It's too late

1.6K 10 5
                                    

*LEEN'S POV*

"Hay nako Leen ang haba haba naman ng hair mo" biro sakin ng best friend kong si Tin

"Sira, eh dalawa lang naman yung nanliligaw sakin ngayon noh sayo nga last year pa apat ang nanliligaw sayo eh ayaw mo lang sila sagutin" asar ko naman sa kanya. Yes, tama ang basa niyo.. apat ang nanliligaw sa best friend kong si Tin. Ubod naman kasi ng ganda ang babaeng ito. Makinis pa matangkad at sexy. Well, ganun din naman ako.. mas lamang nga lang siya ng ilang paligo :P

At oo tama rin na may dalawang nanliligaw sakin ngayon. Si Slater at si Paul. Magkaibang-magkaiba ang mga personality nilang dalawa pero parehas namang gwapo. Hay nako, sana dalawa ang puso ko. chos.hahaha 

Si Slater, matangkad, maganda ang katawan, member ng soccer team kaya malamang chickboy, balita ko matalino rin siya eh. 2 months na siyang nanliligaw sakin at I admit I like him a lot, pero may trust issues pa din ako sa mga playboy na kagaya niya. 

Si Paul naman, di katangkaran at medyo payat pag kinumpara kay slater, member siya ng chess team at wala naman ako nababalitaan na madami siyang chicks. Medyo aloof kasi at di masyado mahilig makipag-socialize. Halos sabay lang sila nanligaw ni slater eh at kahit na mas gusto ko si slater eh mas feeling ko naman na mas safe ang puso ko kay paul.

Parehas naman silang sweet eh at sa totoo lang eh swerte ang kahit na sinong babae sa kanila. Yun nga lang takot akong masaktan. Naloko na kasi ako nung first boyfriend ko nung highschool eh kaya takot ako sa mga playboy.

"Best sino ba plano mong sagutin sa kanilang dalaw? or rather, meron ka nga bang sasagutin?"

"Hindi ko alam best, naguguluhan pa ko eh" sagot ko nalang sakanya. trulaloo naman eh My heart is still confused pero sa totoo lang mas ma-effort naman talaga si slater.

                                              

                                                                     ------------------------

Habang naglalakad kami ni tin papunta sa next class namin eh buglang sumulpot si slater. "Hi Leen! Flowers for you!" masayang sabi niya sakin, napangiti naman si tin na nasa tabi ko. Kinilig naman ako.. palagi niya kasi ginagawa to. Sinusurpresa ako ng kung ano ano.

"O, baka akala mo naman nakalimutan kita tintin, syempre meron ka din.. " napangiti lalo si tin ng inabot sa kanya ni slater yung mas maliit na bouquet. Ganyan si slater, hindi lang ako ang nililigawan niya, kundi pati ang parents ko at ang bestfriend ko. Kaya botong boto si tin diyan kay slater para sakin eh, kahit lagi silang nagaasaran. Pero ayoko pa din masyadong magpadala sa ka-sweetan ni slater kasi baka mamaya lokohin lang din niya ko sa huli.

"Thanks Slahturr... sige maiwan ko na kayo diyan para magligawan.. leen, sunod ka nalang sa class room"  ani tin sakin 

It's too lateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon