I'm Janice Rios, just a simple 16 years old girl. I'm one of those kind of person who doesn't accep defeat. Hindi ko din alam kung bakit nga ba ganito ako. As far as I know my parents are kind and religious so I really don't know why I became like this. I hate losing especially on a dare. I have two friends Ria and Kyla just like me. We used to make dares and take serious of it. Wala sa amin ang pumapayag na may matalo sa kahit anong dare pa yan.
Just like today we are planning again who will be our next target. Mali, ako lang pala ang may target dahil natapos na sila Ria and Kyla nuong isang linggo.
"Well it's really hard to think a dare that will be hard for you Jan. It seems like kaya mo kaseng gawin ang lahat." nayayamot na sabi ni Kyla. Kanina pa kase sila nag-iisip kung anong ipagagawa nilang dare sa akin. Nagkibit-balikat lang ako sa dalawa at ngumisi. Alam siguro nilang madali lang para sa akin ang lahat. Well hindi sa pagmamayabang but I'm almost perfect. Beautiful, talented and rich! Ano pa nga bang hahanapin sa akin diba?
"What if we find a guy who is immune to Janice's beauty? Yung mahihirapan talaga siyang paamuin! What do you think Ria?" excited na saad ni Kyla. Napa-ikot naman yung eye balls ko sa sinabi ni Kyla. Hello! Sino naman kaya ang immune sa kagandahan ko? Pati nga mga nerds nagkakandarapa sa akin e!
"It's a great idea Kyla but where can we find a guy like that? Halos buong population dito sa campus may gusto kay Janice e!" frustrated na sabi naman ni Ria. Natatawa na tuloy ako sa kanila. Ang boring naman kase nang naiisip nilang dare.
"Kung wala dito sa campus paniguradong meron sa labas? Right?" pamimilit pa din ni Kyla na halatang gusto talagang i-push ang dare na yun! Well hindi niya siguro matanggap na natalo siya sa dare last last week. Hindi ko tuloy mapigilang mapairap.
"Yes pero wala na tayong time para mag isip pa nang matagal Kyla." reklamo ni Ria.
"Do you have plans going out tomorrow?"
"Wala naman" nakakunot ang noong sabi ko kay Kyla. Agad namang kumislap ang mga mata niya at ngumiti nang pagka-tamis tamis na ikinangiwi ko.
"Why are you asking Kyla? Don't tell you're serious about the-"
"Yes of course! Hindi yata ako papayag na maging madali lang ang dare natin ngayon kay Janice. Boring na pag ganun" pilyang sabi pa ni Kyla. Sabagay sang-ayon naman ako sa sinabi niya.
"Okay this is my plan. Tomorrow we'll go to church and of course you have to behave Jan. You should wear something that will look you decent." tuloy-tuloy na sabi ni Kyla. Lalo lang tuloy akong naguluhan. Why should I wear something like I'm a good girl right? I prefer wearing sphaggeti strap, crop top, short skirts and high waist jeans.
"Teka! Bakit kelangan niya pang magsuot nang ganun? Ano ba talagang plano mo Kyla?" nalilito na ding sabi ni Ria.
"Well malalaman niyo na lang yan bukas. As of now Jan you need to go home already and buy decent dress much better if it's white and please do not wear any make up and just hang your hair. Don't curl it or try to tie it alright?" paalala sa akin ni Kyla at dali-dali nang hinila si Ria para umalis. Naiwan akong naguguluhan sa paborito naming hang-out place na pinagawa pa ni Daddy nung maliit pa ako. Well I better enjoy this dare and do what Kyla said. Of course I will just follow what she said in order to win this dare cause I hate losing! Not with my friends dare!
I woke up early to prepare myself. I choose this simple white dress my Mommy's gift. Hindi ko pa siya nagagamit dahil wala akong hilig sa ganitong mga klaseng damit. Nagtaka pa nga si Mommy and Daddy when I told them I will go to church today. They are both happy and my Dad volunteer to give me a ride. Tapos na kase silang magsimba nung madaling araw together with Nana Linda-our old maid. But I refused him because Kyla called me and she said she will fetch me. Binilinan pa ako na gawin daw simple ang ayos ko as much as possible. Hindi ko na talaga maintindihan ang babaeng yun. Nagulat pa ako nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin. I really look like I am an innocent girl. Kulang na lang lagyan ng halo yung ulo ko at masasabihan na akong anghel. Napailing na lang ako sa naisip at isinuot ang white strappy sandals ko na two inch heels lang dahil yun ang bilin nang bruhang si Kyla.