Chapter Seven

17 2 0
                                    

7: Are You Real?

"Late ka nanaman nagising ngayon, Aspen. Hindi ako sanay" kahit ako hindi sanay na hindi nagigising ng alasais.

But I can't control it.

Ginawa ko lang ang daily routine ko, pag kain ng almusal, nag jogging sa labas at umuwi agad pagtapos.

Inaasahan ko na din na baka bukas or sa susunod at darating na ang painting na binili ko mula sa isang shop sa mall.

I can't wait to hang it in my wall and stare at it every now and then.


Nadatnan ko si Caspian sa dining at kasalukuyan na naghahain ng hapunan.
"Tamang tama may kasabay ako kumain" ngiti nyang saad.

Dumiretso ako sa gripo at naghugas ng kamay ko bago umupo at saluhan si Caspian sa hapag.

While staring at the table, di ko mapigilang matakam kahit na iisang klase lang ng putahe ang nakalatag sa mesa. At ito ay isda. Galunggong to be specific.

"Ngayon ka lang nakakita ng galunggong?" sumimangot ako sa tanong nya. For pete's sake di ako taga ibang planeta.

"Matagal na panahon lang nung huli akong nakakain ng ganyang isda" saad ko. Nakita kong nag sign of the cross muna si Caspian at sandaling nanahimik bago simulan kumain.

Napangiti ako sa simpleng bagay na iyon.
"Ayaw ng parents mo noh?" tanong nya bago isubo ang isang dakot ng kanin na may isdang sinawsaw sa toyo't kalamansi.

"Yeah. Di nila type gantong klaseng isda" ngiwi kong saad. Dahil na rin sa katakaman ay nagsimula na din ako kumain.

But this time, after so many years, I ate without spoon and fork. Tulad ng lalakeng katapat ko ngayon ay nagkamay lang din ako at masayang hinimay ang masarap na isdang nakahain sa harapan ko.

My parents will probably be disappointed to see me eating like this.  But it doesn't matter I'm in a dream anyway.


"Ano kaya pa?" tawa tawang saad ni Caspian habang tinitignan ako sa kabilang parte ng mesa.

Pang apat ko na kaseng sandok toh ng kanin at halos maubos ko na ang kaninang isang bandehadong isda.

I didn't know I was capable of that.
"Maiimpatso na ko neto" sinimot ko na ang plato ko bago uminom ng isang basong tubig na kanina pang nag aantay sakin.

Halos hindi ako makatayo sa kabusugan at ang mokong si Caspian ay nakangisi lang sa kabila.

Tinulungan nya kong iligpit ang mesa at ilagay ang mga pinagkainan sa lababo para hugasan na.
"Sige na ako na dito" saad nya at halos sakupin ang buong lababo.

"Hindi nohhh kapal ko naman ako halos makaubos ng ulam mo tapos d ako tutulong sa paghuhugas" pagpoprotesta ko.

Nilingon nya lang ako at nang aasar na umiling.
Tinabig ko sya dahilan para mapausog sya ng kaunti at magkaroon ako ng pwesto.
"Tabiiii, wag kang madamot"

Ako na ang nagbanlaw ng mga plato at si Caspian ang nagsasabon.
"What?" tanong ko ng maramdaman ang mga titig nya sakin.

"I'm just amaze" sagot nya na nakatingin parin sakin, but I remain looking at the dishes I'm doing.

"Na marunong akong magbanlaw ng plato?" alam kong ganon ang iniisip nya. Masyado kaseng pinaninindigan nitong lalaking toh na lumaki akong spoil sa buhay which is not true.

I do not allow myself to grow without not knowing what real life is.
"Na kahit saang anggulo ka tingnan ang ganda mo pala" napahinto ako sa pagpahid ng mga plato.

When I Fall Asleep (Completed)Where stories live. Discover now