"Get one and pass. You have one hour to finish that. You may start now."
Agad naman akong nag-umpisa magsagot ng makuha ko ang papel ko. Huminga pa muna ako ng malalim bago basahin ang mga tanong.
English ang unang subject at karamihan sa mga naunang tanong patungkol sa mitolohiyang griyego. Kumunot ang noo ko bago sumandal, nakatingin pa din sa papel.
'Eto ang pinakaayaw ko'ng parte ng asignaturang ingles. Napakaraming istorya. Napakaraming pangalan na sasauluhin.
Tsk. Buti pa sana kung history 'to eh, at least do'n ay katotohanan ang lahat ng nangyari eh ang kaso, wala naman kaming history subject.
Kasama sa ni-review ko ang mitolohiyang griyego pero hindi ko tinapos dahil sa hindi ako sobrang interesado sa mga pangyayari. Kaya sa buong pagsusulit, sumakit ang ulo ko dahil kalahati sa lahat ng mga tanong ay patungkol do'n.
"Ang dali nu'ng sa english," tuwang sabi ni Ruby habang papunta kami sa canteen.
Lunch na matapos ang dalawa na subjects. English, at Science.
Ngumiwi ako. "Walang madali,"
"Sos! Nag-review ka ba?" tinapik niya ako.
"Nag-review ako! Ayoko lang talaga sa greek mythology," depensa ko.
Tinignan niya ako ng nakakaloko. "Weh? Baka magdamag kayong nag-text ni Miguel kaya ka hindi nakapag-review ng ayos?"
"Hindi ah! Nag-review talaga ako!" agad kong sagot.
"Namumula ka!" humalakhak siya kaya naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
Totoong nag-text kami ni Miguel pero hindi magdamag. Pagkatapos niyang mag-reply sa text ko sa kaniya ay 'yun na 'yon. Hindi na ako nagreply pa.
Kareply-reply ba ang smiley face?
At simula kahapon ay hindi pa ulit kami nagkikita kaya ng mabanggit ni Ruby ang pangalang 'Miguel' ay bigla akong kinabahan.
"Kayo ah! Mag kwento ka naman! Anong napag-usapan niyo?" lumambitin siya sa braso ko kaya iritado ko siyang tinignan.
"A-Aray! Ano ba!" singhal ko kaya sumimangot siya.
"Ayaw mo kasi magsabe!" parang bata na angil niya.
"Wala naman kasing kailangan i-kuwento." sumiring ako.
Patuloy lang siya sa pagrereklamo hanggang sa makarating kami sa pwesto namin sa labas ng canteen. Agad na dumapo ang tingin ko kay Miguel at ng mapatingin siya sa 'kin ay agad akong nag-iwas ng tingin.
"Ang tagal niyo namang magsagot? Basic nga lang exam eh!" mayabang na sabi ni Cyrus.
"Mukha mo basic lang," pambabara sa kaniya ni Ruby.
Umupo na ako sa tabi ni Miguel, kung saan ako lagi nakapuwesto.
"Naka-order na kayo?" tanong ni Ruby.
"Kanina pa po, madame!" si Cyrus.
"Yie, nanlibre."
Nang makaupo ay napansin ko na nakatingin siya sa 'kin kaya nilingon ko siya.
"Kamusta ang exam? Nasagutan mo lahat?" nakangiting tanong niya.
"Oo naman! Hehe..." ngumiti ako bago nag-iwas ng tingin.
Jusko kung makatibok naman 'tong laman loob ko, masyadong oa.
"Nasagutan nga lahat, mali mali naman." sumingit si Ruby kaya inambahan ko siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
THE KISMET ***ongoing***
RomantizmSa normal na pamumuhay ni Helena ay hindi niya inaasahang may mangyayari na makapagpapabago ng takbo ng buhay niya. Sa mundong kinabibilangan ay hindi mawawala ang mga rebelyon na puno ng paghihimagsik at paghihiganti ang nasa isip. Hindi niya inaa...