Chapter 21

22 3 0
                                    

Tumigil ang mundo ko sumagot si Venus sakin "I Love you too."

Paiyak na nga ako nung humarap sa kanya para siguraduhin ang sinabi nya. Maluha-luha na talaga yung mga mata ko, tears of joy.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko I love you too," sagot nya.

"Ibig sabihin tayo na?" tanong ko ulit.

"Oo naman, tayo na," sagot nya ulit.

Tapos niyakap ko sya. Hindi masyadong mahigpit pero tama lang para maramdaman nya kung gaano ako kasaya. Ramdam ko naman yumakap din sya sakin.

Sobrang saya ko talaga nyayong araw na ito. Pwede ko nang idagdag sa listahan ng mga hindi malilimutang sandali ng aking buhay, sunod dun sa sayaw namin.

"Promise hindi mo ito pagsisisihan," sabi ko.

"Alam ko naman yun eh," sagot nya.

"Mahal na mahal kita Venus."

"Mahal din kita."

"Bukas ulit. Bye boyfriend." pagpapaalam nya.

"Sige bye!" abot tenga yung ngiti ko sa kanya.

Dumating ako sa bahay. Dumiretso ako sa kama ko para matulog. Hindi ako dinadalaw ng antok. Hindi parin kasi nagsisink-in sakin yung mga nangyari kanina. Hindi parin talaga ako makapaniwala na sinagot na ako ni Venus. Alam nyo yung feeling ng nanalo sa lotto? Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Kung alam nyo lang, feeling ko ang yaman-yaman ko. (Yakapin mo ako!)

Siguro 10:00 na ako nakatulog dahil nagpatugtog ng mga kanta na aking pampaantok.

Nagising naman ako ng maaga. 4:30 ako nagising. Nagsaing, nagprito, namalantsa at naligo na ako. Ayokong malate sa first day na girlfriend ko na si Venus. Tamang-tama, dadalhin ko sya sa unang lugar na nagkita kami.

8:15 ako lumabas ng bahay at nagsimulang maglakad para pumunta kina Venus. Siguro mga 5 minutes akong naglakad at tumambay muna dun sa inupuan nya kagabi. Saktong 8:30 ako kumatok sa pintuan.

"Sakto ah," sabi nya.

"Syempre para sayo lagi akong on-time," sagot ko naman.

"Tara na baka showing na yung bagong horror," sabi nya.

Tapos sumakay na kami ng tricycle papunta sa mall. Actually sa tricycle pala kami pinakaunang nagkita. Doon ko unang nasilayan napakaganda nyang mukha.

Pagpasok sa mall, sinabi ko sa kanya "Tanda mo ba? Sa tricycle papunta dito una tayong nagkita."

"At nagkasabay tayo dito sa entrance kaya kita napansin," sagot nya.

"Oo nga noh. Tara bumili ng ticket," sabi ko.

Tapos naglakad na kami papunta sa cinema. Habang naglalakad, kinuha ko yung kamay nya at himawakan. Ramdam ko naman na hinigpitan nya yung kapit sa aking kamay kaya napangiti ako.

Habang papalapit kami sa cinema, lalo naman humigpit yung hawak nya sa kamay ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Horror ang piliin mo," sabi nya.

"Oo naman," sagot ko.

Tapos pumila na ako sa booth para bumili ng ticket at sya naman ay bumaba sa grocery para bumili ng pagkain namin. Namimili pa ako sa mga horror movies dito kung yung international ba o local ang pipiliin ko. Kung international kasi, baka hindi na kami makatulog mamayang gabi sa sobrang takot. Kung yung local naman, hindi kami masyadong matatakot. Bahala na, yung local na lang. 5 minutes na lang bago lumabas yung nasa loob nang saktong dumating si Venus na dala yung pagkain namin, junk foods yun saka tubig.

Nasa may entrance na kami nang tumigil sya sa paglalakad. Nabangga tuloy ako sa kanya.

"Bakit," tanong ko.

"Horror kasi ang papanuorin natin," sagot nya.

"Kanina ang lakas ng loob mo tapos ngayon natatakot ka," sabi ko.

Ngumiti sya sakin tapos nagpatuloy na sa paglalakad. Medyo madilim sa daan, neon lights na papunta sa loob lang ang ilaw.

Pagpasok sa loob, konti lang ang tao. Mga magkakabarkada tapos kami ni Venus lang ang tao dun. Umupo kami malapit sa likod dahil baka ma-heart attack daw si Venus.

Trailer palang kinakain na namin yung baon. para ngang mauubos na yun bago pa magsimula yung movie.

Nagsimula na yung movie at nakataas yung mga paa namin ni Venus, baka daw kasi may humila. Nagtatakip na sya ng bag sa mukha.

Actually, hindi masyadong nakakatakot yung movie. Nakakagulat lang talaga yung sigaw ni Venus tsaka yung bigla nyang paghila sakin nung part na nakakatakot.

Kaming dalawa lang yung maingay sa loob, magrerefund nalang daw sya, ayaw nya na daw. Pero hindi umaalis...

Paglabas namin sa cinema, pumunta kami sa world of fun. Para makalimutan ang nakita nya kanina, saka para mag-aliw. Sa palagay ko hindi ko na kailangan yan. Makita ko lang kasi si Venus, aliw na aliw na ako.

------------------------------------------------------

hi GUYS, mag-Vote kayo hah...:3

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon