"Hello, Bry!" Sigaw na tawag sa akin ni Mica.
"Hi." Ngiting sagot ko sa kanya.
"Alam mo, nangyari sa TV show kagabi diba?" Ngiting tanong niya sakin at nagkwento na siya tungkol sa nangyari sa TV show na parehas namin pinapanood.
Siya si Mica Breeze, ang so-called childhood bestfriend ko. Ako naman si Bry Tide.
"Oh? Magkasama na yung dalawang panlaba. Hahahaha." Asar ng kaklase namin ni Mica. Magkaklase kasi kami at magka-grade.
"Baliw ka!" Sabay batok sa kanya, pero biruan lang yun.
"Mica!" Tawag ng bwisit na yun.
"Indi!" Ngiting sagot naman ni Mica. Yung bwisit na yun ang boyfriend niya. Si Indi Sonajo. Tsk.
"Inis ka nuh? Hahahaha." Tawang asar sa akin ng close friend ko dito sa school.
Si Lisa De Vera. Simple lang siya. Normal lang yung mga kaibigan niya na may kaweirduhan, pero ok lang naman. Di siya maarte, di rin siya kagandahan. Actually, naakit ako sa kagandahan niya dahil sa simple lang siya nung unang pagkikita namin, pero ang tinitibok talaga ng puso ko ay si Mica eh. Matalino rin siya, tulungan pa nga kami sa quiz eh. Hahahaha.
"Inaamin ko, oo. Pero wala akong karapatang magselos kasi isang hamak na childhood friend lang naman ako diba?" Sagot ko sa kanya na nagpagulat sa kanya. Di lang simple si Mica. Maganda siya dito sa school, popular siya at matalino. Pero mas matalino si Lisa. Madami siyang kaibigan na sikat din. Kahit inaasar kami ng mga kaklase ko na dalawang panlaba, di yun nakakaapekto sa reputasyon niya kasi dahil siya daw ang future wife ni Indi. Asus! Break up din yan. -.-
"Edi try mo mafall sa iba." Nagulat ako sa sinabi ni Lisa. May nararamdaman akong masama dito ah. Wag naman sana. Ayokong mapagsabihan na nakakatama na naman sa akin.
"Di ko kaya. Sadyang sa kanya at sa kanya lang ang puso ko." Matigas na sagot ko sa kanya.
"Di simple magmahal sa taong mahal mo, pero simple mong mamahalin ang isang tao dahil sa pagmamahal mo sa kanya." Sagot ni Lisa sa akin.
Di ko naman imahinasyon ito diba? Pagkatingin ko sa mga mata niya, para bang may sakit sa loob ng puso niya. Señior High na kami, pero wala pa rin akong alam kung sino crush niya o kung nagkaroon ba siya ng boyfriend o wala. Napatingin ako sa kanya kasama ang mga kaibigan niyang walang reputasyon dito sa school, pero simple lang. Katulad niya, simple lang. Napangiti tuloy ako ng maisip kong simpleng babae lang siya na sigurado walang nagkakagusto sa kanya. Pumikit ako at napapikit kung sino ba ang pwede gustuhin ni Lisa.
"Lisa, anong klaseng lalaking type mo?" Rinig kong tanong ng kaibigan niya.
"Simpleng tulad mo." Napadilat na lang ako at napatingin sa paligid kung sino sinasabihan niya. Pero wala. Ha? Sino sinasabihan nito? o.o
BINABASA MO ANG
Simpleng Tulad Mo [Short Story]
Teen FictionKung gaano kasimple magmahal, ganun din kasimple masaktan. --- This is not a KathNiel fanfic anymore, which I have changed due to change of personal interests. Thank you. (〃ω〃)