Napalingon sila Ella at Jace sa entrance ng Coffee shop nang malakas na tumunog ang maliit na bell na nakasabit sa pinto niyon. That little bell is the signal na nagsasabing may pumasok na customer. Pero nang mga sandaling iyon, hindi customer ang nakita niyang pumasok doon.
"Sir Trace!" bati kay Trace ng isa sa mga babaeng crew na nakakita rito. "Kumusta po? Ginagabi yata kayo ngayon."
"I'm good, thanks." Simpleng sagot nito saka umupo sa isa sa mga bakanteng table. Pero ang ekspresyon sa mukha nito ay halos hindi maipinta. "Bigyan mo ako ng kape. 'Yung pinakamatapang."
"Yes, Sir." Mabilis itong pumunta sa tabi ni Trace. "Sir, cake po?"
"Dark Chocolate, isang buo."
"Mukhang gutom po kayo, ah." Komento ng babaeng crew na halata namang nagpapa-cute lang kay Trace.
"Oo, ganito ako kapag mainit ang ulo ko." Sabay lingon sa direksyon kung saan nakaupo sila ni Jace. "Gawin mo ng isang pitsel ng matapang na kape."
"Bayaran mo yan, ha?" napapailing na parinig ni Jace sa kakambal nito.
"Anong palagay mo sa akin, walang pera?" Naglabas ito ng five thousand pesos at iyon ang ibinigay sa babaeng crew. "Keep the change."
"H-ha? Sir, sobra-sobra po tong bayad niyo. 1,750 lang po ang total."
"Paghatian niyo na lang yung sukli." Pagmamayabang pa ni Trace ng titigan nito ang kakambal na si Jace.
"Sir, bawal po kami tumanggap ng malaking tip. Baka pagalitan po kami ni Sir Jace." Nahihiya at nag-aalangan na napasilip ang babaeng crew sa boss nitong si Jace.
"Sige na, Julia, take it. Paghatian niyo na lang apat." Kalmadong tugon ni Jace na halatang kino-control ang sarili na wag sabayan ang init ng ulo ng kakambal.
"Thank you po, Sir Jace." Bakas sa mukha ng crew ang labis na saya sa nakuhang tip at saka ito kumilos para asikasuhin ang order na nakuha mula kay Trace.
Hindi na sana papansinin pa ni Ella ang inaasal ni Trace ngunit hindi pa rin talaga ito tumigil sa kakaparinig. Nabaling ang atensyon naman ang atensyon nito sa kaniya, "Kanina si Renzo ang ka-date mo, ngayon si Jace naman?"
Handa na sana si Ella na sumagot at patulan ito. Sa nakikita niya ngayon, hindi maganda ang mood ni Trace. At hindi siya papayag na mandamay ito ng ibang tao sa init ng ulo nito.
Pero bago pa man siya makasagot ay narinig na niyang nagsalita si Jace, "That's really none of your business, Trace. Kumain ka na lang diyan."
"Talaga!"
"Ubusin mo yan ha!?" hamon ni Jace sa kapatid.
"Kaya ko! Hindi kita titirhan!" pagsusungit nito. Bibit ang tray ng in-order nito, lumipat si Trace sa isa pang mesa roon na medyo malayo sa kanila saka nilantakan ang pagkain.
Dahil sa inaasal ngayon ni Trace ay mas lalong naku-curious si Ella rito kaya naman hindi niya maialis ang tingin sa binata. Nang magtama ang kanilang tingin ay inaway agad siya ni Trace. "Huwag mo akong tingnan. Hindi ako matutunawan."
"Hindi kita tinitingnan, ang panget mo!" ganti ni Ella.
"Ang panget mo din!" ayaw patalong pang-aasar ni Trace.
Nabalik lang ang atensyon niya kay Jace ng marinig niya ang munting tawa nito. "Pasensiya ka na sa kapatid ko, Ella. Wag mo na lang pansinin, ganyan lang talaga iyan. Parang laging nasisiraan ng ulo."
BINABASA MO ANG
One That Got Away (Playboy Series #4)
Romance(Tragic Romance) Trace is a rich young businessman and a well-known playboy. At hindi niya iyon itatanggi, in fact, nagagawa pa nga niya pagsabayin ang mga babaeng nilalandi niya. And Ella is just another innocent victim of Trace's game. Dahil ang...