CHAPTER 3: THE SANDWICH SNATCHER IS MY SEATMATE
Panibagong araw na naman sa Yverdon University. So far matino pa naman ang buhay.
Kanina ko pa hinahanap ang yung kaibigang di ko alam ang pangalan.
"Asan na kaya yun? Sayang 'tong sandwich na 'to bibigay ko sana sa kanya para magthankyou kasi nagkaroon ako ng kaibigan kahapon." Sa laki ba naman ng school na 'to nasaan kaya siya? Nagprepare ako ng isang set ng sandwiches na may iba't-ibang design para may effort naman.
Nakaupo lang ako sa may bench sa gilid ng school. Sinusulit ko ang katahimikan kasama ng masarap na haplos ng hangin saa aking balat. Tahimik at maaliwalas dito pero may nariring akong mga nagkakagulong mga estudyante at tili ng mga babae. Akala ko walang fangirls dito. Meron rin naman pala.
Ano nanaman kaya yun? Ang we-weird talaga ng mga estudyante dito...
"Akin nalang 'tong sandwich mo ha? Salamat." bago pa man ako magreklamo kinakain na ng isang lalaking naka hood ang special sandwich na ginawa ko. Hingal na hingal ito at parang galing sa marathon, kung mapapansin sa pagkain parang gutom na gutom din. Pero wala akong pake sa kanya, kainin na niya ang baon ko wag lang ang sandwich na ginawa ko!
"....Aaaaaaaaaaaaah! Walang hiya ka! Hindi para sayo ang sandwich na yan." sigaw ko sa kanya habang hinahampas siya kahit saan.
"Aray! Aray... Parang awa mo na miss, babayaran kita pag nagkita tayo ulit. Gutom na gutom na talaga ako eh. Di ko naman alam na ganito kahirap magiging buhay ko dito. I should have hired body guards!" Reklamo ng lalaki habang pinaghahampas ko parin.
"Ang kapal ng mukha mo! May canteen naman ah? Hindi ka ba nabigyan ng nanay mo ng pangbaon ha? Ang yaman niyo naman. Pa-explain-explain ka pa. Di na mapapalitan yan! Ibalik mo n-----"
Aksidenteng nahubad ang hood ng lalaki, at di ako pwedeng magkamali. Ang nasa harapan ko ay si "E..Enzo?" napatulala ako at nabato sa kinauupuan. Ang nakita ko ba ngayon ay ang idolo kong nang-agaw ng aking first kiss at kasalukuyang kinakain ang pinageffortan kong sandwich (0.0)
"Miss...Miss ok ka lang?" Ang lakas ng loob niyang ipakita sa akin yung mukha niyang nasasarapan sa Sandwich. "...Ano ba yan kasalanan ko nanaman, kasalanan ko bang nai-star struck kayo sakin? Kanina lang may humahabol sakin tapos ngayon gantong sitwasyon naman?..." Di ko akalaing mayabang pala siya sa personal. "...what a first day Yverdon University!"
"Ayun si Enzoooo!" May nakahanap na naman sa kanya at maingay na naman dito.
"Sige Miss, maiwan muna kita diyan. Tulala ka pa eh. Nex time na bayad ah. Thanks.”
"Si...si Enzo? Di..dito sa Yverdon University?! I'm doomed."
WAAAAAAAAAAAAAAAAAH! ANG KAPAL NG MUKHA NYA! ANO? GANUN NA LANG? HINDI NYA AKO NAALALA? PAGKATAPOS NG GINAWA NYANG PAGNANAKAW NG HALIK? ULTIMO SANDWICH NINAKAW PA EH PARA KAY...kay...kay. Selfie guy? Teka! Sya nga pala yung hinahanap ko. WAAAAAAAAAAH! Epal ka talaga ENZO THOMSON!
BINABASA MO ANG
Kissed by My Idol
Teen Fiction"Yung idol mo na hinalikan ka? Naku! Itulog mo lang yan, baka magkatotoo pa." Yun siguro ang sasabihin ng marami kapag kinuwento ko na hinalikan ako ng Idol ko. Pero paano kung too nga! Sige, Let's say, naniniwala ka na. Pero paano kung nainlove rin...