Chapter 10: Oblivion

2 0 0
                                    


KEN'S POV

Pagka-alis ni Ms. MP, aka Kia, tinanggal ko headset sa tenga ko. Wala naman kasi talaga ako pinakikinggan kanina na music. Nung nakita ko sila nagpretend nalang ako. Parang nahihiya kasi ako sa kanya. Sa di ko alam na dahilan.  Nung narinig kong tinawag niya si Enzo, pasimple kong tinitigan ang reaction ni Enzo, I find it weird na this time halos hindi niya pinapansin si Kia, gayong nung convo parang napaka-feeling close niya dito. 

"Gulay! Este Kale pala" Rinig kong kantyaw ni Liam kay Kale. Buti nga sa kanila. Pinagtripan kasi yung isa kanina. Pero brand ng sasakyan naman kasi name niya eh. LOL.

Naglakad na kami papuntang faculty room. Nasa tambayan kasi kami kanina nang pinuntahan kami ni Tommy to tell us na pinapatawag daw kami ni Mr. Reyes sa faculty. At dahil tapos narin naman kami maglunch, umalis nalang din agad kami papunta dun.  

Pagkapasok namin sa faculty, we went straight to Mr. Reyes' office. Unang pumasok si Kale panghuli kami ni Enzo pumasok. Inayos ko muna phone ko sa bulsa ko bago tumingala and we were all shocked to see Kia already sitting in front of Mr Reyes' table. So dito din pala punta niya. Ano kaya meron? Kanya-kanya na rin kaming upo. Bali tig tatatlong chairs sa magkabilang side ng table ni Mr. Reyes. Bali Si Kia katabi si Kale staka Liam. Tapos ako, katapat ko si Kia habang nasa tabi ko naman si Enzo staka Drei.

"Oy Gulay. Dito din pala kayo." pangangantyaw ni Kia kay Kale sabay siko dito. Natawa naman agad si Liam habang si Kale nakabusangot ang mukha. " Ewan ko sayo kotse ka. Bat ako niresbakan mo eh si Liam naman nauna. Tsk. Di na kita crush." nakapout pa ang puta. Jusko

"Ah si Liam Abnormal? Di ko kilala yun. Takas kasi ata sa mental yun." Napatigil naman sa pagtawa si Liam tapos si Kale naman ang humagalpak. Hanep din tong si Kia. Lakas din magrebutt ah. 

Tumingin kami lahat sa may pinto nang bumukas yun at pumasok si Mr. Reyes. Tumayo kami sabay sabing, " Good Afternoon Sir."

"Oh. Andito na pala kayo lahat. Good. Please sit down." sabi niya sabay upo sa upuan niya.

"You are probably wondering why I called you all here." Panimula ni Mr. Reyes habang nakangiti. Napatingin ako kay Kia sa harap ko na matiim na nakatingin kay Mr. Reyes. Maganda pala talaga siya sa malapitan. Nakatitig lang ako sa kanya ng may sumiko sakin at nalaman kong si Enzo yun. "Kay Mr. Reyes ka tumingin wag sa kung sino yang nasa harap mo." sabi nito kaya tumingin nalang ulit ako kay Mr. Reyes.

"Well, I've seen your performances sa Convocation last Friday. It was all great. It also came to my knowledge na kayo, Oblivion ay school band sa dating school niyo nong high school. Well, because of that, gusto ko kayong gawing school band din ng Archangel. Ang dating school band which is Fallen Archs are all seniors now kaya wala na silang time for any activities outside academic ones. Kasi may thesis at OJT na sila. That is why I'm naming you the new school band." Nagkatinginan kaming 5 magkakabanda matapos marining ang sinabi ni Mr. Reyes. Its honestly a privilege to be the school band. Kanya kanya na kaming nagtanguan at ngumiti. Nagsalita na si Enzo sa tabi ko.

"It would be our privilege Sir. Thank you for choosing us." -Enzo

"Teka lang Sir ah. Sisingit lang ako." Napalingon kami kay Kia. Nakalimutan ko na andito nga pala siya. lol. So bakit nga kaya andito siya. Im geeting curious and excited for an unknown reason. "Bakit po ako andito? Gagawin niyo po ba akong Road Manager nila?" Tanong nito na ikinatawa ni Sir Reyes at nina Kale, Liam, Drei at ikinangiti namin ni Enzo. Iba din sense of humor nitong si Kia. Pero parang hindi siya nagbibiro kasi seryoso ng mukha niya.

"Hindi Ms.  Montenegro." nakatunganga lang si Kia habang hinhintay ang sagot ni Mr. Reyes. "Actually, I want you to be part of Oblivion. I want you to be the band's vocalist alongside Mr. Jacobsen here." bigla akong napalingon kay Sir Reyes. Actually not just me but kami ni Enzo at pati si Kia talaga. Napatayo pa nga kami ni Kia eh. Habang sina Drei, Kale at Liam nagpapalakpak lang. Si Enzo naman tahimik lang na animo nag-iisip

Will Love Be Enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon