“Ayoko nga sabi.” Nakatingin lang ako sa malayo habang nakaupo kami sa bench na nasa tapat ng bahay namin.
“Dali naa..”
“A-Y-O-K-O.”
Hinarap nya bigla yung mukha ko sa kanya. Pinilit kong iwasan na matignan sya, pero parang magnet na nagtama pa rin ang tingin naming dalawa.
Eto na naman sya.. Eto na naman sya..
“Pretty pleaasseee..” tapos nagpuppy eyes pa sya.
“Aish” Iniwas ko ulit yung tingin ko sa kanya. Ano baa?! Ba’t ba nya ako ginaganito? Di ba nya alam na para akong nalulunod sa tuwing tinititigan nya ako ng ganon?
“Is that a yes?” Grabe ‘tong babae na ‘to. Di ko alam kung bakit at kung anong pumasok sa isip ko pero…
“FINE!”
“Yeheeeyy! Woohooo!!” Para syang tanga na nagtatatalon sa gitna ng street ng village namin. Magkatabi lang kasi ang bahay namin.
“Itigil mo nga yan! Para kang tanga” Sabi ko, tapos bigla naman syang nag-pout. Arrghh!! Bakit ba kasi ang ganda-ganda nya? Nanghihina ako pag nakikita ko sya.. Sh*t! So gay!
“Gabi na! Pumasok ka na.”
“Hmp! Sige na nga. Salamat haa! Goodnight!” tapos nag-wave sya at pumasok na sa bahay nila.
“Sige. Bangungutin ka sana.” Mahina kong sabi, then I chuckled a bit.
Kaso bigla na lang ulit bumukas yung pinto ng bahay nila..”Tse! NARINIG KO YON! YOU MORON!” Tapos binagsakan nya ako ng pinto..
(KINABUKASAN)
Maaga akong gumising. Nakakainis naman kasi ‘tong si Yuri eh! Kung ‘di sya napgacute, edi sana ang sarap at ang haba pa ng tulog ko ngayon!
“Tao po! Yoooohooo..”
Yung boses na yun… si.. si Yuri yun ah? Teka?! 6AM PA LANG AHHH! USAPAN NAMIN, 9AM! ALAS-NUEBE! TATLONG ORAS PA PERO NAMBUBULABOG NA SYA!
Hindi ko sya pinagbuksan.. bahala sya sa buhay nya!
Pero aba! CONSISTENT! Paulit-ulit syang nag-doorbell at…
“HOYY! MARTIN SEBASTIAN VILLA ROSA! LUMABAS KA DYAAAN!”
BINABASA MO ANG
My Unfinished Confession (One-Shot)
Teen FictionHave you ever had a plan na kahit anong gawin mo, parang lagi ka pa ding pinagttripan ni kupido? Yung nahihirapan ka, pero walang magawa kasi 'di ka makakuha ng tyempo? Tss.. badtrip di ba? Pero pano kung sa huli, mabigyan ka na ng chance? Papalampa...