Astraea POV
Kararating lang namin kung saan gaganapin ang grand foundation night party.
Nilapitan ko kaagad si amy ng makita ko siya. Naka black dress siya at naka curl ang buhok niya.
"Ang pretty mo irish!" Nakangiting sabi niya.
Wehh? Di nga?
Pumunta kami sa may table kung saan naroon sila ate at sila kenzo.
"Asan si kaiden?" Tanong ko kay kenzo.
"Miss mo na agad?" Nakangising sabi niya
"Hindi ah! Asa siyang namiss ko siya! Psh!" Sabi ko.
"Kunware kapa e! Anyway may pinuntahan lang siguro" sabi ni kenzo.
Hindi na ako nakapag salita pa ng umakyat na sa stage si president park ang daddy ni kaiden.
"Good evening everyone! I would like to thank all of you for attending this very special night"
Habang nag speech si sir skyler ay biglang nag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko iyon. Message iyon mula kay 09********2
[From:09********2
Irish, meet me outside at the garden]
Omg! Eto na ba yun? Mameet ko na siya inperson?!
Nagpaalam muna ako kay amy na magcr lang kahit ma ang totoo ay lalabas ako. Tumayo ako sa upuan ko at dumiretso sa labas.
Ng makarating ako sa garden ay namangha ako sa sobrang ganda. May nakita akong lalaking nakatayo ngunit nakatalikod kaya lumapit ako sakanya.
Siya na ata?
"Uhm! H-hi" nahihiyang sabi ko.
Humarap siya sakin at ng masilayan ko ang mukha niya ay hindi ako makapaniwala.
I... I don't know what to say
"Surprised?" Nakangiting sabi niya.
Hindi parin ako umimik dahil hindi ako makapaniwalang siya pala ang katextmate ko.
"K-kaiden, how? Paanong ikaw?" Naguguluhang sabi ko.
"Totoo ba 'to?" Dagdag ko pa.
"Yes, it's me" nakangiting sabi niya.
"Hindi kaba nagbibiro? Kasi kung naaalala mo pa sinabi mong gusto mo ako" sabi ko.
"Yah, i did say those words. Believe me" sagot niya. Humakbang siya palapit saakin.
My heart was beating so fast, and yeah! I know this feeling. Sa tuwing kaharap ko si kaiden ay palaging nagmamarathon ang puso ko. Noon ko pa nararamdaman 'to ngunit binalewala ko lang 'yon and lately i just realize what really it means. Sa tuwing nakikita ko siya ay bigla nalang nagwawala ang puso ko.
Am i really in love with this guy?!
I guess i am in love...
"Astraea irish will you let me court you?"
Anooo daw!? Court! Waaaaahh! Diba yung tagalog ng court is ligawan?
Oh my!! Papayag ba ako o hindi?
Teka lang waaaahhh!
*Takes deep breath*
Inhale,exhale
Inhale,exhale
Tumango tango muna ako sakanya bago muling magsalita "yes" sagot ko.
Sumilay ang ngiti sakanyang labi ng marinig ang sinagot ko.
"Thank you irish for letting me"
Nakangiting sabi niya.________
Magkasabay kaming bumalik sa loob ni kaiden. Patungo palang kami sa pwesto namin kung saan naroon din sila ate ng biglang may magpaputok ng baril at biglang namatay ang mga ilaw.
"Oh my gosh what is happening!" Kinakabahan kong sambit.
Nanginginig na ang tuhod ko dahil sa takot, hindi ko alam ang gagawin ko.
"Shh, stay calm astraea" rinig kong boses ni kaiden. Hinawakan niya ang kamay ko at nagmadali kaming umalis doon.
Ng makalabas kami ay nagtago kami sa may basement.
"K-kaiden, sila ate?" Sabi ko.
"Ligtas sila" tipid niyang sabi.
Hindi ko alam kung totoo ba talaga ang sinasabi niyang ligtas sila ate, pagkakatiwalaan ko nalang siya.
Kaiden POV
*Flashback*
"Magsihanda na kayo, may kutob akony ngayon sila magpapadanak ng dugo" ani daddy.
"Daddy, hindi pa tayo nakakasigurado" sabi ni ate maddie.
"Trust me Maddie, now let's make a plan. Sa basement ko nilagay ang lahat ng mga kakailanganin natin. Tayo tayo lang ang nakakaalam sa basement na to kaya tayo tayo lang rin ang makakapasok dito. Hindi nila basta bastang mapapansin na mayroon basement dito. Why? Dahil ang pintuan ng basement ay parang katulad lang ng ordinaryong dingding ngunit may pintuan doon"
"We all need this earings para kahit malayo tayo ay pwede tayong makipag komunikasyon sa isa't isa. Nagpadala din ako ng maraming tauhan" ani dad.
*End of flashback*
"Let's go! Hindi tayo pwedeng magtagal dito" anas ko.
Lumabas na kami sa may basement at agad na sumakay sa motor.
"Kai saan tayo pupunta? Hindi natin pwedeng iwan sila amy dito!" Ani Astraea.
"Trust me irish, walang masamang mangyayare sakanila" sabi ko.
Tumango na lamang siya. Kita ko sa mga mata niya ang sobrang pagaalala.
Astraea POV
Mahigpit akong nakakapit kay kaiden habang siya ay mabilis na pinahaharurot ang motorsiklo.
"Kaiden! May sumusunod satin" sabi ko.
Habang pinapaandar niya ang motor ay may iniabot siya saaking... BARIL?!
"A-anong gagawin ko dito?" Tanong ko.
"Barilin mo kung kinakailangan" sabi niya.
"I... I can't" sambit ko.
"Yes you can Irish, i trust you" sabi niya.
Kinuha ko ang baril at pinatamaan ko ang sumusunod saamin.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Ito ang unang beses kong hahawak ng baril sa buong buhay ko, at ngayon ko lang rin naranasan ang ganito.
Mas lalo akong napakapit kay kaiden ng gumewang gewang ang motor na sinasakyan naming dalawa.
"Kaiden, madidisgrasya tayo nito!" Tarantang sabi ko.
Narinig ko ang pagputok ng baril ng kalabang sumusunod saamin. Pinatamaan nito ang isa pang gulong.
No way! Sa bangin ang diretso namin!
To be continued...
Sad ending? Or happy ending?
Anong mas bet niyo?
BINABASA MO ANG
I HATE YOU BUT I LOVE YOU
Teen FictionAng sabi nila the more you hate, the more you love... Posible bang mainlove ka sa taong kinaiinisan mo? Date Started: 4/4/19 Date Finished: 7/23/19 Cover By: Aoi Mendoza