I WISH I WAS THAT GUY [ONE SHOT STORY]

225 2 4
                                    

I WISH I WAS THAT GUY [ONE SHOT STORY] 

BY: KEYZRAELZEN

(Pagtiyagaan nyo na po itong istoryang ito... maikli lang naman po eh,, pero umaasa po akong basahin niyo poi to kahit ganito lang po ang gawa ko . Kasi sa totoo lang first time ko lang po gagawa ng story. By the way, kakabasa kasi ng mga story ni haveyouseenthisgirl and alyloony kaya ito, sumusubok gumawa ng sarili kong akda, hahaha. Sana magustuhan nyo. HOY! Akosimodernongdarna, ito na oh, gumawa na me.)

Once again;

I Wish I Was That Guy 

By: keyzraelzen

Alam mo yung pakiramdam na broken hearted, pero sa totoo lang, bakit ako nabro-broken heart eh wala naman akong girlfriend. Isa kasi akong tipo ng lalaking, hanggang ligaw tingin lang ang nagagawa at Masaya na kapag nakikita ko ang taong gusto sa araw-araw. Pero pag nagkakagusto ako sa isang babae, siya lang at siya lang ang gusto ko, para bang nasa bokabularyo ko na yung "Stick to one" kasi naniniwala akong ang isang tao ay may nakatadhang isang taong mamahalin mo at magmamahal sa iyo pero isang malaking tanong nga lang kung saan ko mahahanap ang nakatadhana sa akin?!, tss basta ang alam ko, ang tanging magugustuhan ko lang ay si Ynna. Pero gumuho lahat ng iyon ng malaman kong sila na ni Zed na matalik ko pa naman na kaibigan.

Ay kanina pa pala ako dada ng dada dito pero di niyo pa pala ako kilala. Ako si Kenneth, Ken for short, ako lang naman yung torpeng lalaking naunahan ng matalik kong kaibaigan sa kaisa-isang babaeng magugustuhan ko. Ah malapit na pala ako ng skul, naku Ken, tama na ang pag-eemo, sya sige na.

"Uy kayo na pala ni Ynna noh? Di mo man lng sinabi sa akin! By the way, congrats pala sa inyo ha" pambungad na sabi ko at tanong kay Zed, ah nandito pala aki ngayon sa study area, magkatabi ngayon sila ni Ynna. GRR, nakakabad trip lang .

"Thanks pre" sabi naman ni Zed sa akin.

"Uy malapit na pala first subject natin, halika na akyat na tayo mga ka-blockmates!" sabi naman nung isa naming kaklase.

[Break time] 

Grabe talaga yung nangyare kanina sa klase, eh kasi naman di ako maka-concentrate sa pakikinig sa lesson kanina sa Trigo dahil dun kila Zed at lalo na kay Ynna. Grabe talaga yung sweetness nila, mamamatay ako nito sa selos! Hmp!. Matapos nun nag-make-face ako at nakita at ,, oooopppssseeeyyyyy!!!!! Sheeeeeeet!!!! Nakita ako ng teacher ko at mukhang kanina pa niya ako napansin nun, pinasagot niya tuloy sa akin yung pinakamahirap na equation and sad to say na ang pinasagutan niya sa akin ay tungkol sa function. Badtrip naman itong si ma'am eh ito pa naman yung hindi ko maabsorb na lesson, tsk! Bumalik naman na ang utak ko sa pangyayari ngayon kasi naman, kanina pa pala ako kinakalabit ni Aika.

"Huy! Tulala?! Siguro iniisip mo yung nangyare sayo kanina sa klasrum?... bakit kasi nagganun ka kanuna eh terror pa naman yung si ma'am" sabi ni Aika

"A-ah E-eeh , basta ewan , di kasi ako maka concentrate eh!" sabi ko.

"Di maka-concentrate ? eh bakit naman?" tanong naman ni Erika.

"A-ah E-eh,,,, Wala lang yun don't mind me!" palusot ko namang sabi.

"Ok! Ganun ba?" sabi ni Erika. 

Hahaha, uto-uto pala itong mga ito eh, bago pa man ako matuwa eh bigla ulet akong nakadama ng selos dahil nakita ko na naman sina Ynna at Zed na magkasama at hindi na tulad ng dati na maingay din at nakikkikipagbiruan sa barkada. Siguro nga ganyan na talaga pag may love life, hmp, sila na dapat talaga sa akin si Ynna eh, sabay ko namang tingin dun kay Zed, yung matalim na tingin.

"Ken, bakit ka naman ganyang makatitig kay Zed baka mapatay mo yan"sabi sa akin ni Herman.

"Ah hahahah,, wala lang yun" palusot ko namang sabi sa kanya. Pero sa tototo lang talaga, Nakow! Kung nakapapatay lang ang titig eh matagal ko nang napatay yang si Zed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I WISH I WAS THAT GUY [ONE SHOT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon