Naningkit ang mata ko habang palapit sa akin si Archie na pagod na pagod ang hitsura. He snatched the mineral water on my grip and immediately drinks it shamelessly.
"You're so rude!" I spat.
Inubos niya ang natitirang tubig sa bottle na dapat ay sa akin dahil mapapagod din naman ako mamaya. I glared at him habang nakapamewang lang siya sa aming harapan.
Ezra chuckled beside me. "Dude, your zipper is open."
Mabilis na lumipad ang mata ko sa ibang bahagi imbis na kay Archie na nakatayo sa harapan namin. Kaya lang, hindi ko magawa because he blocked my sight. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya and I saw his devilish smile. Narinig ko ang tunog ng zipper pataas kaya mabilis ko siyang hinampas.
Hindi siya tumigil katatawa habang tinatago ko ang pamumula ng aking mukha. He just loves teasing me all the time!
"Time's out! Back to practice!" sigaw ng leader namin kaya mabilis din kaming gumalaw galaw.
Pumwesto na kami ni Archie kung saan kami nilagay. He sucks in dancing, dagdagan pa na hindi rin ako marunong kaya palagi kami ang nahuhuli. Palagi rin kami ang pinapagalitan at nakakakuha ng atensyon dahil tumatawa lang kami.
"Focus, Greece and Archie!"
Sinipat ko na ang ka-pares ko na mag-ayos dahil wala na talaga kaming nagagawang maayos. Nakatingin lang ako sa paa namin at inaatras iyon tuwing hahakbang siya palapit sa akin. Kung hindi, magtatapakan na naman kami at mapapahiya.
"Eye to eye!" tukso ni Ezra sa gilid na nanonood.
Hindi ko siya pinansin at nakatingin lang sa baba para masundan ng tama iyong galaw ng paa ni Archie. Napansin ng iba iyon maging ang leader namin kaya napilitan akong mag-angat ng tingin.
Archie welcomed me with his grin. I glare at him dahil hindi siya seryoso rito!
"Stop doing that!" suway ko sa kaniya pero parang wala lang siyang naririnig.
"Ang boring," saad niya habang sumasayaw.
I rolled my eyes. Pero kapag si Lyra iyong partner mo, tuwang tuwa ka?
Archie became my closest friend because of Ezra. Si Ezra talaga ang kaibigan ko at pinsan niya si Archie kaya kami nagkakilala. Madalas kaming lumabas ng kaibigan ko at sumasama si Archie kaya naging malapit na kami sa isa't isa.
Ezra knows I have a crush on her cousin. Crush lang naman, hindi na lalalim iyon dahil alam ko kung hanggang saan lang kami. Isa pa, he likes someone else. Malayong turingin niya ako as his girl at alam kong kaibigan lang ang tingin niya sa akin, like a little sister.
"Hindi ka sumama sa amin nag-overnight. We watched Fifty Shades of Gray."
My eyes widened on his blunt actions. Matagal ko na siyang kasama pero hindi pa rin talaga ako masasanay sa kaniya. Tinawanan ko na lang siya. He's always like this. Madali siyang pakisamahan. Madali siyang lapitan because he's friendly. Hindi mauubusan ng pag-uusapan at tatawa ka lang kapag kasama siya.
That's why I like him. I can't help but to fall on his actions. Alam kong ginagawa niya iyon sa karamihan, hindi lang sa akin. He's just too sweet na nakakalimutan kong kaibigan ako.
But then, bigla kong naaalala na hindi lang pala ako. Hindi lang pala siya sa akin ganiyan. He's just too nice to everyone.
"And Percy Jackson after. I wonder iyong sa kabayo... paano makakabuo iyon?"
"You're crazy. Ang hilig mo!"
Nagtawanan kami. Kaya ang manonood sa paligid, mabilis na uminit ang mga bibig.