CHAPTER EIGHTEEN

12.9K 168 11
                                    


MAAYOS na ang lahat. Bukas ang nakatakdang flight ni Kiel patungong Japan. Habang iniempake ni Ate Gelay ang mga damit at gamit niya ay umiiyak ito.

"Naman, Ate Gelay, 'yan ba ang ipapabaon mo sa akin?"

Nakairap si Gelay na  pinahid ng kuwelyo ng suot nitong blusa ang luha. "Damulag ka! Sa nalulungkot na agad ako."

"Hindi ka malulungkot kasi lagi naman tayong mag-uusap sa Skype. Isa pa, nariyan sina Jopet kaya sa kanila pa lang kulang na ang oras mo. At saka iyon mga bilin ko sa iyo, laging nasa tabi mo dapat  ang corldless phone at nasa bulsa mo ang iyong cell phone,  para sakaling sumulpot dito ang mister mo, huwag kang magdadalawang-isip na tumawag sa guard house o di kaya'y aa police station at ipadampot mo na."

"Huwag ka nang mag-aalala sa akin, Kiel. Kaya kong sarili ko. At ako nang bahala kina Jopet."

Napabuntong-hininga si Kiel habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng kanyang  kuwarto. Dinampot niya ang dalawang picture frame, larawan nila ni Olive at isiniksik ang mga iyon sa kanyang damit na nasa  luggage.

"Hindi ka ba man lang magpapaalam sa best friend mo?"

Malungkot na umiling siya.

"Kahit sa message man lang?"

"Huwag na. Hindi rin naman niya sasagutin. She never bothered to return my call. Hindi ko na rin siya makita sa FB. It's either blocked ako o nag-deactivate o nagpanibago ng FB account."

Matapos ang pagkakasakit ni Olive ay dalawang beses silang nagkasalubong ng dalaga  sa main building ng SVU. At sa mga pagkakataong iyon ay kasama nito si Anthony at si Natasha naman ay lagi rin nakadikit sa kanya.

Hindi siya pinansin ni Olive na para bang hindi siya nag-e-exist sa mundo. Gustung-gusto na niya itong habulin para kausapin subalit sa nararamdamang kirot sa  kanyang dibdib sa nakitang pagkakamabutihan nina Olive at Anthony ay  nagpasya siyang huwag na lamang.

Sobra siyang nasasaktan sa mga pangyayari kung kaya nagpasya na siyang lumayo na muna. Inagahan niya ang bakasyon sa Japan. Pagkatapos ng final exam ay agad na siyang nagpa-book ng flight. Siyempre pa, tuwang-tuwa ang kanyang kapatid  at maging ang  mommy at daddy niya. Nalungkot naman sina Ate Gelay at ang mga bagets. Lalo pa at wala siyang tiniyak na petsa kung kailan siya babalik ng Pilipinas.

Ang negosyo ng mga magulang ay imo-monitor na lamang ni Kiel  thru online. Habang wala siya, ang matagal na sa kanilang supervisor na si Kuya Rey ang in-charge sa lahat.

Tungkol naman sa bandang Hustisya, after two week  ay susunod ang grupo  sa Japan. May mga series of shows silang gagawin doon. Ang daddy ni Kiel  ang nag-organize ng kanilang mga shows.

Mayamaya ay narinig nilang tumunog ang doorbell.

"Tiyak sina Jopet na 'yan," wika ni Gelay na lumabas na ng silid.

Sa kanilang bahay  matutulog ang mga bagets. Sasama ang mga ito sa paghahatid sa kanya sa airport . May inarkilang van si Ate Gelay kung kaya kasya silang lahat.

Naka-ready na rin ang mga lulutuin ni Ate Gelay para pagsasaluhan nila mamayang gabi. Maaga itong nagpunta sa market.

Nang mapag-isa sa silid ay muling dinalaw ng lungkot ang puso ni Kiel. Lalo pa at sa bawat sulok ng kuwarto  ay naalala niya si Olive. Malalim ang buntong-hiningang pinawalan niya. Lumabas na siya ng kuwarto at naroon na nga sa sala ang mga bata.

Tumabi sa kanya si Jopet. "Hindi po ba sasama na  maghatid si Ate Olive?"

"Hindi na kailangan," sagot niya sa magiliw na tono.

MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon