Naalala ko pa nuong nagkagusto yung kaklase ko sa akin. Grade 9 pa kami nun at hindi ko pa sya masyadong kilala,mag tatapos na ang school year ng makilala ko sya ng tuluyan.
"Ano mag lalaro kami ng Mobile Legends,sali ka?" Tanong sa akin ng kaibigan ko.
Nuon madalas tayong naglalaro ng mobile games hanggang ngayon din ata,kasama pa natin yung mga kaibigan ko at iba nating kaklase dati. Mag tatapos ng January 2019 na yun.
Lumipas ang mga araw, hindi kita masyadong binibigyan ng pansin kasi may sari-sarili tayong buhay at mas nagtuon ako sa mga hobbies ko at sa mga kaibigan ko.
Lumipas ng kalahating buwan,Pebrero 2019. Nalaman ko na may girlfriend ka,okay lang sakin kasi hindi pa naman tayo naguusap o gaanong ka-close nuon. Lumipas ang mga araw at nalaman ko na break na kayo. Hindi ko alam ang dahilan at hindi ko kilala dati yung babae,at wala akong balak kilalanin.
Magtatapos ng buwan ng Pebrero,naramdaman ko na may gusto ka sakin. Hindi ako naniwala,kasi yung tingin ko sayo kaibigan lang. Napadalas ang paguusap natin, dahil siguro sa mobile games na parehas nating nilalaro dati. Nagchachat ka kapag isasali mo ako sa team nyo,nagchachat ka na sa akin,nagchachat na tayo,pero wala pakong nararamdaman na gusto sayo.
Dumating ang Marso 2019, simula ng buwan at nagconfess ka na sa akin through chat. Hindi ko alam ang sasabihin ko nuon,naguguluhan ako pero ang nasa isip ko...'try natin kung matatagalan mo yung nararamdaman mo para sakin,tignan natin kung totoo'.
Para sakin,alam kong hindi magtatagal yung pagkakagusto nya sa akin,dahil sino ba naman ang magkakagusto sa malaking babaeng katulad ko.
Sinabayan ko yung trip nya,na gusto nya ako. Tuwing na sa classroom kami,nakikita kong minsan tumitingin sya sa akin,at dahil mapantrip din ako,sinasabayan ko yung titig nya sa akin at sya ang kusang umiiwas. Tuwing na sa classroom kami,inaasar nya ako,binabato ng maliliit na piraso ng papel para mainis ako.
Hindi pa alam ng mga kaibiganko,pero feeling ko alam na nila na may gusto sya sakin.
Kalahati ng buwan ng Marso 2019,patuloy kaming nagchat at nag voice call. Hindi kami masyadong naguusap ng personal kahit na magkalase kami,ewan ko pero nahihiya akong may makaalam sa aming dalawa.
Wala syang sinabing tutol dun,kasi alam kong 'torpe' o mahiyain sya. Kaya okay lang sa amin na through cellphone lang kami naguusap.
"Wala namang mawawala sa akin pag sinabayan ko yung trip nya." Yan lagi yung sinasabi ng utak ko tuwing naguusap kami.
Nagtuloy ang ganuong set up namin,chat lang or vc. Tapos na ang exams,ibig sabihin bakasyon na.
Lumipas ang mga araw, nagchachat parin kami pero ngayon...sumasabay na talaga ako sa mga banat nya o kaya minsan ako na yung bumabanat.
Isang araw,lumuwas kaming bataan kasi may wedding celebration. Sa gabing yun,nakainom ako pero nasa wisyo pa yung utak ko.
Napagdesisyunan ko ng sabihin na gusto ko na din siya. Naging masaya yung gabi ko, nasa stage na kami ng 'mutual understanding'.
Pero pagtapos ng gabing iyon,kinabukasan ramdam ko yung 'distansya' sa chat namin. Naging cold yung mga reply nya sakin,sinabi ko sa sarili ko...okay lang.
Lumipas na naman yung mga araw,minsan na lang kami magchat. Hanggang sa magtatapos ng marso 2019,patuloy ng lumayo ang loob ko sa kanya.
Hindi ako nasaktan,wala akong naramdaman. Kasi una palang sinabi ko sa sarili ko na sasakyan ko lang yung mga trip nya. Pero sumugal parin ako.
BINABASA MO ANG
My Summer Love Story
Teen FictionHi,I am Loren and you are about to witness my short love story.