Chapter Four: Ang Agimat

1.2K 36 1
                                    

Naglakad na muli sila pabalik sa kotse, sa sobrang tahimik nila maiisip mo na abdact na ng alien ang isa.

"Uhmm" sabay na sabi nila. Napatingin naman sila sa isat-isa at tumawa ng walang katapusang.

"Hahahahahahahahahahahahaha"

Kung may nakakasiguro sa kanila'y iisiping nasisiraan na sila ng bait...

"Te-teka !hindi ko na kaya hahahahaha!!!" paputol-putol na sabi ni Dixie.

"Breath in, breath out, breath in, breath out!"sambit naman ni Robert na sina bayan ng kumpas....sumunod naman si Dixie. Ilang minuto pa ang nakalipas bago nagsink-in kay Dixie ang ginagawa..

"Leche naman oh ! Para mo akong pinapaanak nyan ! eh! "maktol ni Dixie.

"Eebe! megendeng exercise yan ! breath lang bebe! "nanlalaking ang matang napatingin si Dixie sa binata. 

"oh my gosh ! natuloyan na syang maging bakla !" isip-isip nya..

"Wag mo nga akong katitigan baka mainlove ka bigla!" sabi ni Robert habang nakapogi pose.

Nanalaki naman lalo ang mata ni Dixie  at biglang na pa sign off the cross. Susmaryosep! anong nangyayari sa taong to!!?!. Sinapo ni Dixie ng noo ni Robert.

"Wala ka namang lagnat, napapano kaba?!" tanong nito.

"Ha? ano bang sinasabi nyo? ahuhuhu..wala naman po akung ginagawa ah" may paiyak-iyak habang pagulong-gulong sa kalsada.

"Eww! ano ba ?! bat ba ako nakahiga dito?!" maarteng sabi ni Robert. Samantala si Dixie ay gulong-gulo parin sa mga nangyayari sa kasama.Laking gulat nya ng biglang lumuhod si Robert sa kanyang harapan.

"Magandang binibini ang iyong mukha'y parang pagsikat ng araw sa bukang liwayway, walang kasing ganda "sabay ngiti ng pamatay..

*oh hallelujah! hallelujah! oh hallelujah!*

naistatwa  sa kinaatayuan ang nangangamatis na Dixie. Mistulang may nag-aawitang mga anghel sa kalangitan dahil sa sobrang ganda ng ngiti na ibinibigay sa kanya ng nilalang  na nasa kanyang harapan.

(A/N: naguguluhan na kayo? ako din promiss!! XD)

"huy!"isang malakas na batok ang natanggap ni Dixie.

*ASDFGHJKL*

“bat mo ko binatukan?!!” sigaw nya sa kaharap.

“Ha?” mababatid sa mukha ni Robert ang pagtataka.

“Ha ka din! Bwisit ka!” sigaw ni Dixie tapos tumalikod na. Naiwan naman si Robert na nakaluhod padin sa kalsada. Nagtataka, sabay bulong ng ...

“Ay! Baliw!”

My Epic Love (Comedy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon