Chapter VI - First Gen

42 3 0
                                    

Zero's POV

"Bukas ay gagawin na natin ang Orb spell, that's all. Proceed to your next class."

Sabi ni teacher Xyrra at nagsitayuan na ang mga estudyante, bumati muna kami ng pamamaalam kay teacher Xy at saka lumabas na ng silid.

Kanina ko pa napansin na iba-iba pala ang uniform ng mga estudyante dito base da dormitory nila.

Kung sa Star ay maroon at gray. Sa Sun naman sa babae ay all white na long sleeve na dress at may mga linings sa mga manggas at kwelyo nito na itim, may bulsa at may logo ito ng araw. Sa lalake naman ay long sleeve din na black at coat na white na may mga linings na black at may logo din ng araw. White pants naman ang pang ibaba.

Sa Moon naman ay parehas ng disenyo ng sa Sun ngunit binaliktad ang dalawang kulay nito. Ang black ng Moon ay white sa Sun, ang white ng Moon ay black sa Sun. May logo naman ito ng buwan.

"Anong next class mo Zero?"

Tanong sa akin ni Dawn habang katabi niya si Dusk dito sa harap ng classroom ni teacher Xy.

Tiningnan ko naman ang class schedule ko at nakita ko ang History Class.

"History."

Matipid kong sagot na ikinangiti niya.

"Sayang, akala ko pa naman ay magkaparehas tayo ng class sched ni Dusk. Pero anyways, baka makita mo si Clark at Cyan dun. Ang tanda ko kasi ay History din ang second period nila."

Sabi ni Dawn at nakita ko namang lumapit sa amin si Heather na medyo ikinagulat ng kambal.

"Parehas tayo ng schedule."

Sabi ni Heather na may kaparehas naming uniform sa Star at ipinakita ang class schedule niya.

Magkaparehas nga.

"Ako nga pala si Heather, ikaw si Zero diba?"

Tanong nito sa akin at inabot ang kanyang kanang kamay.

"Oo, ako nga."

Tipid kong sagot at tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"Nice to meet you Zero. Nga pala, pwede bang sabay na tayong pumunta sa next class? Tutal, parehas din lang naman tayong bago dito."

Nakangiti niyang pagkasabi. Napansin ko namang nagsenyas na ang kambal na aalis na sila kaya nag-wave na lang ako at ngumiti sa kanila.

Ibinalik ko na muli ang paningin ko kay Heather na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin at siguro'y hinihintay ang aking pagsagot.

"Ah sige."

Sabi ko na ikinangiti niya.

Naglakad na nga kami papunta sa next class at medyo binilisan na rin namin dahil malapit ng magsimula ito.

Nagulat naman ako sa aking pagpasok sa room ng makita ko si Marco na nakatayo sa unahan.

At saka ko lang na realize na siya pala ang professor ko sa subject na ito.

"Okay guys! May bago tayong mga estudyante."

Pagsisimula ni Sir Marco at lahat ng estudyante ay nakapunta na sa kani-kanilang upuan.

"My name is Heather Williams from kingdom of Vector."

Maikling pagpapakilala ni Heather kaya nagsalita na ako.

"Ako naman si Zero Craig. Nice to meet you all."

Pagpapakilala ko at medyo maganda-ganda ang feedback ng mga kaklase ko dahil nakangiti ang karamihan sa amin.

Rise Of The Fallen [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon