First and Last

44 1 2
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission from the author.

----------------------------------------------

They see me as a strong person. Hindi pa nila ako nakitang umiyak kahit best friend ko man. Kilala nila ako bilang isang babaeng sasaya kapag masaya ang mga kaibigan ko. Pero totoo nga ba? Those people who doesn't cry, are they really strong?

Well, I beg to disagree. Siguro oo malakas ako kasi nakokontrol ko ang emosyon ko pag nasa harap ako ng mga tao pero kapag mag-isa na ako? Hindi ko mapigilang umiyak. Lalo na noong iniwan ako ng mga mahahalagang tao sa buhay ko.

Flashback

"Each day as evening starts to set

The ache builds in her chest

She knows that she mush go to bed

And try to get some rest"

Nandito ako sa gym naghihintay kay Bryle. Magpapatulong daw kasi siya tungkol sa isang bagay. Hindi ko din naman alam kung ano at mukhang importante talaga kasi hindi niya kayang sabihin sa chat o text lang man. Mukhang malaki na naman problema nun.

May dalawa akong matalik na kaibigan. Isa na dun si Bryle at ng isa naman ay si Tricia. Magkakaibigan na kaming tatlo simula bata pa lang kami. Hanggang ngayong last school year na namin sa high school ay magkakasama pa rin kami.

Nakaupo ako sa mga bleachers nang nakita ko si Bryle mula sa malayo. Kinabahan ako. Malakas na naman ang kabog ng dibdib ko.

He has this huge effect on me. Kaya nga umiiwas ako sa kasi alam kong iba tong pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. Hindi lang kay Bryle kung hindi ay pati kay Tricia umiiwas din ako. Alam kong may 'something' sa kanila kaya todo iwas ang ginagawa ko. Si Tricia naman talaga ang nauna kaya ako na mismo ang dumidistansya. Ang alam lang nila ay busy ako. Hindi din naman kami magkaklase kaya okay lang. Nag-uusap pa din naman kami sa chat o text.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko at umupo sa tabi ko.

"Oh ano na naman problema mo?" Sabi ko.

"Eh magpapatulong sana ko eh. Eh kasi gusto ko sanang ano.. Ah nahihiya ako!" At tinakpan niya ang mukha niya. Namumula na naman siya. Gwapo si Bryle. Maganda mga mata niya at matangos ilong niya. Pareho silang sikat at bagay silang dalawa ni Tricia. Eh ako? Payat at madaming freckles sa mukha.

"Spill it, Bryle. Nahiya ka pa eh andami ko na ngang nakita sayo." Tumawa ako at lalo lang siyang namula. Miss ko na talaga tong mokong na to sobra.

"Shut up Mika." Tumawa din siya. Ang pangit ng pangalan ko eh no?

"Ano na nga sabi?"

"Gusto ko sanang magpatulong sa pangliligaw ko kay Tricia." Wow. "Eh mag-dadalawang buwan na akong nangliligaw at gusto ko ng maging akin siya officially." I didn't see this one coming.

Alam kong may something sa kanila pero hindi ko alam na sa oras na wala ako ay nangliligaw na pala siya. Sana hindi na lang pala ako umiwas. Sana nagtapat na lang ako sa kanya. Pero hindi eh. Hindi ko kayang i-sakripisyo pagkakaibigan namin tatlo.

"Please tulungan mo ko Mika please. Gusto ko na nandoon ka pag sinagot niya ako. Gusto kong kompleto pa rin tayong tatlo." Hinawakan niya ang mga kamay ko. I smiled. Dito ako magaling, sa pakikipagplastikan.

One Last SyllableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon