Chapter 3

21 0 0
                                    

"Claudia, what did you do?! Kinukuha ko ang loob ni Aurel para magtiwala siya sakin! Why did you have to slaughter his soldiers...in broad daylight?!" Dinig kong sermon ni Deis.


Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumangon sa higaan ko at lumabas ng kwarto.


Magkaharap silang dalawa ngayon habang nakatanaw sa pagitan si Melissa na magkakrus ang mga braso.


"I told you, they captured a witch! I need a witch to help Melissa! Stop giving me a sermon dahil para rin naman sa anak mo 'to at sa babaeng nagdadala sa anak mo. You should be thankful pa nga! But instead of being thankful, you are being a son of a bitch!"


"Claudia!" Sigaw pabalik ni Deis. "You should watch your moves! Think first! Huwag kang one-sided. You care for Melissa and my baby but you need to consult me first," bahagyang bumaba ang tono ni Deis at puminta ang gulat sa mukha ni Dia dahil doon. "Or even Louis. They are vampires. They are one of us even though they're not pioneers. Still, a vampire."


"For your information, they tried to kill me and before it happens, I killed them first! I didn't slaughter them for no reason. It's called self-defense and self-help." Palusot ni Dia.


"Pioneers cannot be killed, sis." Singit ko habang nakasandal ako dito sa frame ng pintuan ng kwarto ko dito sa baba na malapit sa sala.


"I'm sorry, okay?" Nahihiyang sabi ni Dia. Napabuntung-hininga nalang sina Deis at Melissa dahil wala na rin naman silang magagawa. Tapos na eh. Nangyari na.


"Where are the bodies?" Tanong ni Melissa.


"Good question. Where are those bodies?" Pag-uulit ko sa tanong ni Melissa.


"At Aurel's base." Claudia's answered and pouted.


"What the fuck, Claudia?! If you're going to kill vampires, at least, learn to burn them!" Galit na sabi ni Deis. "Ano nalang sasabihin ko kay Aurel kapag nalaman nilang kapatid ko ang pumatay sa mga alagad niya? Ni hindi nga din namin sinabi ni Louis na umuwi ka dito sa Pilipinas! Maaalarma sila! Mag-isip ka naman, Claudia!"


Nalumbay na ng tuluyan ang mukha ni Dia dahil may punto na ang mga sinasabi ni Deis. Inalo nalang ni Melissa si Dia nang umupo sila sofa.


"Okay, sibs. Calm down. We have a pregnant lady here. Hindi magandang environment para sa kanya ang mga may sigawan. Read some guidelines on the internet " Natahimik naman sila dahil sa sinabi ko.


Hinarap ko si Deis at bahagya kong hininaan ang boses ko dahil nagiging sensitive ang mga issue dito. Ayokong may masali pang iba.


"What happened yesterday, Deis?" Tanong ko. "Ginabi kana ng uwi."


Kumuha siya ng shot glass at mabilis na nagsalin ng alak doon at agad ding nilagok. "Some petty business about the killing spree of our sister at hindi binanggit sakin ni Aurel na nasa base niya ang mga katawan noong mga alagad niya. Sa tingin ko nga ay naghihinala pa siya satin. Ni hindi na din siya nagsheshare ng mga impormasyon." Lumagok ulit siya sa kakasalin niyang alak bago nagpatuloy. "Aurel's golden rule: The safety of vampires. It means no abusing and of course, no killings. And now what?"

The Pioneers #Wattys2024Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon