Matapos makapag-dinner ay napagdesisyonan nina Ella at Renzo na umuwi. Renzo held the door open for her. Gaya nga ng prediksyon nito, hindi sila natuloy sa kanilang pagpunta sa bar. He was right. Pagkatapos niyang makita kanina si Trace na may kasama na namang babae, nawala na ang atensyon niya sa kanyang sariling ka-date. Kaya heto na sila ngayon, natapos ang date na halos puro tungkol kay Trace ang usapan. In fairness kay Renzo, he'd been a very nice date.
Kaya nga lang ay kalalabas pa lang nila sa restaurant ay bigla namang sumulpot sa kung saan ang isa na namang pang-asar na lalake sa buhay niya.
"What brought you back?" nakangising tukso ni Renzo ng makita nito si Trace na papalapit sa kanila.
"Hey, man!" nakangiting bati ng binata. "Kukunin ko lang sana ang future Misis ko." Puno ng kompyansang pagmamalaki pa nito.
Gulat at tila di makapaniwala si Renzo sa narinig nito ng mga sandaling iyon.
"Paano mo nalaman na narito ako, Jace?" taas kilay at nakapamewang na usig ni Ella sa binata.
"My brother called me and told me that my future wife is cheating on me and is currently on a date with another man." pahayag nito at saka tinapunan ng tingin si Renzo na animo'y kinikilatis ito mula ulo hanggang paa. "Siya ba ang ipapalit mo sa akin?"
"Wait, I'm confuse" nagpapapalit-palit ang tingin ni Renzo sa kanila ni Jace, "Si Jace ka ba o si Trace."
"Jace." Mapang-asar ang ngiti sa labi ni Jace na halatang natatawa na meron na naman itong nabiktima.
"Hay nako, tantanan mo na lang ako pwede ba?" sabat ni Ella.
"I can't. Gusto kong masigurado na safe kang makakauwi at walang mangyayari sayo." Mabilis na pag-amin nito, "Let's go?" sabay lahad ng kamay para alalayan siyang makababa sa ilang baitang ng hagdan.
"Ayoko." Mabilis niyang tanggi, "Tsaka si Renzo ang maghahatid sa akin."
"Yeah, no worries Jace, ako na ang maghahatid kay Ella pauwi."
Ngunit mapagpumilit din talaga si Jace at ayaw magpatalo nito, "I don't mean to be rude, man, pero kasi Ella is my future wife. I already proposed to her." Pagpupumilit nito sa ideyang iyon. "Hindi ba niya nasabi sayo ang tungkol doon?"
"You gotta be kidding." tinawanan lang ni Renzo ang sinabing iyon ni Jace.
"I am not." seryoso ang mukha ni Jace ng sagutin ito.
"She never mentioned anything like that to me." nakakunot-noong tanong ni Renzo ng bumaling ito sa kaniya. "Is that true?"
Napabuntong-hiningi na lang si Ella, "Yes. But it's too complicated and hindi katulad ng iniisip mo na---"
"There's no need for you to explain anything. I fully understand." Putol ni Renzo sa kaniyang pagsasalita ng hindi man lang pinakikinggan ang kabuuan ng kaniyang paliwanag. "Anyway, thanks for the night, Ella. I had fun talking to you. Pasensya na kung pinilit pa kita sa date na to." Nag-aalangang ngiti nito ng magpaalam sa kaniya. "My aplogies, man. Hindi ko alam." Hinging paumanhin naman nito ng harapin si Jace.
"Don't mind it. Walang problema sa akin, this issue is just between me and Ella. Pasensya na din kung nadamay ka pa." Tugon ni Jace at saka tinanggap ang pakikipagkamay na inaalok ni Renzo. "I'll see you around."
Sa loob lang ng ilang segundo ay parang bulang mabilis na nawala si renzo sa harapan nina Jace at Ella. Bakas din sa mukha ng binata ang magkahalong pagkalito, pagtataka, at pagkapahiya dahil sa inaakala nitong relasyon sa pagitan nila.
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...