Nagsimula ang lahat sa pagdungaw ko sa bintana.
Eversince, hindi ko na nalilimutan ang pagdungaw sa bintana tuwing pumapasok na ako sa room na yun. Anyway i'm Jeann Manansala. A college student taking up Business Management in a well-known university.
Ito naman ako nakadungaw sa bintana, iniexpect ko na makikita ko siya ulit. Ang lalaki sa bintana. Hehehe. Yan kasi tawag ng bestfriend kong si Kier.
"Oi! Ayan ka na naman nakadungaw ulit sa bintana." Sabi ni Kier habang sinusundot yung tagiliran ko. PACKING TAPE naman oh! May kiliti ako diyan.
"Ano ba Kier, HAHAHA... tigilan mo nga ang pagsundot sa akin HAHAHA... nakikiliti na ako."
"Hinihintay mo na naman si LALAKI SA BINTANA. Di ba iba na ang nakatira diyan." Nagpapout na lang ako. Oo nga pala, iba na pala ang nakatira diyan sa apartment kung saan ko nakita si lalaki sa bintana. Bakit ba kasi ako umaasa pa. Haaay!
"Tama na Jeann wag ka ng umasa na magkikita pa kayo nong lalaki sa bintana. You both totally stranger, sinasaktan mo lang ang sarili mo. Dapat move-on ka na. Nakalimutan ko hindi naman pala naging kayo. Hehehe." Alam ni Kier kong ano ang nararamdaman ko. Para akong sira noh? Nagmamahal sa taong hindi mo naman kilala. Masisisi niyo ba ako kung siya ang tinitibok ng puso ko. Para lang yung nakipagtextmate ka tapos na inlove ka sa kanya kahit hindi mo siya nakita. Pareho lang yun pero may pagkaiba rin sa textmate alam mo ang name niya, eh sa sitwasyun ko hindi.
Haaay! Tama nga si Kier dapat magmove-on na ako kahit hindi naman kami.
Pero di ko maiwasan isipin kung saan nagsimula ang lahat and it's started nong dumungaw ako sa bintana.
FLASHBACK:
First day of class at nasa 4th year college na kami ngayon ni Kier. Kapapasok palang namin ng classroom sobrang ingay na nang mga kaklase namin. May nagtsitsismisan, may naglalaro ng iwan, may naguusap tungkol sa dota at yeah sobrang lakas ng mga boses nila. Meron ding naggigitara at kumakanta. Si Kier ayun nakikisabay na sa pagkanta kaya magisa na lang ako. Nagpunta ako dun sa tabi ng bintana at nakadungaw sa baba alangan naman sa taas ako nakadungaw. Hehehe. Since, nasa ikatlong palag naman ako kita ang mga nagdaang mga kotse.
Nang nagsawa na ako panonood ng mga kotseng nagdaan, linibot ko ang tingin ko at sa di inaasahang nakita ko ang isang lalaki nakadungaw sa kabilang bintana which is a dormitory or an apartment. Nakatulala siya sa kawalan. In my observation. Hehehe
I can say, his good looking. Maganda ang mata, matangos ang ilong, baby face and have a red lips. Bigla siyang napatingin sa akin at nagsmile. OH MY GOD! He smile at me??? and I smile at him.
"HOY! Anong ningiti-ngiti mo dyan?" Kier with her nagtatanong-look. Napalingon ako saglit sa kanya at binalik ang tingin ko dun sa may bintana pero wala na siya.
"Ano ka ba Kier, Bakit nangugulat ka?" Napataas naman ang kilay niya.
"Wow! Teh Late reaction!!!" Sarcastic niyang sabi.
Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok na yung teacher namin.
Araw-araw ko na siyang nakikita sa tuwing dadangaw ako sa bintana ng classroom namin. Like the old times he smiled at me and I smiled at him backed. Sa mga nagdaang araw sa tuwing makikita at ngumingiti siya sa akin parang may nararamdaman akong saya sa aking puso.
Ano to? Inlove na ba ako sa kanya?
Paano mangyayari yun ni hindi nga kami nag-uusap ni hindi ko nga rin alam ang pangalan niya but Kier give him a pet name "ANG LALAKI SA BINTANA".