THE KISMET: CHAPTER 6

7 2 0
                                    

"Oh," abot ni Cyrus sa 'min ng bowl ng sopas. "Dahan dahan, mainit 'yan."

"Salamat," sabi ko bago kinuha ang sandok para lagyan ang mga mangko nila.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Cyrus. Tumawag kasi sa kaniya ang nanay niya at sinabing kailangan na niyang umuwi dahil aalis siya ng bahay, walang magbabantay sa kapatid. Sakto naman na nagluto ng sopas ang nanay niya kaya dito na din niya kami pinagmeryenda.

Hanggang ngayon ay halata pa rin na mainit ang ulo ni Miguel ng dahil sa nangyari kanina, pero pinipilit namin na 'wag na lang pansinin 'yon.

"Ako nagpapalibre sa inyo kanina ta's ako nagpapakain sa inyo ngayon." iling ni Cyrus.

"Thank you," ngiti ni Ruby na halatang sarap na sarap sa luto ng tita Nica.

Pagkadating namin dito ay saktong umalis na din si tita kaya hindi na kami nagkaro'n ng pagkakataon na ikuwento ang nangyari. Mabait si tita at masaya kasama kasi kapag nandito kaming magkakaibigan sa kanila ay nakikipagsabayan siya sa mga trip namin. Mga anak na din daw niya kami.

"Iba na naman kasamang lalaki ni Rizza kanina," ngisi ni Valerie.

"Para kang tanga, 'wag na nga banggitin eh," suway sa kaniya ni Ruby.

Kinunotan naman siya ng noo ni Valerie. "Eh ano naman kung pag-usapan? Tapos na naman."

Ngumiwi ako, "Ikaw, ang ayos ayos ng pakiusap ko sa kanila kanina eh, ginatungan mo pa kaya nagkainisan."

Tinignan niya ako. "Eh nakakairita kasi. At saka totoo naman na mas mukhang aso pa sa aso 'yung babae eh. Anong mali sa pagsasabi ng totoo?" bahagya pa siyang tumawa.

"Dapat kasi hindi mo na lang pinatulan,"

"So kasalanan ko kaya nagkagulo?" bigla ay nawala ang kaninang nakakalokong ngiti niya.

"Hoy, hoy. Baka kayo naman mag-sapukan niyan?" pigil ni Roy at napailing na lang ako.

"Wala namang magagawa kung sisisihin mo 'ko ngayon e. At saka iba 'yung usapan namin no'ng babae sa usapan ni Miguel saka nu'ng lalaki." depensa ni Valerie.

"Ang point ko, kung hindi ka sana nagsalita, hindi aabot sa gano'n. Paano kung may magsumbong sa school? Puwede tayong bigyan ng suspension." seryosong sabi ko at natigilan naman sila.

Bigla ay natahimik ang paligid pero wala na akong magagawa. Naiinis ako eh.

Bakas na ang inis sa mukha ni Valerie ngayon.

"Kasalanan ko ba? Hindi ba't mas may kasalanan ka kasi kanina ka pa pinipilit na lumipat na lang ng dahil sila Rizza 'yon. Nagmagaling ka kasi eh. Bakit? Hindi ba pumasok sa isip mo na puwedeng magkagulo kaya dere-deretso ka kanina?" medyo tumataas na ang boses ni Valerie ngayon na senyales na galit na siya.

"Ano ba 'yan, pati ba naman kayo?" seryosong sabi ni Cyrus.

Si Ruby ay tahimik lang sa tabi ni Valerie, nakatungo sa sopas niya, hindi iyon ginagalaw.

"Kung nagagalit ka sa 'kin dahil sa napaaway si Miguel, mas magalit ka sa sarili mo kasi totoo nga naman 'yung sinabi ng lalaki kanina, na stupid ka." blanko na sabi niya at nag-angat si Miguel ng tingin sa kaniya.

"Val," seryosong sabi ni Roy sa kaniya pero tumingin lang siya kay Miguel.

"Ano? Susuntukin mo din ba 'ko? Kasi tinawag ko na stupid si Helena?" ngisi niya kay Miguel.

"Tama na, Valerie." pigil ko pero tinignan niya lang ako.

Saglit pa kaming nagkatitigan bago siya tumayo.

"Okay." sabi niya lang bago dumeretso sa sofa at saka kinuha ang bag niya.

Sinundan naman namin siya ng tingin.

"Valerie," nagsusumamong tawag sa kaniya ni Ruby.

"Una na 'ko. Salamat sa pagkain, Cy." sabi niya ng hindi man lang kami tinignan bago dumeretso palabas.

"Tsk. Valerie! Saglit nga lang!" Inilapag ni Cyrus ang sandok sa lamesa bago siya tumakbo palabas para sundan si Valerie.

Mariin akong napapikit bago huminga ng malalim.

"Wow," sarkastikong sabi ni Ruby.

Bahagya akong tumingin kay Miguel at ng makitang tumingin siya sa 'kin ay agad akong nag-iwas ng tingin.

"Kain na," sabi ni Roy, binabalewala ang nangyari.

Tahimik lang kaming apat sa lamesa.

Napalingon kaming apat kay Cyrus ng pumasok ito. Nagkibit balikat lang siya at saka bumuntong hininga bago dumeretso sa kusina.

Ang bigat ng loob ko. Hindi ko din alam kung bakit ako nakipagtalo pa kay Valerie, na kung tutuusin ay dapat pinagpaliban ko na lang. Nainis lang talaga ako ng parang ipinalabas niya na si Miguel ang may kasalanan. Hindi man niya deretsang sinabi ay iyon ang ipinaparating niya.

May ugali si Valerie, at ang ugali'ng pinairal niya kanina ang pinaka ayoko. Deretso siya kung magsalita, halos walang pakialam kung ano ang mararamdaman ng iba. Gano'n siya katotoo, pero minsan ay sumosobra na siya. Minsan ay nakakasakit na at iyon ang hindi ko pinapalampas.

Hindi ito ang unang beses na nag-away kami Valerie, maraming beses na din. At lahat ng pag-aaway namin na 'yon




"I'm not sorry about punching that guy in the face." napalingon ako kay Miguel at tinignan naman niya 'yon. "He deserved it for calling you stupid."

Tipid naman akong napangiti.

Pauwi na kami ngayon at siya ang naghatid sa 'kin. Si Roy naman ang naghatid kay Ruby.

"I'm sorry," sabi niya kaya taka ko siyang tinignan ulit.

"Ha? Akala ko ba hindi ka magso-sorry--"

"I'm sorry kasi nag-away kayo ni Valerie." sabi niya at napabuntong hininga naman ako at saka nag iwas ng tingin.

"'Di mo naman kasalanan e,"

Natigilan ako sa paglalakad ng maramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko.

Bumilis ang paghinga ko ng humarap siya sa 'kin. Dahan dahan ko naman siyang tiningala dahil mas matangkad siya sa 'kin.

Ngumiti siya at hindi ko maiwasan na mapatitig sa labi niya kaya naging matunog ang paglunok ko.

"I like you, Helena, so much." malambing na sabi niya kaya pakiramdam ko ay nanginginig na ang mga kamay ko.

Hindi ako nakapagsalita agad.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dahan dahan niyang paglapit sa mukha ko.

Pakshet.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ipikit ang mga mata ko at saka itikom ang bibig ko.

Hindi pa ako nag-tu-toothbrush. Ang dami kong kinain kanina na sopas.

Awtomatikong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng maramdaman kong lumapit ang labi niya sa labi ko.

Hindi madiin ang pagkakahalik niya. Hindi nga gumalaw ang bunganga, basta't nakapatong lang ng ilang segundo.

I swear! Para akong tanga dahil hindi ako humihinga, as if pinipigilan ko'ng lumabas sa bunganga ko ang amoy ng kinain ko kanina dahil nakakahiya!

Nang bumitaw siya ay tumungo ako dahil malamang ay sobrang pula ko na ngayon.

"Good night. See you on monday," sabi niya at wala sa sarili naman akong napalingon sa likod ko.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay.

"A-Ah, sige. H-Haha! Ba-bye! Kitakits na lang sa lunes!" Bigla akong nataranta at hindi ako magkanda-ugaga sa pagkamot ng batok ko.

Ngumiti lang siya.

"Ingat ka pag-uwi! Salamat sa paghatid!" pagkasabi ko no'n ay ipinasok ko ang mga labi ko sa bibig ko bago nagmamadaling binuksan ang gate at pumasok sa loob.

Kumaway pa ako kay Miguel bago patakbong pumasok sa loob.

THE KISMET ***ongoing***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon