CHAPTER 2: THE SELFIE GUY
(6th month of the year)
"Amanda, anak, mag-almusal ka muna. Alam mo namang ang mahal ng pagkain sa papasukan mong school." Waaah. Excited na akong pumasok. Di na ako kakain. Tss.
"Nay, unang araw ko ngayon sa college! Ayoko pong malate noh!" Pagdampot ko ng isang pirasong pandesal, pahakbang na sana ako paalis pero nakita ko bigla ang commercial ng palabas ni Enzo Thomson.
Isang buwan na ng makalipas ang insidente pero ramdam parin niya ang pagdampi ng labi ni Enzo nung gabi yun. Hanggang ngayon, magulo parin sa akin ang nararamdaman ko. Siyempre ang isang sikat at gwapong nilalang, hinalikan ako? Siyempre kinikilig ako noh. Pero yung intensyon niya na ginamit lang pala niya ako para mapaalis yung isang babae, OUCH. Di ko kailanman pinangarap magpagamit.
"Aish! Panggulo naman eh! Baka siksikan pa sa bus! O sige, nay, alis na po tagala ako ah. Bye." Nagmano ako kay Nanay at umalis na.
"Tsk. Panira ng umaga. Nakalimutan ko na talaga yung gabing yun. Bakit biglang bumalik lahat? Aish. Di bale, today is another day!"
Makalipas ang 30 minutes, nakarating na ako sa Yverdon University.
"Grabeee! Gate palang napakalaki na. Papasok ba ako? Iba yung nararamdaman ko dito, pakiramdam ko ay lalamunin ako ng buhay ng school na ito." Isang beses ko lang 'to nakita. Ang school ko kasi dati ang nag-asikaso ng application ko at tanging office lang ang nakita ko.
"Bakit ganun? Halos lahat sila parang nakita ko na sa tv? Pssssh! Kailangan may yaya?" Karamihan kasi ay may yaya o body guard na nakasunod sa kanila. "...ang tatanda na eh! Sus! Siguro kapag pinagpapawisan yang mga yan may taga punas pa!" Nakita kong napawisan yung isang maarteng lalaking kakapasok lang tapos pinunsan siya ng yaya niya. "...meron nga! Astiiiig!"
Tuluyan na akong pumasok sa Yverdon University pero nakakagulat naman na biglang naghiwalay ang mga tao. Para bang binibigyan nila ako ng daan?
Nginitaan ko sila at inayos ko rin ang tayo ko. Nakakahiya naman kasi sa kanila eh.
"Won't you get out of my way, stupid!..." Nagulat ako dahil may nagsalitang babae mula sa likod ko. Nilingon ko kung sino iyon. Maganda, matangkad, maputi, malinis mula ulo hanggang paa. "...Siguro baguhan ka lang dito no! Pero kahit na, its impossible na you don't know me. O baka naman, ukay ukay lang yung kayang mong bilhin! What a cheap stupid girl" Ay, maldita pala.
Kilala ko siya! Shems! Siya yung suki na ng mga commercial. I mean, sikat na commercial model at print-ad model. Di siya masyadong nagteteleserye dahil nag aaral daw. Siya si Hazel Anne Fuertes. Waaah. Sa internet ko lang siya nakikita ng malapitan eh. Ang ganda kasi niya eh, pati dulo ng kuko. Kaso nga lang, di pala inabot ng kagandahan niya yung kalooban niya. Psh.
Nanliit ako bigla sa sinabi niya. Pinagtawanan ako nung mga friends niya at nung ibang estudyante. Pasensya na di nga pala ako nagpapatalo.
Mula sa kahihiyan biglang umandar ang pagiging palaban ko. "Sorry I didn't know na may pangalan pala yung hallway nato or baka naman ikaw din yung may ari ng school na ito? And I'm sorry na hindi kita kilala wala naman kasing nakalagay sa bulletin board na kapag dadaan ka kailangan bigyan ka ng space. Oh eto na may daanan ka na, magpapa red carpet pa ba?!"
Nagtawanan ang lahat na tila sang-ayon sila sa sinabi ko. Napahanga naman ko rin naman ang sarili ko. Sa sobrang kahihiyan ang sinabi na lamang ni Hazel ay "...GO TO HELL BITCH!" sabay lakad paalis kasama ang kanyang mga alipores. Pero di ko na uulitin yun, ayoko naman talaga ng gulo. Pero di ko pwedeng hayaang tapakan nila ako ng ganun lang. Wahahahaha!
"Goodmorning Yverdon University, esp. to our dearest freshmen. All students are invited to please proceed to the campus auditorium for your orientation. Again, please proceed to the campus auditorium, now. Thank you and have a nice day!" Narinig ng lahat ng estudyante ang babaeng nagsasalita mula sa speaker, kaya nagsipuntahan na ang lahat sa direksyon ng auditorium.
Since di ko alam kung saan, sasabay lang ako sa agos ng mga tao.
Sa di sinasadya may nabunggo ako. Di kasi siya naglalakad ng mabilis eh. Peronagulat ako nang pagangat ng ulo ko ay may nakatingin na isang cute at gwapong lalaki sa akin. Nakasuot ito ng nerdy glasses pero halatang pangporma lng.
"Sorry po." Sabi ko.
Bigla itong tumawa. Weird. "hahahaha ang cute mo!" sabi nung lalaki habanga pinapakita ang iPhone niyang may selfie niya at ako naman etong photobomber. Sino ba namang magseselfie sa ganitong panahon? "Hala! Burahin mo yan" Pilit kong inaabot ang iPhone pero matangkad siya -__-
...at cute :3
"Ayoko nga!" sabi ng lalaki sakin.
"Akin na kasi!!!"
"Ang cute cute mo dito eh,atsaka remembrance na rin to. hahahaha".
Medyo napakunot noo nalang ako. "Cute ka dyan? Ang sabihin mo gusto mo lang na may pinagtatawanan ka!"
Ngumiti lang ito at agad na naglakad papuntang auditorium. Haayy. Ang weird talaga ng lalaking yun, kainis ah di nya talaga binura yung picture ko. Okay sige, ang cute niya.
Naglakad na rin ako papuntang auditorium at halos lahat ay nandun na. Nang napalingon ako para makita kung sino ang katabi ko, naakita na naman ang gwapong weird na lalaki kanina.
"Bakit ang tagal mo?" sabi niya sakin habang nakangiti. Malay ko bang pinapasunod niya ako?
"Anong nginingiti mo diyan?" Seryoso kong sabi. Di naman ako nagtataray.
"Ang cute mo kasi!" Napangiti ako pero pinilit ko paring ipakita yung serious face ko.
"Alam ko!"
"Naniwala ka naman?" sinabi niya habang tumatawa. Tsk. Bwisit rin pala siya minsan.
"Ang sama talaga netong lalaking to!" sabay hampas ko sa likod niya pero mahina lang.
Wala akong masyadong naintindihan sa orientation dun sa auditorium. Ang alam ko lang, nakilala ko na ang una kong kaibigan, narealize ko lang na nakauwi na ako pero hindi ko pa din pala alam ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Kissed by My Idol
Teen Fiction"Yung idol mo na hinalikan ka? Naku! Itulog mo lang yan, baka magkatotoo pa." Yun siguro ang sasabihin ng marami kapag kinuwento ko na hinalikan ako ng Idol ko. Pero paano kung too nga! Sige, Let's say, naniniwala ka na. Pero paano kung nainlove rin...