Chapter Three
(Gerard's POV)
Hindi ako makapaniwala na nakasurvive ako sa first week of school
Besides the normal bullying ng mga gunggong na varsity, mga suntok, sipa, pang iinsulto, torn notebooks, stolen money, nothing went terribly wrong. Which is mas okay na kaysa noon na halos lunurin nila ako sa toilet, buhusan ng pintura, itapon yung mga gamit ko sa basura at iba pang hindi mo maiisip na gagawin ng isang high school student sa kapwa nila
I was waiting for Mikey dito sa harap ng school sa may gate, sa isa sa mga benches habang nagbabasa ng comic book. He arrived a couple of minutes later then we did our walking.
Well ganito sa school na to every weekend pinapauwi ang mga students nila sa kanya-kanyang totoong bahay nila and every weekdays, we need to stay in our dorms.
"So" pagsisimula ko "How's junior going?" tanong ko
"well..." he pretended to puke na syang nagpatawa sakin "Ikaw ba?"
"Same"
Tahimik lang kaming naglakad hanggang sa bigla niya akong tinanong:
"Pupunta ba sila Lero?"
"Hindi, pero bukas pupunta sila then pwede tayo mag rehearse sa studio ni dad" sagot ko
Naiisip ko palang na tutugtog kami ay napapangiti na ako, ito lang ang isa sa mga bagay na nagpapasaya sakin. Ewan ko ba, siguro lumaki ako sa music lalong lalo na sa pagbabanda dahil na din nagbabanda si dad hanggang ngayon
Pero paano ba kami nag start? Well last year lang kami nagsimula, nang sinubukan ni Frank gamitin yung gitara ni uncle Joe habang nagrerehearse sila dad at doon na nagsimula ang lahat, ibinili ni tito Peter si Lero ng sarili niyang gitara at dito na din nagsimula humawak ng bass si Mikey na syang tinuruan ni tito Peter, pero ako? Hindi ako natuto, kahit anong aral ang gawin ko, hindi ko kaya. Unlike my dad na kahit anong instrument ay kaya nyang gamitin, siguro ay nagmana ako sa mom ko?
At ayun na nga, nag start sila tumugtog noon, mga kanta ng Youngbloods at iba pang banda ang tinutugtog nila at ako? Nakikinig lang ako dahil wala naman akong talent.
Kalaunan ay hindi na namin magamit yung studio dahil madalas ay ginagamit ni dad iyon ay ang ginamit nalang namin ay ang garahe. Nung minsan habang nagco-cover sila ng isa sa mga kanta ng banda ni uncle Brendon at ako naman ay abala sa pagdo-drawing dahil ito ang hilig ko simula nung bata pa ako ay hindi ko namalayan na sinasabayan ko na sila sa pagkanta and it turned out great
And ever since that day, ako na ang ginawa nilang vocalist which ikinatuwa ni dad, dahil siya din ang vocalist ng banda niya
Minsan pinilit kami nila dad na sumali sa battle of the bands sa school which is taon-taon naman ay meron pero ayaw namin ni Lero, at nagkakatinginan lang kaming apat every time na inaaya kami ng mga magulang namin na sumali.
Wala silang alam sa nangyayari saamin sa school at ayaw din naming ipaalam.
Satuday morning, I woke up and went to the kitchen to get some breakfast at dito ko na naabutan si mom kasama ang tatlo kong kapatid, si Mikey, si Clovee at si Diamond na kumakain na
"Morning sweetcake" bati sakin ni mom, I just waved my hand dahil wala ako sa mood magsalita at tsaka ako umupo doon at nagsimulang kumain
"where's dad?" tanong ko at napalingon ako sa bunso kong kapatid na si Diamond, ang nag iisang babae saming apat, siya ang prinsesa ni mom at si Clovee naman ang pasaway. Sya ang sumunod kay Mikey
"hospital, working" sagot ni mom at napatango naman ako
"by the way kuya, nag text sakin si Lero and dadaanan nya daw si Ray para sabay na sila pumunta dito and mga 10 nandito na sila" sabi ni Mikey
Napatingin naman ako sa wall clock at 8:30 na pala
"may rehearsal kayo?" tanong ni Clovee na halatang excited
"Hindi ka kasali King Clovee Smith" pang iinis ko
"Okay lang, manonood lang ako" sagot niya
"wag na, manggugulo kalang" pang iinis ko pa sakanya
"mooooom" tawag nya kay mom na nagsusumbong
"akala ko ba Clovee ay may laro kayo ng basketball ngayon?" sabi ni mom sakanya
"Dang it, I almost forgot" aniya at nagmamadaling inubos yung pancakes niya at umalis napailing nalang ako
Makalipas ang isang oras ay dumating na din sila Ray at Lero dala-dala ang mga instrument nila
"Bakit parang wala sila tita?" tanong ni Lero, napansin niya agad
"Umalis sila and baka bukas na umuwi" sagot ni Mikey at napatango naman sila
At dahil wala naman sila mom and dad pati na din yung dalawa pa naming kapatid ay ginamit namin yung studio ni dad. We started playing some covers of misfits and muse, testing and changing some stuff to make it more us.
Kinagabihan habang nasa sala kaming lahat ay nagkayayaan na mag movie marathon kaya naman inaya ni Mikey si Ray na bumili muna ng makakain at naiwan kami ni Frank. Ilang minuto ding tahimik ang paligid hanggang sa nagpakawala ng malalim na hininga si Lero na syang nagpalingon sakin
"Listen Spade" he started "Now that we're alone, there's something that I wanted to show you" dagdag niya pero napatitig lang ako sakanya, nag-iisip kung ano yung ipapakita niya
Tumayo sya at tsaka umakyat papunta sa kwarto ko kaya naman sinundan ko siya at naabutan ko siya na nakaupo sa kama ko habang hawak yung bagpack niya at may kinukuha, at dito na nya inilabas ang isang notebook
"You know how much music means to me. Probably how much art means to you" sabi nya at napatango ako, we know each other for like 13 years, we grew up together with mikey and his other siblings and mine and the others "pero alam ko na tumtugtog lang kayo for fun which is okay naman pero gusto ko na tong seryosohin" napahinto ako sa sinabi niya "I want it to be my future" napakagat ako ng labi ko, he is so like his father, uncle Peter
I remember when dad told me about the history of YB, their band. It was Uncle Peter's idea pero at the end, siya pa ang nawalan ng pwesto sa band which napalitan din naman agad nung umalis si uncle Brendon.
Napatingin sakin si Lero at tumango ako
"Alam ko Lero, and you'll get there" we both smiled "So, ano ba yung ipapakita mo sakin?" tanong ko at umupo ako sa tabi niya. Napatingin lang siya ulit sa notebook niya
"As I said, I wanted to start taking it seriously, kaya nagsulat ako ng mga kanta" sabi niya
"Talaga? Para kang daddy mo"sabi ko na natatawa at napagisi lang siya at tsaka iniabo sakin yung notebook
"Siguro nga? Kahit di siya ang tunay kong tatay, idol ko siya, gusto kong maging katulad nya" and those words hit me, I don't know why "Anyways, sayo na muna yan, at wag mong ipakita sa iba" sabi niya at tsaka sya tumayo at lumabas ng kwarto ko
Napatingin lang ako sa notebook at napaisip, I thought of my dad for a second, he never did asked me to be like him and instead he supported me with my arts
But what if kung subukan ko? who knows, maybe I can be like him.
BINABASA MO ANG
I'm Not Okay! (I Promise)
General Fiction"You like D&D, Audrey Hepburn, Fangoria, Harry Houdini and croquet. You can't swim, can't dance and you don't know karate. Face it, you're never gonna make it." Ray said at napatingin nalang ako sa kawalan. Ayoko na, ayoko ng ma-bully pagod na ako...