Just wait for it, Hintay kalang kase, Alam mo matuto kang lumandi, Nandyan lang sya, Malapit na sya, Malay mo nasa tabi lang. Ilan lamang sa mga gasgas na payo mula sa mga kaibigan ko, Well I am not on rush to have a relationship siguro naghahanap lang ako ng appreciations mula sa kanya kung meron ba? ng true love other than my family and friends cuz you know since birth di ko pa naranasan ang pumasok sa isang relasyon ang maligawan ang mabigyan ng love letter ang mabigyan ng flowers or chocolates ang makipagdate ang makipagholding hands ang makapagsine ng lovestory or ano pa man na may kasama kumain, may makayakap at higit sa lahat ang mahalin pabalik tulad ng pagmamahal ko sometimes it hurts but you have to fight it. Minsan nga sa sobrang lungkot ko si Google kausap ko nagtanong ako minsan bakit wala ako jowa sagot nya baka daw kasi ito yung highest point of loneliness ko at naisip ko baka nga pero naguguluhan ako eh. Naiingit ako sa mga halos 99 percent ng classmates and friends ko naexperienced nanila na pumasok sa relationship o mabigyan ng malaking atensyon. Minsan binobody shaming ko sarili ko mataba, maitim hindi kamahal mahal kaya walang nagtangka puro sakit lang, crush na ngalang nagpapasaya sa akin kaso syempre hindi naman natin pwedeng ipilit na crush dapat crush mo din ako kaya nga tuwing magkakacrush ako sinasabayan ko na ng move on agad agad. Naexperienced ko na palang mahulog sa taong crush ko dahil binibigyan ko ng kahulugan mga chat nya everyday bati from umaga to gabi tanong tanong kung kumain na ako tapos sa dulo ganapan ko Kabet pucha de leche nafall ako sa lalaking may girlfriend na pala syempre mabait si ako. Ako na mismo lumayo ayoko makasira ng relasyon ng isang tao kaya adios!!!.
Minsan pagnakakakita ako ng magjowa sa daan yung sweet na naguusap habang naglalakad hindi ko na tatantanan sarili kong kausapin, magaask ng ikaw kasi ganto ganyan panget panget mo bakit si ano meron ako wala eh mas mabait ako dun.
Pagnakakakita ako ng magjowang proud sa isat isa sa Facebook nagngingit-ngit yung puso ko sa ingget at pansin ko lang sila yung maiitsura yung pagtinignan mo masasabi mong pag naging lalake yun maganda chix nun. Di ko alam kung para sa mga gwapo at maganda lang ba ang pagibig ngayon at kaming mga katamtaman o madalas masabihang panget or what eh naghihintay lang maambunan ng swerte mula sa kanila. Hindi ko masisi ang makabagong panahon ngayon kasi isa ako sa mga taong nandun na matagal ng nakatanga sa wala.
YOU ARE READING
EY ES EY
RandomDi ko alam kung paano sya idedescribe eh pero Everytime na malungkot ako or may nangyare sa buhay ko , sinusulat ko at madalas about sa love . Its time to share na siguro sa manunulat kong puso at damdamin. magulo pero iisa ang dulo.