nga Mang Inasal ang napasukan namin ni Dave. Nalaman nalang namin sa sabi-sabi na nasa tamang katinuan na naman ang mga guard sa school at ayaw magpalabas. Tamang trip! Nakaorder na kami pero wala padin kaming maupuan. Maya-maya. May tumawag kay Dave. Laking gulat ko at nanlaki ang mga mata ko na animo'y nakakita ng multo. Si Danica. Ngumiti si Dave at lumapit si Danica. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko, parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Parang may mga hangin sa loob ng tiyan ko na nagpapaikot-ikot at gusto kumawala. Habang lumalapit si Danica, para naman akong nakatayo sa kumunoy at unti unting nilalamon nito.

Ang Kuwento ni Alex AndraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon