Simula

1.8K 54 0
                                    



"Apo? Nakahanda kana ba?"

Mapait na napangiti si Armina sa kanyang abuela. Himas nito ang kanyang balikat ng makalapit sa kinauupuan niya. Hindi niya napigilan ang pagtakas ng luha sa kanyang mga mata ng haplusin nito, kasabay ng paghagod ang magkabilang balikat niya. Tanda ng pakikisimpatya. Daig pa kasi niya ang namatayan ng araw na iyon.

Kung minsan tinatanong niya ang sarili kung naging masama ba siyang tao, para mangyari ang lahat ng ito sa kanya? Wala kasi siyang natatandaan na may nagawa siyang mali. Maliban sa nagmahal lamang siya, na nauwi naman sa pagpapaubaya. Mariin siyang napapikit ng mga mata ng maramdaman ang mainit na kamay ng kanyang abuela. Patuloy ang paghagod nito sa kanyang balikat. Mas lalong nakakadagdag sa lungkot at sakit na kanyang nararamdaman.

"Tahan na anak, maging matatag ka."

Pinilit niyang ngumiti bago marahang dumilat. Nakikita niya sa harap ng salamin ang kanyang sarili. Ang kaawa-awa niyang sitwasyon ay nagpapatunay lamang na wala na siyang magagawa pa, sa ano mang magaganap ilang sandali mula ngayon.

"Tayo na.'" Wika ng kanyang Lola.

Tumayo si Armina, matapos ang isang malalim na paghinga. Pinilit niyang magpakatatag sa harap ng kanyang abuela. Pero ng makita niya ang kotseng kanilang sasakyan, at ang nakangiting si Kresela na kumakaway sa deriksiyon nila. Muling nanumbalik ang panghihina sa kanyang puso. Nakaramdam muli siya ng kirot. Milya-milya na para siyang pinapatay. Ito ang kapalit ng kanyang pagpapaubaya. Hindi siya dapat umiyak sa harap ni Kresela.

Hindi dapat.

"Ang tagal nyo naman!"

Nginitian niya ng tipid ang kapatid, bago humakbang palapit dito. Inalis niya ang bara sa kanyang lalamunan at huminga muli ng malalim. Mabigat ang mga paa niya, nang sumakay sa kotseng kinalulunan ni Kresela.

Hindi niya binitiwan ang kamay ng kanyang abuela ng tuluyan silang makasakay sa loob ng kotse. Sa kamay nito siya kumukuha ng lakas para mapagtagumpayan ang pinakamasakit na sandaling iyon ng kanyang buhay.

Kahit ngayong araw lang.

Hindi niya alam kung ilang ulit na siyang huminga. Ang alam lang niya. pinanunood niya ang isang seremonya na unti-unting kumikitil sa talunan niyang puso.

Ang sakit.

Mariin siyang napapikit, matapos ay mabilis ding tumayo dahil hindi na niya kaya ang eksenang nakikita.

Nakakamatay, nakakasakit ng puso.

Tumakbo siya palabas ng simbahan, ni hindi pinakinggan ang malakas na pagtawag sa kanya ng abuela.

Patuloy siyang tumakbo hanggang sa....










"ARMINA....!"






saharazina

TSM-1 Kevin Santillan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon