Chapter Two
(Frank's POV)
Ako si Frank Lero Kingston, anak ni Peter Kingston yung sikat na bahista ng Youngblood and kababata ni Spade, and yeah I'm pretty sure na meet nyo na si Gerard, at isa din ako sa na bubully pero saaming apat ako ang pasaway at ako ang palaban. Hindi ko maintindihan si Gerard kung bakit siya pumapayag na magpaapi sa mga gunggong na yun.
Matagal ko na siyang sinabihan na dapat lumaban kami pero ayaw nya. Manang mana siya sa dad nya na sobrang bait which is hindi naman masama pero kung naaapi kana di ka pa ba lalaban?
Kung tutuusin kaya naman namin sila kung ipapaalam lang namin na kung sino talaga kami pero ayaw naman naming gamitin iyon na dahilan para lang sumikat
"Ok class dismiss" sabi nung teacher namin na hindi ko man lang pinakinggan. Tumayo ako at tsaka lumabas
Ang malas lang kasi section C ako at hindi ko kasama sila Spade and guess what? Classmate ko ang ilan sa mga bully
Pero buti nalang ay wala ata sila sa mood makipag asaran ngayon kaya naman ay payapa akong naglakad papunta sa cafeteria at nang makarating ako ay nakita ko agad sila Gerard, Ray at Mikey na nakaupo na doon at may mga pagkain na din, mukhang ako nalang ang hinihintay nila
"Hey" bati sakin ni Gerard nung mapansin niya ako papalapit sa lamesa
"hey" sagot ko tsaka ako umupo at kinuha yung isang box ng juice at ininom
"Looking forward to this amazing year?" sarcastic na sabi ni Ray kaya naman natawa nalang ako, amazing year?
"Yeah sure" sagot ko na iiling iling
"buti nga kayo last year nyo na eh" sabat naman ni Mikey na naiinis kaya napatingin kaming tatlo sakanya "may isang taon pa ako pag alis nyo"
Even though seniors na kami nila Spade at Ray at si Mikey naman ay junior, wala naman siyang ibang kaibigan kundi kami lang
"Well, at least pag umalis kami, aalis din naman na din yung mga bully diba?" sabi ko sakanya at natawa naman siya
"As if naman na makakagraduate yung mga tanga na yun" sabi ni Mikey at nagtawanan kaming lahat
Sabagay totoo naman, wala naman silang utak eh si Sam lang na siyang kaklase ko, siya lang ata ang medyo matino sakanila dahil the rest ay nasa last section.
Ilang sandali pa ay yung limang mongoloid na pare-pareho ng damit ay naglalakad papalapit samin
"oh no" – Ray
"Speaking of the devil..." bulong ni Mikey
"Ano nakakatawa nerds?" sabi ni Drake ng makalapit sila saamin at nung makaupo ito sa tabi ni Mikey ay inakbayan pa niya ito, napatingin lang si Mikey sa kapatid na ngayon ay nakatingin naman kay Drake "Oh bakit? Ayaw nyong i-share? Dali na, sabihin nyo na at gusto din naming tumawa" sabi nito tsaka niyugyog ng bahagya si Mikey na dahilan para magulo ang salamin nito sa mata
"baka naman pinag uusapan nila yung mga sarili nila, what's funnier than that?" singit ni Zach at nagtawanan silang lahat. I rolled my eyes, ano nakakatawa doon? Mga abnormal talaga tong magkakaibigan na to
"Just get out" biglang sagot ni Gerard kay Drake habang nakatitig dito. The other jocks made a "uuuuhhh" sound encouraging the fight.
Kaya naman napatayo si Drake at tsaka hinila si Gerard sa collar nito para mapatayo ito "Listen here, you little piece of shit. Sino ka ba sa tingin mo para sabihan mo ako ng ganun ha?! You are nothing. You are never going to be anything, kung yun ang sa tingin mo" at itinulak nito si Gerard paupo at kaming tatlo ay nakatingin lang kay Gerard na hanggang ngayon ay nakatingin kay Drake at ang apat na kaibigan ni Drake ay nakangisi at ineenjoy lang ang nakikita
Napalingon ako sa paligid at dito ko nakita na may mga teachers na nakakakita samin pero bakit ganoon? Wala silang ginagawa kahit kitang-kita na nila kung paano binubully ni Drake si Spade, porket ba sila ang all time champion sa basketball at iba pang sports?
"this is not over Smithy" Drake said finally and Carter slapped me my nape before they left
Gerard sighed at napailing nalang ako
This is going to be a long, long year.
Natapos na ang lunch break at nagkanya-kanya na kami ng lakad papunta sa kanya-kanya naming classroom at syempre dahil hindi ko naman ka section sila Spade kaya sa kabilang corridor ako naglalakad ng biglang may humawak sa balikat ko kaya naman napalingon ako at dito ko nakita si Amanda na sobra ang ngiti
"Hi Lero!" bati niya sakin
"Hey Amanda, nice to see you" bati ko sakanya
Nakasoot siya ng blue skirt at jacket, ang uniform ng cheerleader, yung buhok niyang blonde na hindi ganoon kahaba ay nakabagsak hanggang balikat
"So, hows your first day going? Exciting?" masiglang sabi niya pero I rolled my eyes
"Super" I responded sarcastically. At tumawa naman siya
"Oh c'mon. seniors na tayo, magiging mas maganda to" sabi niya at ngumiti lang ako at tsaka kami naglakad
Well, hindi ko naman talaga kilala si Amanda pero naging kaibigan ko siya, last year. Last year din nung nagsimula siyang kausapin ako at eto na nga, kaibigan ko na siya. Kahit na cheerleader siya and normally na lagi niyang kasama ang mga varsity lagi pa din nya ako kinakausap, halos araw-araw and I wish na maging kaibigan nya din sila Gerard at ang iba pero sa tingin ko hindi mangyayari yun, sa ngayon.
We arrived at the front of a classroom door.
"dito nalang ako" sabi ko at tumango siya
"Ahh sige" sagot naman niya and we both remained in silence, until she smiled and started curling a bunch of blonde hair in her fingers "May gagawin ka ba this weekend?" tanong niya, I shrugged
"I'll probably be at Gerard's or something" sagot ko, every weekend kasi kung hindi kela Uncle Patrick kami nag sleep over, ay saamin.
"Oh. Cool" she gave me a sad smile "sige alis na ako, bye"
I just waved my hand at her as she walked away.
That was a weird conversation, and actually hindi lahat ng conversation ko kay Amanda ay ganoon at kahit kailan ay hindi ko naintindihan kung bakit, siguro parehas kaming weird? Siguro yun din ang dahilan bakit kami close
BINABASA MO ANG
I'm Not Okay! (I Promise)
General Fiction"You like D&D, Audrey Hepburn, Fangoria, Harry Houdini and croquet. You can't swim, can't dance and you don't know karate. Face it, you're never gonna make it." Ray said at napatingin nalang ako sa kawalan. Ayoko na, ayoko ng ma-bully pagod na ako...