Adolfo Garcia and the Shutter

82 2 2
                                    

Disclaimer (n.) - dis·claim·er [diss kláymər]

In commercial law, refers to the refusal to accept responsibility: a statement refusing to accept responsibility for something, e.g. a denial of legal liability for any injury associated with a product

Ang mga sitwasyon at tauhang isinasalaysay sa akdang ito ay kathang isip lamang ng manunulat.

                   "Huwag hanapin ang pag-ibig. Ito'y darating sa'yo." -Ulol

                  Thursday, September 20, 2012 ng 09:57 AM nung makita ko siyang nakatayo sa may first floor ng Arts and Sciences Building ng university. Yun ang pinakamagandang view na nakita ko sa university na ito. Ang kaniyang mahabang buhok na kumikinang sa sinag ng araw sa umaga at ang kaniyang maputi at magandang mukhang tila walang bahid ng anumang kalungkutan- it’s just so damn perfect. Mga isang buwan ko na din siyang minamanmanan at sinusundan, and this is it. Una ko kasi siyang nakita noon sa jeep; magkatapat ang aming upuan kaya naman sariwang-sariwa sa aking ala-ala ang kanyang itsura na isa sa mga bagay na di ko malilimutan sa aking buhay. Napakanda ng kanyang mga mapupulang labi, gayundin ang kanyang mga mata mala-anghel sa pagkislap sa tuwing nasisinagan ng liwanag. Mula noon ay natuto na akong manamit at pumorma ng maayos sa paghahangad araw-araw na makita ko siyang muli, kaya naman nung makita ko siya nun eh hindi ko na pinalampas ang once in a lifetime na pagkakataon.

            Nilapitan ko siya. Ramdam ko ang mga lindol at buhawing sumasalanta sa kaibuturan ng aking puso, kaya naman nangangatog ang lahat ng aking mga buto’t laman sa aking paghakbang palapit sa kaniya. Nakasuot siya noon ng black na blouse kaya litaw na litaw ang kaniyang kaputian sa kanyang outfit. Shit, mehn! Lalo pa akong kinabahan nung mga dalawang steps na lang ang layo namin sa isa’t-isa. It took me 21 seconds to gradually approach her from that distance, and I assure you with all my god damn honesty it’s not really very easy. Akmang kakausapin ko na siya noon nang biglang nakarinig ako ng ingay, sigawan at kalampagan ng mga aktibistang estudyante na nagwewelga sa labas ng building.

            Nacurious siya at nagtungo siya sa bintana upang tanawin ang kaganapan sa labas ng gusali kung nasaan kami ng mga oras na iyon, at kitang kita ko sa aking dalawang mata ang kaniyang mahabang buhok na bumagwis sa kaniyang mahinhing paglakad. Sinundan ko siya at tinabihan, saka ako huminga ng malalim. “This is it”, nasabi ko sa sarili ko habang ibinubuka ko ang aking bungangang tila nanigas na sa sobrang kaba. “Shit! Anong sasabihin ko?” Hinawakan ko siya sa balikat, saka ngumiti tulad ng pagngiti ni Coco Martin sa advertisement ng Nescafe’, at sinabi ko sa kanya ang mga katagang, “Excuse me, puwede ko bang malaman ang pangalan mo?”

            Humarap siya sa akin, saka tumugtog sa aking isipan ang awiting ‘You and Me’ by The Cranberries. Da best ang sandaling iyon ng buhay ko, at mas hihilingin ko pang huwag na lamang magising kung ako’y nananaginip lamang. Feeling ko, nagslow down ang oras. Kumikinang ang aking paligid, at tila siya lamang ang nakikita ko. Nakita ko sa kaniyang mukha ang pagtataka nung una, ngunit hindi naman siya nag-atubiling sabihin ang kaniyang pangalan. “Francisca,” wika niya.

            Francisca. Oh shit! Di ko madescribe.

            Hindi ko alam ang susunod na gagawin. Gusto kong tumalon sa saya dahil nalaman ko na din sa wakas ang pangalan ng aking sinisinta, pero baka isipin niyang humihithit ako ng mariwana kapag ginawa ko iyon. “Taga-saan ka?” tanong ko sa kanya, at sa di maipaliwanag na dahilan ay ramdam na ramdam ko ang dugong dumadaloy sa kadulu-duluan ng aking mga arteries. “Taga-Pangasinan ako,” sagot niya, at napakagat-labi ako. Tang ina! Magkaprobinsya pala kami. I should have know, damn it!

            “Ah. Tamang-tama. Ako nga pala si Adolfo.” Ipinakita ko sa kanya ang aking I.D. bilang katibayan, at di ko man lang naisip na kamukha ko pala si Ringo Starr sa I.D. picture ko. Tang ina, nakakahiya. “Plano kong magtayo ng organisasyon ng mga taga-Pangasinan dito sa university natin. Ahm. Kung okey lang sa’yo, kunin ko ang number mo,” wika ko sakanya, sabay abot ng papel at bolpen. Parang lumiit ang diameter ng aorta ko, at parang pinagkakaitan na ako ng mundo ng hanging maaring langhapin. I didn’t even think of the thousand possibilities that may be resulted with such words. Pa’no kung naintimidate siya? Pa’no kung nawierduhan siya? Pa’no kung.. kung.. ewan.

            Nagpigil ako ng hininga.

            Hindi siya sumagot, pero kinuha niyang kusa ang bolpen mula sa aking mga kamay na tila nagyeyelo sa lamig, saka isinulat ang kaniyang number sa kapirasong papel na ibinigay ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag at nagbalik na sa normal ang diameter ng aorta ko kaya naman ramdam ko na uli ang pagdaloy ng dugo sa aking sistema. Shiyet! It’s like I’ve never been in this damn situation before.

            “Salamat,” sabi ko sakanya nang iabot niya sa akin ang papel, bolpen at I.D. ko saka ko siya nginitian. Muli ay hindi siya nagsalita, ngumiti lang siya, at tumugtog naman sa isipan ko ang awiting ‘When You’re Gone’ by The Cranberries. Ang ganda ng mga ngipin niya na kasing puti ng niyebe, kahit di pa ako nakakakita ng niyebe. Ang kaniyang mga labi ay sing pula ng hinog na mansanas na ibinebenta sa bangketa sa Guadalupe, and the view of her smile is an absolute artistry that every photographer should take a picture of.

            Hindi na naerase ang ngiti sa mga labi ko, maging nang sinabi niyang “Sige, una na ako.” Nanatili akong nakatayo sa kung saan ko siya unang nakilala, pinagmamasdan siya habang siya ay naglalakad palayo sa akin. Naging permanente na yata ang ngiti ko, and the rest of the day turned out to be happy- 100% no worries, no problems and nothing to be bothered about.

            07:07 PM nang matapos ang klase ko sa araw na iyon. Si Francisca parin ang nasa isip ko, at di parin maalis sa isipan ko ang kaniyang mahabang buhok at nakabibighaning ngiti. Maging nang kumain ako sa canteen malapit sa tinitirhan kong dorm ay siya parin ang laman ng isip ko, at napapalingon ako kung saan-saan sa pagbabaka-sakaling makita ko siya somewhere down the road. Nang matapos akong kumain ng hapunan, agad akong nagpunta sa tindahan upang magpaload nang sa gayon ay matext ko siya, and despite the fact na may exam ako kinabukasan tungkol sa Thermodynamics, Electromagnetism, Light, Momentum at Pascal’s Principle eh wala akong balak magreview; wala akong balak sirain ang araw ko sa pag-aaral.

            09:12 PM sa parehong araw nang itext ko siya. Nagpakilala ako, and I tried my best to sound formal, syempre, pandagdag ng kakisigan. Labing limang minuto kong hinintay ang kaniyang reply, at masayang-masaya ako nang nakita kong nakatanggap ako ng isang mensahe galing sa kaniya. Dalidali kong binuksan ang message na iyon. “Bkt mo tnanung ang pngalan ko kanina?” tanong niya. Di ko alam ang isasagot ko. Alangan naman sabihin kong nalove at first sight ako sakanya at isang buwan ko na siyang iniistalk, at ngayon lang ako nakabuwelo at nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin ang pangalan niya dahil all this time, I never really had the chance, and the guts as well, to ask her name. Nagreply ako. “Wla lng. jejejejeje”

            9:57 na, di pa din siya nagrereply, kaya naman nagsend ako uli ng message sa kanya. “Pwd b kta mgng txtm8?” tanong ko, at narealize ko na isang napakalaking katangahan ang tanong na iyon.

            10:11 nung magreply siya. Nakangiti kong binuksan agad ang message niya. “Hndi,” reply niya sa akin, and I felt the earth beneath my feet crumbling, exactly how King Priam felt when he witnessed how blood was spilled at Agamemnon’s seize of the city of Troy. All of a sudden, the happiness, the love at first sight, the anticipation, the heart, the hope of a new and colorful love life…

            everything shuttered. :'((

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Adolfo Garcia and the ShutterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon