Kevin
MAHIMBING ang naging tulog ni Kevin ng nag daang gabi. Kayakap niya si Mina. Pakiramdam niya naging payapa ang sandaling iyon, kung saan hiniling siyang makatabi ng asawa sa pagtulog. Unang pangyayari, na hinding-hindi niya malilimutun. Pero kahit ganun, may alalahanin naman siya na kailangang solusyunan.
Paano niya tutulungan ang asawa na makaalala ng mga bagay na nais nito? Gayong wala naman silang masayang alaala? Huminga siya ng malalim. Kasalukuyan na siyang nasa loob ng kanyang opisina. Nililimi ang mga bagay na dapat niyang gawin. Panay lang ang hagod niya sa singsing na nasa kanyang daliri. Para bang sa pamamagitan niyon ay makahahanap siya ng sagot at solusyon sa sarili niyang suliranin.
"Sir?"
Napakurap siya ng marinig ang pagtawag ng sekretarya niya. Sa lalim ng iniisip niya hindi na niya namalayan ang pagsungaw nito sa pinto, pati na ang pagkatok nito.
"Yes Irene?" Tanong niya lumapit naman ito sa harap niya.
"Nasa labas po ang asawa nyo."
Napatayo siya dala ng labis na pagkagulat dahil sa kanyang narinig. Unang pangyayari muli sa buhay niya.
Mabilis siyang naglakad palabas ng kanyang opisina. Gaya nga ng sabi ng kanyang sekretarya. Naroon nga ang asawa niya. Unang beses nitong pagbisita sa kanyang opisina. Bumilis ang tibok ng puso niya ng matitigan ang asawa.
Nakatayo ito sa gitna ng hallway, habang nakatingin sa mga paintings na nakadisplay sa wall. Pinasadahan niya ito ng tingin. Asul na bestida ang suot nito. Nakalugay lamang ang mahaba nitong buhok. Wala itong ano mang kulorete sa mukha maliban sa pulbos. Flat shoes lamang na kakulay ng damit nito ang suot nitong panyapak. Mas lalo itong gumanda at naging kaaya-aya sa kanyang paningin. Isang paghangang hindi na mawawala sa kanya magmula ng makilala niya ito.
"Mina?" Tawag niya sa atensiyon ng asawa. Agad naman itong lumingon sa deriksiyon niya awtomatikong ngumiti ang labi. Lumakad ito palapit sa kanya.
Sa gulat niya, muntik pa siyang mapaatras ng salubungin siya nito ng mahigpit na yakap.
"Kevin!"
Naglambitin ito sa leeg niya at sumandal sa kanyang bisig. Nakaramdam siya ng init. Bumilis na naman ang pintig ng puso niya. Kakaiba at nakakapanibago na talaga ang ikinikilos ngayon ni Mina.
Sadyang hindi na niya masundan.
"Nag kayag si Kresela na mamasyal sa makalawa. Pwede ba tayong sumama?" Kinabahan siya sa mga sinabi nito. Marahil iyon na ang simula ng pagnanais nito na makaalala.
Kung nakahanda na nga si Mina na makaalala. Ibig sabihin, kailangan na din niyang ihanda ang sarili sa posibleng mangyari. Nakaramdam siya ng ibayong lungkot sa isiping malapit na ang araw na mawawala na ito sa kanya. At ang pinakamasakit ay ang pagkamuhi nito sa kanya kapag nalaman nito ang katotohanan, sa likod ng pagkalimot nito.
Biglang nanikip ang dibdib niya dahil sa isiping iyon.
"Saan daw sila pupunta?"
Tanong niya sa pinakalmang boses. Para kasing ano mang sandali ay bibigay na naman ang katawan niya.
Hanggang sa naisin na lang niya na magpakalunod sa alak. Hindi niya magawang magsaya kahit pa nagkakaroon na ng pagbabago sa mga kilos ni Mina. Para saan kung nalalapit na ang pagkawala nito sa buhay niya?
BINABASA MO ANG
TSM-1 Kevin Santillan (Completed)
Historia CortaSubaybayan kung paano uusbong ang pag-ibig ni Armina, sa isang lalaki na bigla na lang naging parte ng buhay niya. "Never akong nagsinungaling, na mahal kita." General Fiction Started: 07-07-17 Ended: 06-05-19 saharazina