Simula

65 1 0
                                    


Simula

"Abby, papasok na ako sa opisina, pumunta ka mamaya sa office ko."

"Opo mommy, inggat kayo ni daddy. And always remember our motto."

"Okay baby, alis na kami ng mommy mo." Sabi naman ni daddy sabay guide niya kay mommy palabas ng aming mansyon.

Yes masyon tama kayo.

And yes I am only daughter of Cecelia and brando Constacia.

And yes, Senador si daddy lawyer naman si Mommy.

And me, it's a normal student.

Normal lang na tao, na nangangarap din na maging isang senador, upang makatulog sa ating bansa.

Gusto kong umayos ang bansa, gusto kong mag karoon ng katarungan ang mga taong na aapi.

Dahil sa mga kasong hinahawakan ni mommy, laging natatalo dahil nga walang katarungan at mas pinipiling ipanalo ng judge ang mga may pera.

Ganun talaga dito sa Pilipinas na kapag may pera ka angat ka, at yung mga mahihirap naman walang karapatan sa batas

Dahil hindi pinapakinggan ang kanilang hinaing.

Kung kaya't gusto kong maging senador upang makagawa ng batas na nagsusulong ng tulong para sa mga mahihirap.

Patungkol sa hindi pantay na pagtrato sa kanila ng ibang sektor ng gobyerno.

At ngayon papunta na ako sa school, Kumuha ako ng kursong political science. Ngayong 19 years old na ako konti na lang malapit na makaka graduate din ako.

Dahil nga nasa politika ang mga magulang ko, alam ko kung gaano ka dangerous ang buhay namin. Na kahit saan ako pumunta may banta ang buhay ko at ng pamilya ko.

I understand that we have a lot enemy lalo na't sa tama kami pumapanig at hindi sa mali, if my dad and mom sees a wrong doings, ilegal or crimen they just do what is right.

The motto of our family even the friends of my dad is "Do the right things" if you will able to do such a good things, you will be successful, and yet doing good to others is great things must people do often. Lagi ka dapat pumanig sa tama. Lagi dapat tama ang gawin. You need.

And yet I want to become a senator, for I want the Philippines to be good and become zero percent crimen, although it's hard but at least I need to decrease the percent of crimen. Kahit mahirap basta makagawa ng mga batas na mag lead tao na magkaroon ng disiplina.

Discipline to our self is the most and need to have every individual because if a lot of filipino have a discipline or they have manners for our country every crisis that we face would be finish.

But that's me, it's my opinion, that's my plan if will become a senator but for now I want to focus on my study, malapit na akong grumaduate, konti na lang matutupad na ang pangarap ko.

Konting pursige pa, maabot ko din ito. I believe that if I have trust to myself and also to God, I will succed.

Siguro wala na akong hangad sa buhay, I have complete and happy family. Pinalaki ako na maging mabuting tao, at gusto kung ano yung natutunan ko bilang anak ng mga tanyag at professional sa Pilipinas.

I don't want them to disappoint in me, alam ko kung ano yung purpose ko dito sa mundo, alam ko kung bakit ako pinanganak kaya ganado ako sa buhay.

Papunta ako ngayon ng school, this is my fourth and last year na pag aaral, gusto kong makapagtapos para maabot lahat ng mithiin at gusto ko para sa bansa.

After nitong taon na ito mag bored na ako at kapag nakapasa, dito na ako magsisimula, I can do it.

Pagkapasok ko sa unang klase ko lahat sila nakatingin sa akin, yung iba ay kilala ko, pero yung iba halos bago lang, mas marami ang bilang ng babae kesa sa lalaki.

"Good morning class" Bati ng profesor na unang pumasok, wala naman kaming ginawa, sinabi lang niya kung ano ang requirements at mga dapat namin gawin.

Sinabi niya rin na graduating na kami kaya kailangan na naming mag seryoso.

Matapos ang aming klase ng maghapon pumunta ako saglit sa admin para sana magkaroon ako ng sariling locker.

"Anong kailangan mo iha. Anong pangalan mo ? Tanong ng matanda sa akin

"Mam, My name is Marielley Abby Constacia po. Gusto ko po sana kumuha ng locker ko po" sabi ko sa kanya. may kinuha siyang mga folder sa ilalim ng lamesa niya tinignan niya 'yon saglit at tumango tango siya.

Nagbayad na din ako ng pang first sem ko.

"Ms. Constacia, your locker is 446, sa building ng mga Engineer sa tabi ng Business Maagement." Tugon niya sa akin. agad naman akong pumunta doon, mabuti na lang at ready ako dalhil dala ko ang susi at kandado.

Halos lahat ng nakaksalubong ko dito sa building ng mga Engineer ay lalaki, yung iba naka tambay pa sa corridor.

"Hi Abby, p'wede ka bang maka date mamaya?" tanong sa akin nung lalaking engineer, well he's pogi but not my type.

"I have something do, isa pa hindi kita type" Prankang pagkasabi ko sa kanya, nagtawanan ang mga kaibigan niya na nasa likod niya.

Nag patuloy ako sa paglalakad ko, nakita ko ang mga titig ng mga lalaki sa akin, naka dress ako na kulay puti, naka three inch din ang heels ng sandals ko.

Kita ko rin ang mga mata nilang naka tingin sa mga hita ko, hindi ko na lang pinansin sila, ayan 'yung gusto kong maalis sa lipunan, nakakabastos 'yon.

"Sexy"

"Ohh, ang sarap naman"

"P'wede p'wede"

Iilan lang 'yan sa narinig ko, sumisipol pa sila, na para bang hayuk na hayuk sa babae. Ganyan yung gusto kong maalis sa lipunan, magkaroon ng protection ang mga Babae.

Matapos kong ilagay ang iba kong mga gamit sa locker, nag ayos ako saglit ng aking mukha, at umalis na, marami na kasing silip ng silip na lalaki dito sa akin, mahirap na wala akong kasama.

Hindi ko alam, pero ganon na ba talaga ako kaganda para lahat ng makakakita sa aking lalaki ay mpapaliingon, hindi ako nagyayabang. Maganda lang talaga ako.

Naglalakad ako palabas ng building ng namataan ko ang isang groupo ng mga lalaki na para bang inaabangan ang kanilang lalapain, agad akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko.

Maya maya biglang may humigit sa kamay ko papasok sa isang daanan sa building na ito, ng medyo nakalayo na kami isinandal niya ako sa pader.

"Bakit ka nandito, alam mong maraming mga baliw na lalaki na malakas man trip dito" Sigaw niya sa akin.

nagulat ako doon dahil hindi ko inexpect iyon.

"Baka naman sinasadya mong magpapansin sa mga lalaki" Muli niyang sigaw.

"P'wede ba Abby, magsasabi ka kung pupunta dito"

"gustong gusto mo talagang kinukuha yung atensiyon ng mga lalaki, mabuti na lang napadaan ako dito sa building na ito, mabuti na lang pinuntahan ko si Emman, baka na rape ka na" Sigaw niya sa akin.

"Mickolo p'wede ba, 'wag mo akong sigawan, at isa pa kaya ko sarili ko."

"'Tsaka bakit ka ba kase nangingi-alam ng buhay" I fired back on him, nakakainis kasi hindi man lang ako pinag paliwanag.

"You are mine Abby"

Into The Darkness (Naguillian #2)Where stories live. Discover now