One-Sided Love [One Shot]

783 16 11
                                    

HER POV

"Anong problema mo aber? Nakatunganga ka lang diyan maghapon ah." sabi ng ate kong kakauwi lang galing states dahil sa trabaho niya at nagpahinga lang saglit kaya umuwi dito sa Pilipinas.

Tumingin lang ako sa kanya at binalik ko na ulit yung tingin ko sa may labas ng bahay gamit yung bintana sa kwarto ko. Nagulat ako ng bigla siyang umupo at sinabing..

"Inah, alam kong di na tayo ganoon nagkakasama pa. Di na tayo ganun kaclose katulad ng dati. Pero ate mo pa din ako kaya wag kang mahiyang magshare sakin. Promise, walang makakalabas."

Oo nga no, ang bilis ng panahon. Dati highschool palang kami ni ate. At lahat ng secrets namin ay sinasabi namin sa isa't-isa ng walang pag-aalilangan. AS IN S U P E R C L O S E KASI KAMI DATI. Ngayon ako college na at siya nagtratrabaho na. Hindi naman siguro makakasama pag-sinabi ko 'to kay ate.

"Sa buong buhay ko, ngayon ko lang 'to naexperience. 3 years. Yes, 3 years na kong umaasa pero wala. May mga nanliligaw naman sakin pero wala akong pakialam. Kasi hanggang ngayon, umaasa pa din ako na magugustuhan niya ko. Wala namang nagsasabing umasa ako pero hindi ko lang talaga kayang kalimutan siya. Lalong-lalo na ako ang takbuhan niya pag-nagbreak sila ng girlfriend niya."

"Grabe naman yan. Bakit sa dinami-dami ikaw pa?"

"Eh kasi walang nakakatiis sa ugali niya. Umiinom siya kapag nakipagbreak sa kanya yung babae. Simula nga nung magkagusto ako sa kanya, naka sampung babae na yata yung lalaking yun eh."

"Eh bakit siya nagdradrama? Pagmamahal ba tawag dun? Sampung babae for three years? SHOCKS!"

"May pagkachickboy kase yung mahal ko. Pero okay na yun kaysa naman two-timer. Hindi ba?"

"Sa bagay. Pero hindi pa rin eh. Masakit ba?"

"Opo, masakit. Sobra."

"Buti hindi niya nahahalata?"

"Siyempre, ako pa. Kung gaano ko siya kamahal, ganon din ako kagaling magtago ng feelings."

"Wala ba talagang pag-asa?"

"Wala po eh. Wala. Pagkatapos ko siyang damayan iiwan niya nanaman ako sa ere at malalaman ko nalang na may ibang babae nanaman siya. Tapos pag-nagbreak, ako nanaman ang hanap niya. Saklap diba?"

"Kawawa ka naman. Napakahirap siguro ng pinag-dadaanan mo ngayon. Bakit kasi hindi mo nalang siya iwan? Bakit hindi ka nalang magpakalayo-layo?"

"Kung kaya ko po sana eh, matagal ko nang ginawa. Natatakot kasi ako pagnakipagbreak nanaman sa kanya yung bago niyang girlfriend. Baka may mangyaring masama sa kanya. Di ko kayang makita siyang nasasaktan."

"Pero di na tama yang ginagawa mo. Ikaw na nga tong nagmamahal, tumutulong, dumadamay, ikaw pa tong nasasaktan."

BOOM! Bigla akong natauhan dun ah. May point nga din si ate. Pero anong magagawa ko, mahal ko eh.

"YYYAAANNNAAA! IIINNNAAAHH! Bumaba na kayo dito!" sigaw ni mama.

"Tara na Inah! Alam mo naman yang si mama. Mahirap na." Bumaba na kami ni ate pagkatapos.

At ayun. Di na natapos yung pag-uusap namin. Ang ganda kasi nang timing ni mama eh. Tssssk.

ATE YANA'S POV

One-Sided Love [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon