"Mahal kita Aphrodite hindi ko alam kung pa-paano nangyari saakin ito. Ngayon lang ako nag karoon ng lakas ng loob para sabihin sayo 'to" Aniya niya na naging dahilan upang matulala ako sa kaniyang mukha feeling ko ay nakalutang ako sa ulap.
Kaya't nakakagulat na isa sa mga lalaking nambubully saakin ay sasabihang mahal ako.
O baka trip nanamn ito. Malabong magustuhan ako ng isang sikat na lalaki tulad niya. Ngunit ano itong nararamdaman ko halos gusto nang kumawala ng aking puso dahil sa mga sinabi niya
Ngunit hindi maari ito kailangan ay pigilan ko ito. Dahil alam ko sa dulo ay masasaktan lang ako.
"P-pwede bang wag mo akong pagtripan hayaan mo naman ako kahit ngayon lang na sumaya since prom naman naten ngayon"Nakayukong sabi ko. Alam ko na hindi totoo ang mga sinabi niya ngunit bakas sa boses nya ang pagiging seryoso nito
"Aprodite hindi kita binibiro o niloloko totoo ang mga sinasabi----"Saad nya ngunit pinutol ko ito agad
"Wag muna ngayon. Pwede namang bukas nyo nalang patripan at pagtawanan dahil nga uto uto ako" nagbabadya n ang mga luha sa mata ko kaya agad ko itong pinunasan
Akmang aalis na sana ako nangbigla niyang hinwakan ang wrist ko at nagsalita muli siya
"Aphrodite you look so Goddess tonight I think I was born to adore you. Aphrodite natagal na kitang gusto kaya kita binubully ay para mapansin mo ako" Aniya na naging dahilan upang maging tulala ako
Matagal ko narin siyang gusto ngunit pinapigilan ko iyon dahil alam kong masasaktan lang ako lalo na sa rejection.
hindi ko maiwasang hindi humarap sakaniya nakita ko ang mga luhang nang gigilid sakaniyang mga mata
hindi ko akalain na ang isang bad boy na ito ay makikitang kong may luhang nagbabadya sakanyang mga mata nakikita ko rin ang kalungkutan sa mga niya
"Aphrodite sorry sa pambubully ko s-sana sa susunod ay maging palaban kana. Maganda ka aphrodite at nakikita ko iyon dyan sa puso mo. Hindi ka pangkaniwang babae may kakaiba kang ganda lalo't nung nasilayang ko iyon nang tinanggal mo ang iyong salamin"Aniya na ikinagulat ko parang siyang nagpapaalam
"B-bakit parang nagpapaalam ka sa tono ng mga pananalita mo?" Nanginginig na sabi ko dala narin siguro ng gulat
"Aalis na ako aphrodite kaya ngayon ko naisipan sabihin sayo ang nararamdaman ko. Ngunit babalik ako pag ayos na ako at muli akong babalik para iparamdam sayo na mahal kita na walang halong biro" bakas ang kalungkutan sa mga salitang binitiwan nya
B-bakit kumikirot ang puso ko at tila sinasabi nitong pigilan siya sa pag alis
Hindi ko alam kung seryoso sya ngunit sa tono ng pananalita niya ay napapaniwala niya ako
Tama ba ito? Na ang isang bad boy ay iibig sa isang katulad kong nerd?
Hindi ko maiwasang pigilan ang pag hinto ng luha ko ang sakit ng puso ko sa mga nalaman ko naaalis siya
pero hindi dapat akong umiyak hindi ko siya gusto hindi ko siya mahal hindi totoo ang lahat ng ito
b-bakit ganito? Umaasa ang puso ko sa pag babalik niyang muli
Babalik ba talaga siya? Ano ba ang problema? Bat aalis pa siya?
Posible ba na ang isang nerd na katulad ko ay tuluyang maiinlove sa badboy?
Basta sa ngayon isa lang ang pinaghahawakan ko ang salitang iniwan niya "Babalik ako"
***
A/N: sorry po sa mga grammatical error ko. Sana magustuhan nyo po ang story*It's your sweet girl Rica'
YOU ARE READING
Her name is Aphrodite
Teen FictionAng babaeng pangalan ay pang-dyosa ngunit Kabaligtaran ito sa kaniyang mukha madalas ay nabubully sya dahil dito. Siya ay isang nerd maraming pag subok ang hinarap niya kaya't lahat ng pang bubully sakanya ay baliwala nalang. sa hindi niya inaasahan...