Chapter 2

19 3 3
                                    

SVT Jun as Kit Johnson

_________________________________

Nagmadali agad akong lumiko sa kanan kung saan ang room namin bago pa nila ako mapansin. Mahirap na. But..

What does that mean? Is she cheating on Jayson? Is she cheating on my bestfriend?

Stupid yumi! Of course she is!

Bakit niya ginawa yon? May pagkukulang ba si Jayson? Hindi niya ba naisip na mahal na mahal siya ni Jayson at maaaring masaktan ang bestfriend ko kapag nalaman niya to? Hindi niya ba alam na napakaswerte niya dahil mahal siya ng bestfriend ko? Na mahal siya ng taong mahal ko?

Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng room namin.
Should I tell him? Yes, I should. Mas maaga, mas konting sakit. Right?

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto ng classroom namin at nakita ko ang subject teacher namin na napahinto sa pagtuturo dahil sa pagpasok ko.

“Miss Gonzales, why are you late?” mahinahong tanong ng subject teacher namin. Napalunok naman ako bago sumagot. Nakakatense kasi ang tingin ng teacher namin. Idagdag mo pa na lahat ng kaklase ko ay nakatingin din sa akin.

“Galing po ako sa clinic, sumakit po kasi ang ulo ko kaya nanghingi po ako ng gamot.” pagdadahilan ko na lang. Alangan namang sabihin ko na sinapak ng bestfriend ko ang pinakasikat at pinakamatalinong studyante dito sa school kaya hinatid ko siya sa clinic at ginamot ang sugat niya. Well, pwede naman. Kaso mapapahamak lang si Jayson pag ginawa ko yon.

“Ok then. Make sure to be on time in my class next time, okay? Take your seat.” sabi nito. Agad naman akong umupo sa upuan ko. Katabi ko si Luna sa kaliwa at katabi ko naman si Jayson sa kanan tapos si Chris naman ay katabi ni Luna.

“Uy. Anyare kay Kit?” pabulong na tanong ni Luna sa akin. Tumingin muna ako kay Jayson pero nakatingin lang siya sa bintana. Sa tabi kasi ng bintana ang upuan niya, tsaka gustong-gusto niya yung simoy ng hangin kasi mapuno sa tabi ng building namin. Presko at malamig.

“Mamaya na natin pag-usapan yan.” sabi ko na lang. Naaalala ko na naman si Alicia. Ano kayang magiging reaksyon ni Jayson kapag sinabi ko sa kanya yon? Tsaka sino yung lalaking yon? Hindi niya ba alam na may boyfriend na si Alicia? Tsaka yung Alicia na yon nakakainis siya. Itatapon niya na lang ba ang 3 years na pinagsamahan nila ni Jayson para lang sa lalaking yon? Wala siyang utak, hindi siya nag-iisip.

___

Natapos ang last period namin at uwian na. Kasalukuyan kaming nag-aayos ng gamit para makauwi na. Napansin ko na walang imik si Jayson. Hindi niya ako kinakausap.

Nang matapos akong mag-ayos ng gamit ay isinakbit ko na ang bag ko sa aking balikat at humarap kay Jayson. Tapos na rin siya mag-ayos ng gamit.

“Jayson, may importante akong sasabihin sa..” hindi ko natapos ang sinasabi ko ng lagpasan lang ako ni Jayson at dire-diretso siyang naglakad palabas ng room. Parang hangin lang ako na dinaanan niya. Ang sakit.

“Galit siya sayo dahil mas kinampihan mo pa daw si Kit kaysa sa kanya. Kaysa sa sarili mong bestfriend. Gaga ka kasi eh. Di mo man lang siya pinagtanggol, inaway mo pa.” sabi ni Luna sa akin. So ako pa may kasalanan?

“Kung hindi niya sinapak si Kit edi sana hindi ko na siya inaway. Kasalanan ko ba? Hindi naman ako yung nanapak kay Kit eh, siya naman yon.” sabi ko naman at lumabas na kami ng room. Naglalakad na kami sa corridor habang patuloy na nag-uusap.

“Hays, ewan ko sa inyo! Masyadong complicated iyang buhay niyo! Hindi pa kasi mag-aminan eh.” sabi ni Chris at may binulong pa sa dulo na si Luna lang ang nakarinig. Umiling-iling lang si Luna.

How I Wish | SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon