------------------------------------------------
Jake Pov
Buti na lang okay na kami :) Hayyy :) Best gift para sa birthday ko bukas :) Hindi ko alam kung bat ako pinatawad ni Jez. Sguro kasi sa impluwensya ni Nico. Ganun kasii si Nico. Madaling mag patawad, maliban na lang kay daddy..
Nag aantay ako ngayon dito sa gate kay Jez. Wala lang. Gusto ko lang talagang mabalik yung dati. Hmm. Sana nga hindi mag bago si Jez :>
Sa tingin nyo mahal nya kaya ako?
Nakita ko na yung kotse ng papa ni Jez. Kailangan ko rin pa lang humingi ng tawad sakanila. Sa mama at papa nya.
Lumapit ako.
"Good morning Sir. Hello Jez."
"Okay na kayong dalawa?" tanung ng papa ni Jez sakanya
"Opo pa."
"Jake, sa susunod ayoko ng mangyari yun. Okay? Hindi lang reputasyon namin ng mama nya ang nadudungisan kundi lalong lalo na reputasyon ni Zye.."
"Sorry po tito." sabi ko tapos yumuko ako.
"Hmmm. Pa, punta na po kami." sabi ni Jez
"Okay,take care."
Habang naglalakad kami ni Jez.
"Okay kana ba?" tanung ko sakanya
"Alam mo, hindi ko nga alam kung bakit ganto ako kabilis mag patawad e. Sguro dahil kay Nico. Tinuruan nya ko maging matapang. Tinuruan nya ko kung paano mag patawad. Pinaalala nya sakin na, hindi lang ako ang may problema. At kung minsan, mas matindi pa talaga ang problema ng iba kesa sakin." sabi nya sabay ngiti
Hindi nko umimik. Nico na naman kasi.. Selos lang? Hayyy. Medyo?
@Room
"Okay, class .. Meron tayong magaganap na program sa filipino sa saturday. May magaganap na role playing. Sinong gustong gumanap ng florante at laura?" tanung ni sir jude
Walang umiimik.
"Sir, si Jake!" sabi ni Kit
"Ays. Ayoko sir.. Si Kit na lang."
"Ikaw na jake. Wooo! Si jake na sir!" sani nung mga boys
AYS >___< FLORANTE?! NO WAY!!
"Okay, ikaw na si Florante Jake. Sino namang gustong gumanap ng Laura?"
Nagtaasan lahat ng kamay ng girls. ANO BA YAN.
Maliban na lang kay Jez na busy magdrawing.. Magaling kasi sya mag drawing :)
Anime na naman drinodrawing nyan.
Pati rin pala si Hannah, di nag taas ng kamay..
YOU ARE READING
Not loving you is harder than you know..
FanfictionUnang story na ginawa ko dito sa wattpad. Mga 3rd year or 4th year highschool ata ako nung sinimulan ko to at hanggang ngayon 'di ko pa tapos eh 2nd year college na ako. Hayyy =)))) Kayo na umalam kung tungkol saan tong story ;) 4TH YEAR COLL...