Chapter 55:

276 38 0
                                    


Jarren Point of View

"Ah talaga ba? Nice one. Hahaha"tawa ni Natalie habang may kausap sya. Ang OA nya namang tumawa. Anyare sa kanya? Ibinalik ko nalang ang pagkausap ko kay Mama.

"Anak. Nag agahan na ba ang kapatid mo?"tanong sakin ni Mama.

"Opo. Kaso--"nahinto ako sa pagsasalita nung may liwanag na umaano sa mukha ko. Tiningnan ko si Natalie at nakita kong sa phone nya nanggagaling ang flash.

Bakit naman nagfaflash ang phone nya? May katawagan tapos magkakaganun?

Nilingon din ako ni Natalie at kinunutan ko lang sya ng noo pero hindi nya na ako pinansin bagkus ay ngumiti nalang ng mukhang ano, mukhang natataeng ewan.

"Ah talaga ba? Kelan naman yun?"anya sa kausap. Bigla na namang nagflash yung phone nya. "Maganda yan Hahaha."OA na pagtawa na naman nya. Nakasulyap lang ako sa kanya at halos mapanganga na pero hindi nya ako nililingon.

Sandali, kanina pa ako naguguluhan. Paanong nagfaflash habang may--huh! Akala mo maloloko mo ako, pasimple ka pa dyan.

"Hello Anak, pakausap nga ako sa kapatid mo."yun nalang ang naintindihan ko sa mga pinagsasabi ni Mama kaya naman iniabot ko na iyon kay Jared. Lumapit ako kay Natalie sabay hablot nung phone nya.

"Hoy!!!"nagulat sya sa pag hablot ko."Akin na yan."anya na inaabot pa ang cellphone nya pero umiiwas ako. Confirmed. Nakita kong nasa camera nga at walang tumatawag sa kanya. Akala mo maiisahan mo ako ah. Imbis na idelete ko ang mga stolen picture ko ay nagselfie pa ako.

Kung ano anong itsura ang ginawa ko, mapawacky, sad, Hyper,meron pang pabraso pose, paabs pose. Dinamihan ko na ang kuha sa paabs para naman hindi na sya nagpapakahirap pang mag panggap para lang makuhaan ako ng litrato.

"Hoy! Ano bang ginagawa mo?"taas kilay na tanong nya sakin.

"Ano pa ba, edi nagseselfie para sayo.."sagot ko naman.

"At sinong may sabing gusto ko?"mataray pang anya.

"Asus. Kesa naman maghirap ka pa."pumunta ako ng gallery at ipinakita yung stolen nya sakin. "Masyadong malabo ang kuha mo."sabi ko na syang pag iwas nya. Nahiya siguro. Akala mo ah. "Minsan kasi, gagalingan mo."bulong ko sa kanya. Nagtake ako ng isa pang picture na kung saan sa kanya iyon nakafront. Nakita nya ang pagflash nung phone nya. "Minsan din, dapat chinicheck mo kung nakaflash ba o hindi, para hindi sayang yung effort mong Hokage Moves."nakangising sabi ko pa.

"Akin na nga yan!"anya na naiinis na.

"Sandali. Hindi pa ako tapos magselfie eh."nakangusong sabi ko dito.

"Sinabi ko ba na mag selfie ka!"sigaw nya.

"Ano ba! Wag nga kayong maingay dyan. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Mama."suway samin ng kapatid ko. Masyado rin kasi itong tupakin eh, mga 12 years old na sya.

Natahimik kaming dalawa ni Natalie at pinakinggan ang pinag uusapan nila Jared. "Yes, Mama. May kasamang babae si Kuya."sumbong ni Jared. Anak ng! Ano bang pinagsasasabi nya?

"Ano? May kasamang babae dyan ang kuya mo?"sigaw ni Mama sa kabilang linya kaya naman narinig ko. "Aba at umalis lang kami ng Papa mo, nagdala na agad ng babae? Ano yan, girlfriend ba nya? Kaibigan?"sigaw na naman ni Mama.

"Hindi po nya ito girlfriend, hindi rin kaibigan."nanlaki ang mata ni Natalie sa sinabi ni Jared. "Sya po yung may gusto kay kuya. Habol po sya ng habol, ayaw mawala si Kuya kasi patay na patay sya."paliwanag ni Jared kay Mama.

Nagsulyap ako kay Natalie at nakita ko ang pamatay nyang tingin sakin. "Hindi ko na kinakaya ang sinasabi nyo."madiing anya na kulang nalang ay mabasag ang tasang hawak dahil sa mahigpit nyang kamay. "Idelete mona yung picture at akin na yang phone ko!"galit na talagang anya kaya naman mabilis akong kumilos.

That Girl Is Mine (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon