CHAPTER 14

4.1K 58 8
                                    

MANILA.....

Unang araw iyon ni Sarah bilang estudyante ng La Salle. Sinipat niya ang sarili sa harap ng salamin. First day pa lang ay nirequire na na maguniform sila. Nakai black mini skirt siya na pinailaliman ng black panty hose. Ang kanyang top ay isang baby pink blouse na itinuck in sa kanyang skirt, may katerno pa iyong bright pink scarf. Nag-apply din siya ng light make-up since it is required on her course to look good and presentable. Isinuot niya na ang kanyang black high heels at lumabas na sa kwarto. Nagtungo siya sa kusina kung saan naroon sina Nanay Letty at Gara. Napanganga ang dalawa ng makita siya.

"Jusko anak napakaganda mo naman! Grabe!" anang ina.

"Nanay nga kita Mama. Hehe.." tumatawang tugon ni Sarah.

"Sa, you're so pretty... alam mo bagay mo din ang maging stewardess... Tindig at katawan pa lang wala na silang panama sayo!" anaman ni Gara.

"Naku.. Ate Gara talaga, kaya labs na labs kita eh!"sagot ng dalaga.

"Anong oras ka ba aalis? sasabay ka ba kay Myka?" tanong ni Letty sa anak.

"Hindi po Ma, mamayang hapon pa po ang pasok ni Myka eh. Aalis na po ako ngayon."

'O sige magiingat ka ha.." bilin ng ina.

"Opo Ma, sige ba-bye." bumeso siya dito pati kay Gara.

Paglabas niya sa kusina ay eksakto namang pababa si Gerald ng hagdan. Natulala ito ng makita siya.

"Good morning.." nakangiting bati niya dito.

"Goo--good morning." nautal pang saad nito habang dahan dahang bumababa.

Nang makababa ito ay lumakad ito papalapit sa kanya. Napakgwapo din ng binata ng araw na yun. Naka formal business attire ito.

"You look so beautiful today..." puri nito sa kanya.

"Thank you...' kinikilig na sagot ni Sarah.

"ah siya nga pala... para sayo..." dinukot nito sa bulsa ng likod ng pantalon ang isang red rose.

"Naks naman... may pared rose red rose ka pa diyan ha.." tumatawang inabot ng dalaga ang bulaklak.

"Ano ready ka na ba? shall we go?" nakangiting anito.

"Ha? Sa-saan?" nagulat na tanong ni Sarah.

"Aba.. sa tingin mo papayagan kitang magcommute? Ihahatid kita..." pinisil nito ang kanyang baba.

"Pe-pero...."

"Wala ng pero pero... halika na." hinawakan nito ang kamay niya.

"Gege ano ka ba baka may makakita sa atin..." pasimpleng binawi ng dalaga ang kanyang kamay ngunit hindi iyon binitawan ni Gerald. Sa halip ay pumihit ito paharap sa kanya.

"Magkikita kami ni Megan mamaya... at maguusap na kami." wika ng binata.

Hindi nakaimik si Sarah. Naroon na naman kasi ang guilty feeling. Ano man ang kalabasan ng paguusap na iyon mamaya alam niyang siya ang may kasalanan nun.

"Natahimik ka na naman.. alam ko na yang iniisip mo." untag ni Ge sa kanya. "This is not your fault ok? Im breaking up with her because i've come to realize that i dont love her... ok?"

Napabuntong hiningang tumango na lamang ang dalaga. Kapagkuwan ay inalalayan na siya ng binata na sumakay sa kotse.

Nang umaandar na sila ay hinawakan ni Gerald ang kamay niya at masuyong hinalikan iyon.

"Susunduin kita mamaya ha..." malambing na anito.

"Ha? Eh maaga akong uuwi eh, asa trabaho ka pa nun." tugon ni Sarah.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon