(sinulat ko ito nuong grade 3 palamang ako. ito rin ang kauna-unahan kong horror storie. Nwala na saken ang orihinal na copya nito sa kadahilanan na kinuha iyon ng aking teacher.... HUHUHUHU pero ok lang kasi hangang ngayon ay tanda ko parin yung flow ng story eh hehehehe)
Si Mang Nestor ay isang matandang magsasaka. Wala syang naging asawa kaya nasanay narin syang mamuhay mag isa sa kanyang munting kubo.
isang gabi ay naisipan ni Mang Nestor na pumunta ng bayan upang bumili ng gamit sa kanyang pagsasaka. Mabuti nalamang ay may dala siyang sapat na salapi para ruon.
sadyang malayo ang Bayan sa kanilang baryo. Upang mapaiksi ang kanyang paglalakad ay napagdesisyonan niyang dumaan sa isang masukal na lugar. Duon ay nagtataasan ang mga puno. Hindi pumapasok ang liwanag ng buwan. Nakakatakot rin ang mga tunog na ginagawa ng mga pang gabing hayop sa nasabing lugar.
Wala na syang isnip kundi ang tahakin nalamang ang madilim na daan na iyon.
sa kanyang paglalakad ruon ay magyron siyang narinig. isang iyak ng sanggol. Pinakinggang pa niyang mabuti,. Hindi nga siya nagkakamali. Iyak nga iyon ng isang sanggol.
Sinundan niya ang iyak na iyon hanggang sa nahanap na niya ang isang sanggol na binabalitan ng itim na tela. isang malusog na sanggol. patuloy parin sa pag iyak. Napaisip nalaman ang matanda kung sino ang walang kwentang magulang ang nagawang iwan nalaman ang anak nito sa madilim at mapanganib na gubat.
Naawa sya dun sa sanggol. sinuha nya iyon at binuhat. Natuwa sya sa idea na pwede nyang alagaan ang kanyang napulot na sanggol. sa katunayan ay matagal narin nyang gustong magkaruon ng anak pero hindi natupag iyon gawa ng hindi sya nakapag asawa. "Wag ka mag, alala. Andito na si tatay. Aaalagaan kita. " wika ni mang nestor.
sandya naman tumahimik ang sanggol. tila naunawaan nito ang kanyang sinabi.
muli ang nagpatuloy siya sa paglalakad. ngunit habang lumalayo na ang kanyang nalalakbay ay tila bumibigat ang kanyang dalang sanggol. pabigat iyon ng pabigat.
"nakakapagtaka."
Napansin rin niyang parang nakakahipo siya ng kaunting balahibo mula rito. Duon na talaga sya nahiwagaan kung sanggol ba talaga ang kanyang nakuha sa gubat na iyon.
Sa labis na pagtataka ay tinignan niya kung ano ang nangyari sa sanggol. Laking gulat nya na nag iba na iyo ng anyo! isang mabalahibong nilalang ang bumulaga sa kanya. pula ang mata nito, ang buong katawan ay napaka itim dahil sa dami ng buhok nito. nakalabas rin ang kanyang pangil. kasalukoyan niyang hawak pa niya ang nilalang.
"TIYANAK! TIYANAK!" hilakbot ni Mang nestor na halos mapunit ang kanyang lalamunan dahil sa lakas ng kanyang sigaw.
Malakas niyang tinapon ang Tyanak mula sa kanya. nugnit tumalon ito upang bumalik sa kanya. Isang malaking kamot ang natanggap ng matanda mula rito. Sumirit ang madaming dugo. mabuti nalamang ay hindi gaano malalim ang naging sugat niya.
"KAMPON NG DEMONYO! LUMAYO KA SAKEN SA NGALAN NI HESUKRISTO!" malakas ang kanyang pananalig sa dyos. Dahil dito ay nasindak ang Tyanak sa isinigaw nya... Tumalon talon ito papunta sa kadiliman hanggang sa tuluyan na niyang hindi matanaw ito...
mpasalamat parin siya dahil ganun lang ang natamo niya mula sa mabagsik nahalimaw.
nakapunta na siya sa Bayan. KInalimutan na niyang bumili ng gamit sa halip ay nagpunta sya sa murang hospital upang duon ay magpagamot. ang perang sanang pangbili nya ng mga gamit ay nauwi sa kanyang pagpapagamot.
Minabuti nalamang niyang hindi ito sabihin sa iba. dahil alam naman ni Mang Nestor na wala ni isa ang kayang maniniwala sa kanyang istorya
BINABASA MO ANG
"Ang Nilalang" (one shot)
Horrorano ang nilalang na nakita ni mang nesthor sa gitna ng gubat?