Chapter 4 - The reason

48 3 8
                                    

Althea's POV

Hindi ako makapaniwala kung nasaan kami ngayon. Nandito lang naman kami sa lugar na kung saan, ang mahika'y pangkaraniwan lamang. Sa lugar kung saan ang mga tao'y nabubuhay dahil sa mahika.

"Halika, may nakita along kubo. Baka pwede tayong magpalipas ng Gabi doon" tugon ko kay Jemuel. Hindi parin siya nakakabawi sa pagkabigla. Puno na siya ng pawis. Bagamat, hindi parin makikitaan ng kapangitan. Gwapo parin kahit na madungis.

"Tao po? May tao po ba? Tao po?" Kinakatok ko ang pintuan ng kubo. Wala namang senyales na may tao sa loob, kaya pumasok nalang kami. Nahiga ako sa isang papag na tanging laman ng kubo. Malalim ang iniisip ko. Paano kung nananaginip lamang ako? Pero, totoong totoo ang nangyayari. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko.

Dugdug dugdug dugdug

Lumapit sa akin c Jemuel. Nakatayo siya sa gilig ng papag na hinihigaan ko. Mariin niya akong tinitigan. Dahan dahang bumababa ang mukha niya sa mukha ko. Bakit parang nagwawala ang dugo ko sa katawan? Umiinit ang mukha ko.

Ayan na. Malapit na, hahalikan na niya ako! Oh no! First kiss ko to. Paano nalang kapag hindi niya magustuhan ang halik ko? Hindi pa naman ako marunong. Paano na to. Pumikit ako, bakit parang ang tagal naman ata mag land ng lips niya sa lips ko? Ano ba yan, na-e-excite na ako. Dumilat ako sa pagkabagot.

"Aray! Anong ginawa mo? Bakit mo pinitik 'yung ilong ko? Baka maging kamatis na 'to. Ang lakas pa naman. Masakit yun ha!" Singhal ko sa kanya, napatayo naman ako. Hindi naman masyadong masakit yung pitik niya. Gusto ko lang mag inarte. Hihihi. Cute niya kasi ^_^

"Ha-ha! Ang akala mo kasi, hahalikan kita. Nakakatawa ka naman. Hindi kita hahalikan ano. 'Wag kang umasa!" sabi niya, aray! Sakit naman nun! ;(

"Chineck ko lang, baka nananaginip lang ako" then I saw him smirked. Ampogiiiii! At nagwala ang katawang lupa ko.

Umalis siya sa harap ko. Nilibot niya ng tingin ang buong kubo. Wala namang laman ang kubo, pero parang may mali.

"Ano yan? Secret door?" Tanong ko, nang may bumukas na pintuan.

Pumasok siya, at sumunod naman ako.

"Wow! Ang ganda!" Iyon lamang ang tanging lumabas sa bibig ko. Sobra akong nabigla sa nakita. May isang magandang bahay sa loob ng isang sira-sirang kubo? Akalain mo 'yon. Magical talaga itong lugar na 'to.

"Sino kayo? Bakit kayo nakapasok sa pamamahay ko?" Sabi ng may awtoridad na boses. Matanda na siya, pero hindi mapagkakailang maganda siya.

"Sorry po. Hindi po namin sinasadyang makarating rito. Gusto lang po sana naming mag pahinga sa kubo niyo. Wala na po kasi kaming ibang mapuntahan. Bago lang po kami rito. Wala po kaming balak na masama." Maiyak-iyak na sabi ko sa matanda. Natatakot talaga ako. Baka maya maya bigla niya kaming gawing mga palaka. Ayokong maging palaka ano! Eew!

"Bueno! Mukha naman kayong nagsasabi ng totoo. Kumain na ba kayo? Marami akong pagkain rito. Halikayo sa kusina." Sabi niya, ang bait niya naman. Salamat naman at magkakalaman narin ang tiyan namin sa wakas!

Sa kusina.

"Ang sarap po ng luto niyong fried chicken Manang!" Hindi ko napigilang sabi. Sobrang sarap kasi ng luto niya. Hindi na nga nagsasalita ang kasama ko mula ng magsimula kaming kumamin. Halatang sobrang nasasarapan sa kinakain niya.

"Of course hija! 'Yan ang laging request ng mga kaibigan ko. Masterpiece ko kaya iyan." Sabi niya ng nakangiti.

"Halatang ilang araw kayong gutom ah. Ubos na ang pagkaing naihanda ko sa mesa," pagkasabi niya non, ay tinaas naman niya ang kanyang kamay at winagayway ng dahan dahan. At charaaaan! Bumungad sa amin ang mala piyestang handa. Wow! Parang gusto ko na yatang magka magic kung sa simpleng kumpas ko lang ng aking kamay, ay iluluwa na agad ang mga pagkain. Hihi saya!

"Wow!" Mangha kong sabi. Halata ring nabigla ang katabi ko sa nangyari. Bahagya siyang napahinto sa pagsubo. Mga 10 seconds din ata yon. Pero hindi rin naman siya nagpatinag sa pakikipag laban sa mga pagkain sa mesa. Takaw! Lakas kumain. Pero sobrang cute parin niya! ^_^

"Ah Manang, ano po bang pangalan niyo?" Sa wakas naitanong ko na rin. Naglalakad kami ngayon sa mismong bayan nila. Tino-tour kami ni Manang sa lugar nila. Para naman siyang ordenaryong lugar. Wala rin naman masyadong pinagkaiba sa lugar na nasa ibabaw.

"Ha-ha. Nakalimutan pala nating magpakilala sa isa't isa. Pasensya na! Matnda na kasi :) Ako nga pala si Jonazyl. Pero mas kilala ako sa pangalang Baday. Manang Baday nalang itawag niyo sa akin." Nakangiting pagpapakilala niya sa amin.

"Ako naman po si Althea. Ang buo ko pong pangalan ay Althea Marie." Nakangiti ko ring sabi at inilahad ko ang aking palad para makipagkamay sa kanya.

"And I'm Jemuel Xander. Xander nalang po, masyado po kasing totoy ang Jemuel" sabi ni Jem.. ay este Xander pala.

"Ang gaganda at gagwapo niyong mga bata. ^_^ Ano kayang plano ng tadhana at napadpad kayo rito. Hali kayo, may ipapakita ako sa inyo." At iginiya niya kami papuntang dalampasigan.

Sa dalampasigan.

"Nakikita niyo ba yang bangka na iyan?" Mahinang tanong sa amin ni Manang Baday.

"O-opo," utal kong sagot.

"Hindi lang iyan isang pangkaraniwang bangka hijo, hija." Sabi ni Manang Baday at dahan dahang naupo sa buhangin. Sumunod naman kami ni Xander sa ginawa ng matanda.

"May isang mangingisda. Ang pangalan niya ay Nil. Isa siyang mabuting binata, matapat na kaibigan, masunuring anak, masipag, at mapagmahal. Isang ordinaryong araw sa may dalampasigan, may nakitang dilag si Nil na nagngangalang Daryl. Tila nabighani siya sa gandang taglay ng dalaga. At hindi napigilan ang sarili at nagpakilala rito. Tila hindi nagustuhan ng dalaga ang pagiging agresibo ni Nil kaya hindi na siya bumalik sa dalampasigan kailanman. Nagdaan ang ilang araw, linggo, hangang sa umabot na ng buwan ang paghahanap ni Nil sa dalaga. Bagamat walang senyales ng dalaga sa buong lugar." Huminto si Manang Baday sa pag kukwento, at minasahe ang tuhod. Nilalamig na siguro ang matanda, papalalim narin ang gabi at malakas na rin ang simoy ng hangin sa dalampasigan.

"Ano pong nangyari sa pag ibig ni Nil sa dalaga?" Naiinip na tanong ni Xander sa matanda. Hindi ko alam na mahilig pala siya sa mga kwentong pag-ibig. May girlfriend na kaya siya? ^_^

"Humingi siya ng tulong," may pait na sabi ni Manang Baday.

"Yun naman pala eh, edi nagkatuluyan sila?" Nakangiti kong sabi.

"Oo, nagkatuluyan sila. Pero may kapalit ang pagtulong na iyon." Mapait na sabi ng matanda.

"Ano pong kapalit?" Tanong ko.

"Humingi si Nil ng tulong sa isang witch para magkatuluyan sila ni Daryl. Kapalit ng isang kundisyon. Sumang-ayon na lamang si Nil dahil sa sobrang pagmamahal niya sa dalaga. At sumapit na nga ang panahon ng paniningil ng masamang witch na nagngangalang Ghia Mar, pagsapit ng ika 21 kaarawan ng anak nila ay naging bangka ito." malungkot napagku-kwento ni Manang Baday.

"Bakit sa lahat lahat ng bagay, ay bangka pa?" Naguguluhan kong tanong sa matanda.

"Minsan narin kasing umibig ang masamang witch na si Ghia. Bagamat pinagsamantalahan lamang ang kanyang kabaitan. Ginamit at niloko siya ng kanyang iniirog na si Pj." Love is in the air pala ang slogan ng lugar na ito, sabi ng utak ko. ^_^

"C Pj ay isang shokoy, dati malayang nakakapunta sa lupa ang mga kagaya niya. Matapos ang panloloko niya kay Ghia ay naging masama na ang budhi nito. Binawalan na niyang makapunta sa lupa ang mga kagaya ni Pj. Gusto niyang gantihan ito. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Isinumpa niyang maging bangka ang anak nila Nil at Daryl, pagdating ng tamang edad nito. Upang magsilbing ispiya niya sa teritoryo ng kanyang dating iniirog na si Pj." Mahabang kwento ni Manang Baday.

Ang dami naman palang hopeless romantic sa lugar no to. Napagtanto ko.

Perfect love at imperfect timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon