Chapter 9: The Aftermath

7 0 0
                                    

KIA'S POV

Hayyy. What a day. Napakaganda ng araw ko talaga. Sobra. As in. May mas igaganda pa ba to? Sukat ba namang Lunes na Lunes, badtip na ako. Kaloka. Pagpasok ko pa lang sa gate, nakaka-asiwa na ang mga tingin nila. Aware naman ako kung bakit nangyayari to sa buhay ko eh. This is because of that stupid video and that performance sa convocation. Dati invisible lang naman ako ngayon kilala na nila ako lahat. And that pisses me off. Kasi I hate attention. I don't wanna sound ungrateful, but still.

I must admit maganda sa feeling ang kumanta sa harap ng maraming tao. Nakaka-kaba pero once I started singing, I felt at ease. Ganyan talaga kasi ang dating ng music sakin. Hindi ko man aminin, masaya ako sa nangyari dahil I got to experience that kind of feeling. Ayun nga lang, it comes with a price.

" Hoy. Ba't nakatunga-nga ka jan?" 

Narinig ko'ng sabi ng mastermind sa lahat ng nangyayaring pagbabago sa buhay ko ngayon. Hindi ko pinansin si Miles at patuloy na tumunga-nga sa harap ng bintana. Nasa classroom na kami ngayon. Lunchbreak actually pero wala ako sa mood kumain lalo na't maramin din tao sa canteen ngayon. Ayoko muna makakita ng maraming tao. 

Naramdaman kong tinapik-tapik ako ni Miles pero hindi ko parin siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya. 

"Hey. What the hell's wrong with you?" 

Pumanting tenga ko sa narinig ko. Tama ba rinig ko? Napalingon ako bigla sa nagsalita.

"Oh? Napalingon ka din." Sabay tawa ni Miles. Wag niyo ko sisihin. Hindi sa OA ako pero first time ko talaga narinig si Miles mag-english ng buong sentene ah? 

" Ewan ko sayo" sabi ko sabay inirapan siya.

" Meron ka girl?" Tanong ulit niya kaya nilingon ko siya sabay taas ng kilay ko. Isa pa talaga masasabunutan ko na tong babaeng to eh. Tinaas niya dalawang kamay niya na parang magsusurender siya kasi tiningnan ko na siya ng matalim. Kung nakakamatay ang tingin, baka nagforty days na tong si Miles. Joke

"Chill kasi. Syado kang HB eh. Tara na kasi maglunch. Andun na sa canteen si Reid. Staka gutom na din ako. Kanina pa kita pinipilit kasi eh. Tara na." Sabay hablot niya sa braso ko.

"Ayoko ko nga kasi. Di ako gutom."- Ako

"Hala. Diet ka?"- Miles

I was about to answer her ng may pumasok na estudyante sa classroom na parang may hinahanap. Tumigil ang mga mata niya samin since kami lang naman ni Miles ang andun. I knew him as Tommy. President ng Music Club sa school. Junior HRM student.

" Saskia right?" Tanong ni Tommy habang nakatingin sakin. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon. He smiled and said, " Tawag ka ni Mr. Reyes sa faculty. Sige. Alis nako." Yun lang at lumabas na siya.

Nagkatinginan kami ni Miles. Biglang lumapad ang ngiti ng bruha habang ako naman biglang kinabahan.

" OMG girl. Diba si Mr. Reyes advise ng Music Club? Hala. Baka pati siya nadiscover ka. Na-excite ako for you." Sabi ni Miles habang pumapalakpak pa. Ako naman kinakabahan ng sobra. Sa pagkaka-alala ko wala naman akong kasalanang ginawa. Naramdaman ko na may humihila na sakin patayo.

" Tara na. Masamang pinaghihintay ang grasya." at kinaladkad na ako ni Miles palabas ng classroom. " Teka lang. Bag ko" pagpupumiglas ko. Pero parang walang naririnig ang gaga. Dahil tuloy lang siya sa pagkaladkad sakin. 

" Hey Miles. Bag ko nga sabi. Anlayo na natin sa classroom oh. Kainis naman eh." Pagmamaktol ko.

" Ha? Ano sabi mo?" sa wakas at tumigil din siya.

" Bag ko nga sabi. Di ko na nakuha kasi bigla mo nalang ako hinila. Masyado ka excited. Kala mo naman ikaw yung pinatawag." binitawan naman niya kamay ko

"Ba't ngayon mo lang sinabi? Eh ang layo na natin oh." Sigaw niya sakin. Jusko naman talaga ako pa may kasalanan ngayon. Sarap talaga kutusan ng abnormal na to eh. Napakamot siya ng ulo niya. " Teka dito ka lang. Babalikan ko." sabay talikod at naglakad pabalik ng classroom. Naupo nalang muna ako sa bench dun habang naghihintay sa kanya. Later on may dumaang lalaki sa harap ko na sumisipol-sipol pa. Lumingon siya sakin tas biglang napatigil. Lumapit din siya kung san ako naka-upo.

"Uy! Ikaw yung kumanta dun sa convo diba?" Sabi ng lalaki sabay duro sa mukha ko. Abnormal ba to? Makaduro para akong kriminal ah. I know him tho. Namumukhaan ko siya. Siya yung Bassist ng banda na tumugtog din dun sa Convo. Kasama nung tumulong sakin.

" Oh. Bakit?" Sagot ko sa kanya. Ngumiti siya bigla sabay abot ng kamay niya. " Hello. I'm Liam. Ano nga name mo?"

" Kia." Sagot ko. I dont really use my full name pag di ko masyado close. Inabot ko na din kamay niya. Sabay bitaw. Napakunot noo ako ng bigla siya humagalpak ng tawa. Ano problema nito? 

"KIA? Hahahahahaha. Seryoso?" tanong niya habang tawa parin ng tawa.  

"Why are you laughing? Blema mo?" naiinis kong sabi. Malapit na maubos pasensya ko sa gagong to talaga.

" Sorry. Sorry. Nakakatawa kasi name mo. Ano ka brand ng sasakyan? Pabili naman oh. " At tumawa na naman ulit siya. Masasapak ko na talaga tong gunggong na to eh. Pinagtawanan pa name ko. Pero teka, may point di naman siya. Ay hindi. Di kami close kaya di siya dapat ganto.

Magbubunganga na sana ako, buti nalang may taong tumapik sa balikat ko. Lumingon ako and saw Miles. Tsk. Saved by the bell ang gagong si Liam ah. 

"Eto na bag mo." Inabot niya sakin bag ko. Sabay nguso sa direksyon ni Liam na parang baliw parin kakatawa. Babaw ng kaligayahan eh. Ka-imbyerna. "Ewan ko jan. Nababaliw na ata." sabi ko at akmang hihilahin ko siya nga may nakasalubong kami. 

"Hoy Liam. Anjan ka lang pala. Tara na." Tawag ng isang lalaki kay Liam. Nakasalubong lang naman namin ang mga kabanda nitong si Liam Abnormal. Nakita kong lumakad si Liam mula sa likod namin palapit sa mga kaibigan niyang tumigil sa harap namin ni Miles. 

Napansin ko si Enzo sa likod katabi nung vocalist ata nila na nakaheadset. May sariling mundo. LOL. Si Liam naman lumapit dun sa tumawag sa kanya na if hindi ako nagkakamali ang pangalan ay Kale, organist nila. Katabi naman ni Kale yung drummer nila na si Drei ata. Napabalik ang tingin ko kila Liam nang mapansin kong tumatawa sila ni Kale. Parang alam ko na ata dahilan. Nakahanap ang abnormal ng kakampi. Tsk. Narinig kong nagsalita si Drei.

"Hoy. Bat kayo tumatawa jan?" Sabay lingon niya sa min ni Miles. "Hi Miss. Ikaw yung kumanta dun sa convo diba? Yung tinulungan nitong si Enzo?" nakangiti niyang sabi sakin. Habang ang dalawang katabi niya tawa parin ng tawa. Kabagin sana kayo. tsk

" Yes. Im Kia. And this is Miles, bestfriend ko." Ngumiti naman si Drei kay Miles. "Hello sa inyong lahat." Si Miles yan. Narinig kong humalakhak na naman ang dalawang engot sa tabi.

"Uhmm. Enzo," tawag ko kay Enzo na parang walang paki sa mundo. Tahimik lang siya sa likod. Tumingin naman siya sakin. "Thank you nga pala ulit dun sa ginawa mo." Sabay ngiti ko sa kanya pero tumango lang siya sakin. Naks suplado. Tsk. Bala ka jan. Kala mo naman.

"Ano ba Liam, Kale, bat ba kayo tawa ng tawa dyan?" Drei

"HAHAHA. Si ano kasi Drei. Si Liam kasi may sinabi sakin. Yung name daw ni Kia, sasakyan daw. HAHAHAHAHA" Tawa ulit silang dalawa ni Kale. Si Drei naman tatawa na sana kaso pinigilan lang. "Sorry" Sambit nito sakin sabay peace sign. Tumango lang ako sabay hila kay Miles at nagsimula na maglakad paalis. Pero pagkalampas ko sa kanila, sumingaw muna ako. Kala niyo ah.

" Kung ako saksakyan, Si Kale naman, gulay." sabay lakad namin ni Miles. Kala niyo kayo lang may alam ah. Narinig kong humagalpak ng tawa si Drei staka si Liam. Narinig ko naman si Kale nagsabi ng, "Teka. Bat sakin ka rumesbak, si Liam may kasalanan eh" Tumawa nalang kami ni Miles. 






Will Love Be Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon