My Death Angel
P R O L O G U E
Inutusan ka ng Diyos na sunduin ang isang babaeng may sakit na leukemia at sasabihin mong malapit na
siyang mamatay kaya sinusundo mo na siya.
Ang sabi ng Diyos, dapat masundo mo siya ng maayos at matanggap niya ang masakit na katotohanan.
Kung magagawa mo ito, ibabalik sayo ang pakpak na kinuha sayo ng Diyos.
At nang sinabihan mo na yung babae tungkol sa mangyayari..
Humiling siya sayo na pahabaan pa ang buhay niya ng limang araw at pagkatapos nun, sasama na siya
sayo.
Pinayagan mo siya sa kahilingan niya pero dapat nakabantay ka pa rin sa kanya..
Sa limang araw na yun...
Namuhay ka ng isang ordinaryong tao..
Nalaman mo ang buhay niya..
Naramdaman mo ang kalungkutang nadarama niya..
Hanggang sa...
Biglang nag-iba ang naramdaman mo sa kanya..
Until the fifth day comes, kelangan na siyang sumama sayo as what she had promised..
Pero paano kung yung kakaibang naramdaman mo sa kanya ay pagmamahal na pala??
Paano kung mahal mo na pala siya??
Sa huling araw niya, naramdaman mong malungkot siya na iwanan ang buhay niya para sumama sayo..
Nasasaktan ka ng makikita siyang nalulungkot..
Pero dapat mong sundin ang sinabi ng Diyos sayo para makuha mo ulit ang pakpak mo.
Isasakripisyo mo na lang ba ang pakpak mo para mas humaba pa yung buhay niya?
The Deal
Yuri’s POV
Bakit puro puti lang yung nakikita ko?? Nasaan ba ako?? Bakit wa lang tao?? Bakit wala sila ate Lisa??
Hindi ko alam kung saan na ako napunta. Ang tanging naaalala ko lang ay nasa ospital ako dahil sa sakit
kong leukemia.
Patay na ba ako??
May lalake.. lalakeng nakaputi papunta sa kin ngayon.. Tatanungin ko siya.
“Lika na Sumama ka na sa kin ” Diretsong pagkasabi niya sa kin.
Sumama?
“S-sino ka ba??”
“ ko lang naman ang tagasundo mo Mamamatay ka na ilang oras na lang Kaya sumama ka na sa kin ”
“Mamamatay?? Pero ”