CHAPTER TWENTY ONE

24.8K 362 37
                                    


KATATAPOS lang nina Olive na magbahagi ng mga pagkain para sa limampu't limang mga bata na ang mga edad ay mula apat na taong gulang at ang pinakamatanda ay dose.
Hiwalay ang mga sanggol na may mga house parent na nangangalaga sa mga inabandonang mga sanggol. Noong nakaraan buwan ay sa mga sanggol siya nag-volunteer na mag-alaga. Buong maghapon siya roon. Nagpapaligo, pinadede, kinakarga, kinakantahan ng mga lullaby songs.

Madalas niyang makasabay sa bahay ampunan si Zoey,  na kagaya niya rin ay  tinaguriang Romantic Chics sa kanilang campus.

Ngayong araw ay sa mga bagets   nakatoka si Olive. Kasama niya ngayon ang iba pang mga Romantic Chics  na sina Zoey, Ellaine at Kayla.  Na kagaya niya ay  magiliw na inaasikaso ang mga bata. Walang kapagurang pinagsisilbihan nila ang mga bata. Inaasikaso sa mga pangangailangan ng mga ito. Nariyang natapunan  ng juice   sa damit ang isang bata na mabilis niyang naalalayang punasan at mabuti na lang ay may mga dala siyang mga damit pambata --  ang kanyang nanay ang nangalap ng donasyon galing sa mga kapwa nito ahente  kaya nakapamili sila ng mga damit pambata -- nabihisan niya ng bagong shirt ang batang babae at binigyan niya uli ng panibagong juice.   Ang isang bata naman , si Mica ay kalat ang ketchup sa nguso nito, naaaliw niya itong pinunasan ng tissue habang patuloy ang nguya ng paslit.

Kapag nagkakasalubong sila nina Elaine, Kyla, may matamis na ngiting nakapaskil sa kanilang mga labi.

Hindi nakasama sa kanya si Alyssa. Naintindihan niya ito  dahil kabuwanan na ni Alyssa kaya hirap nang kumilos. Sina Anthony at Marlon naman ay may kani-kaniyang kompromiso. Si Anthony, sinamahan ang mommy nito para magpa-executive check-up sa Asian Hospital.

Narinig ni Olive na  pinag-uusapan kanina na may mga special guest  daw na darating at  mangangasiwa sa storytelling at entertaiment para sa mga bata. Kaya naman halatang excited na ang mga bata na matapos ang pagkain. Maging ang pagkain ng mga ito ay special. Jollibee chicken joy at spaghetti, fries, cheeseburger at  may  ice cream pa.   Mula  raw ang mga iyon sa   isang hindi nagpakilalang sponsor ayon kay Miss Thesa, ang head-in-charge ng bahay-ampunan.

Makaraan ang mahigit kalahating oras ay inasistehan na nila  ang mga bata na pumasok sa maluwang na recreation area.

Nakaayos ng pa-letter U ang mga monoblock chair. Handang-handa na ang mga props na gagamitin sa storytelling. Sa gawing gilid ay may malaking kahon na naglalaman ng mga nakasupot na tiyak ay  para sa mga bata.

Disiplinadong nagsiupo ang mga bata, mababakas ang saya at excitement sa mga mukha ng mga ito.

Naupo na rin si Olive sa upuan para sa mga miyembro at volunteers. Nakasuot siya ng yellow T-shirts , denim jeans at doll shoes. Naka-pig tail ang mahaba niyang buhok, tanging lip gloss at polbos ang kolorete niya sa mukha. Kagaya ng ibang Romantic Chics, larawan sila ng kasimplehan. Ang sabi nga ni Anthony sa kanya, simple man o bongga ang gayak niya ay  taglay pa rin daw niya ang malakas na sex appeal. 

Ilan na ang nagtangkang manligaw sa kanya sa SVU. May anak ng judge. Varsity player. Ngunit maagap niyang sinabing  committed na siya kahit na ang totoo ay hindi. Ayaw niyang mag-entertain ng suitor o admirer.  Subalit sadyang may mga makukulit at hindi agad  humihinto sa panliligaw sa kanya. Kaya naman si Anthony ang naging  props boyfriend niya. Lumaki na rin ang kaha ng katawan nito, may six-pack abs na rin dahil magkasama palagi ito at si Marlon sa pagge-gym. Nangingiti siya kapag naalala ang mga panahong bentang-benta ang pagpapanggap ni Anthony dahil  nagsitigil din ang mga manliligaw niya.

Mayamaya pa ay nagsalita na sa mikropono si Miss Thesa. Nagpapasalamat may-edad na babae  sa lahat ng miyembro, mga volunteer, at sa taong nagkaloob ng mga pagkain at regalong entertainment sa mga bata.

MY LOVE, MY VALENTINE (Completed/unedited version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon