Chapter 44

885 37 7
                                    

Irish's POV

Pagkatapos nung gabing nagkaharap kami ni Ricci, pinatunayan ko sakanya na totoo at gagawin ko talaga ang lahat ng sinabi ko sakanya.

Araw-araw akong pumupunta sa condo niya para makita siya at makausap pero hindi niya manlang ako nilalabas. Nag-aantay lang ako ng ilang oras sa labas hanggang sa lumabas siya para umalis pero kapag nasa labas naman na siya ay parang hangin lang ako sakanya. Masakit, pero ayos lang sa akin. Atleast nakita niya na palagi akong naroon para sakanya.

Minsan din ay dumadalaw ako sa training nila at dinadalhan siya ng towel at inumin. Pati nga ang mga kateammates niya ay ibinibili ko na rin. Pero, lahat ng mga dinala ko para sakanya, nakikita mismo ng dalawang mata ko na tinatapon niya lang. Hindi ko alam kung sinasadya niyang makita ko yun para itigil ko na, pero sorry siya dahil hindi pa rin ako titigil.

Panay rin ang text at tawag ko sakanya. Pero ni-isa sa mga iyon ay wala manlang siyang sagot. Ayos lang naman sa akin dahil ang mahalaga, nababasa niya ang mga gusto kong sabihin sakanya, at masaya na ako doon.

Mahirap? Oo. And at the same time masakit. Pero ganoon naman talaga diba? Kapag lumalaban, nandiyan ang iba't ibang struggles. Pero gaya nga ng sabi ko, gagawin ko ang lahat para bumalik ang pagmamahal ni Ricci sa akin.

Desperada na kung desperada. Wala eh, nagmamahal lang talaga ako ng totoo.

"Nandiyan na po ba si Ricci sa dressing room?" Tanong ko sa isa sa mga staffs na nag-aasikaso sa mall show ni Ricci.

Nandito ako sa isang mall sa Taguig dahil nalaman ko na may mall show ngayon si Ricci dito. Gusto ko siyang mapanood at suportahan kaya kahit traffic at medyo malayo ay pumunta pa rin ako.

Nakita kong tumaas ang kilay nung babaeng pinagtanungan ko sa akin. "Oo... Sino ka ba?" Mataray niyang tanong.

"Uh... Pwede po bang pakibigay sakanya 'to?" Itinaas ko ang paper bag na may lamang leche flan at hindi pinansin ang naging tanong niya.

"Hindi. Hindi tumatanggap si Sir Ricci ng ganyan." Mataray na sabi nung babae.

Wait, di ba siya nangangalay? Kanina pa nakataas yung kilay niya eh!

"Ahh... Please naman oh. Pakiabot lang 'to sakanya. Favorite niya kasi 'to eh. Kumakain din siya nito bago siya magperform dati para mabawasan yung kaba niya." Sabi ko.

"Hayst! Ang kulit mo naman. Sabi ngang hindi--"

"Anong meron dito?"

Napatigil sa pagsasalita yung babae nang biglang may sumingit sa usapan namin. Nagkatinginan kami nung lalaki kaya mabilis akong napangiti.

"Kuya Joric!" Naibulalas ko.

Nakita kong nagulat siya nang makita ako. "Oh, Irish ikaw pala yan!" Natutuwa niyang sabi. "Teka, anong ginagawa mo dito? Gusto mo bang pumasok sa loob?" Yaya niya sa akin.

"Naku, hindi na, Kuya Jo." Tanggi ko. Baka mamaya ay mag-iba ang mood ni Ricci pag nakita nya ako ngayon. Haharap pa naman siya sa maraming tao ngayon kaya pass muna sa pangungulit.

"Sure ka?"

Tumango ako at ngumiti ng pilit. "May favor lang sana ako, Kuya. Kung ayos lang?" Medyo nahihiya kong tanong.

"Ano ka ba naman, Irish! Syempre okay na okay! Ikaw pa ba!"

Nagtawanan kaming dalawa matapos niyang sabihin iyon.

"Ano ba yun?" Tanong niya.

"Pakibigay naman 'to kay Ricci, oh. Para mabawasan yung kaba niya para mamaya." Nakangiti kong sabi at inabot kay Kuya Joric yung paper bag.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon