Prologue

58 2 0
                                    

7 years ago...

Nasa labas ako ng bahay, nakikipaglaro ng patintero sa mga kalaro ko sa tapat ng bahay namin. Sumakit ang paa ko kaya gumilid na muna ako at nagpahinga, ilang beses na rin kase kaming nananalo kaya kanina pa kami tumatakbo.

Umupo ako sa isang gilid at pinanood na lang ang mga kalaban namin habang hinaharangan nila ang mga kakampi ko. Inilibot ko ang paningin at hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ko ang isang batang babaeng nakatingin lang sa amin. Sa tingin ko ay kaedad ko lang siya.

Nasa bintana lang siya ng bahay nila at nakatanaw saamin habang malungkot ang mga mata niya. Gusto niya bang makipaglaro samin?Pwede naman ee. Mas masaya kapag may bago kaming kaibigan.

Napatitig ako sa kanya, maganda siya at siguro naman ay mabait siya dahil maamo ang mga mukha niya ngunit may lungkot sa mga mata. Minsan niya ring nilalaro ang buhok at napapabuntong-hininga.

Biglang tumibok ang puso ko. Kinakabahan ba ako?Napahawak ako sa dibdib ko habang hindi tinatanggal sa kanya ang tingin ko nang bigla akong nanigas nang mapatingin siya sa akin.

GRABE!

SOBRANG KINAKABAHAN BA AKO?
BAKIT SOBRANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO?!

"Ano ba naman yan!Matatalo na ata tayo ee, nanakit na rin ang paa ko!" sigaw ni Kent na papalapit sa pwesto ko habang inis na inis ang hilatya ng mukha.

Tumabi siya sa akin at tinignan ako. Nang mapansin niya sigurong hindi ako tumitingin sa kanya ay sinundan niya ang tingin ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Long Found CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon