Chapter VII - Lunch

34 5 0
                                    

Zero's POV

Nagtungo na nga kami sa great hall of Yadira kung saan lahat ng estudyante ay sabay-sabay na kumakain.

May tatlong row ng mga lamesa.And dalawang row sa gilid ay naglalaman ng tig-dadalwang mahahabang lamesa. Samantalang ang nasa gitnang row naman ay tatlo.

Patuloy lang kami sa paglalakad. Nasa likod ako kasama si Heather. Nasa unahan naman si Clark, Cyan at Scarlet na sinusundan lang namin.

Halos lahat ng estudyante ay nandito na, at halos lahat din sila ay nakatingin sa aming dalawa ni Heather habang naglalakad na kami sa loob papunta sa pinakaunahan dahil ang gitnang lamesa sa unahan ay amg inuupuan ng power 10 o ng mga eatudyante sa star.

Umupo na ako katabi ni Heather, nasa pinakaunahan ako. Katapat ko naman si Blair, katapat ni Heather si Zaine, nasa kaliwa naman ni Heather si Dawn na katapat si Scarlet. Katabi ni Scarlet si Cyan na katapat si Dusk. Si Pierce at Vule naman ang magkatapat malapit kay Clark na nasa gilid na nakaharao sa unahan.

Nasa kaliwang row namin ang mga taga Sun, ganun na rin ang next table sa row namin.

Nasa kanan naman ang mga taga Moon, ganun na ron ang huling lamesa sa row namin.

"Mukhang nandito na ang lahat."

Sabi ni Professor Snake at nanahimik na lahat ng maiingay na estudyante.

May mahaba ring lamesa sa unahan, at mga upuan na nakaharap sa amin.

May 13 na upuan dito, tatlong magandang upuan ang nasa gitna.

Nakaupo sa gitna si teacher Xy na ipinagtaka ko. Akala ko si prof. Snake ang umuupo dun.

Nasa kanan naman ni teacher Xy si prof. Snake at sa kaliwa si ma'am Reina. Katabi naman ni prof. Snake si Marco at katabi naman ni Marco ang isa pang professor na hindi ko pa kilala. May katabi pa si ma'am Reina na isa rin atang professor, iba kasi ang pananamit nito at makikita kaagad siya dahil medyo nasa 30s na rin ang hitsura niya gaya ni prof. Snake. May salamin nga lamang ito sa mata.

"Bakit parang wala sa mood ata si teacher Xy?"

Biglang tanong ni Zaine at nagsitinginan naman kaming lahat na nasa table kay teacher Xy na nakatingin sa kawalan.

Nakabalik naman ito sa tamang wisyo ng maramdaman niya sigurong nakatingin kami sa kanya.

Tumingin naman ito sa amin at ningitian kami na ginantihan din naman namin.

"Magandang tanghali sa inyo mga minamahal kong estudyante ng Eclipse Academy. Unang-una sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa inyo dahil simula ng magsimula ang klase last week ay wala pang nangyayaring kaguluhan sa eskwelahang ito."

Panimula ni professor Snake at nagpasalamat sa mga estudyante.

"Second, I would like to introduce to you our new students, that will complete the power 10 of Star dormitory."

Nakakahiya naman 'to.

"Heather Williams..."

Nagsipalakpakan naman ang mga estudyante. Tumayo si Heather at ngumiti sa lahat.

"And Zero Craig."

Nagsipalakpakan na muli ang mga estudyante at ginawa ko rin ang ginawa ni Heather na ngumiti sa lahat.

Buti na lang at wala na yung mga bulungan.

Umupo na ako at halata sa lahat na may hinihintay pa silang ia-anunsyo ni prof. Snake. Ngunit umupo na si prof. Snake at si teacher Xy ang tumayo at seryosong nakatingin sa lahat.

Rise Of The Fallen [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon