Masayang Nakaraa'y Mabilis na Lumipas...

48 0 0
                                    

Tungkol sa pag-ibig na tula,
Paano ba dapat ang panimula?
Nakakatulala ang pag iisip ng talinhaga
sapagkat di naman magaling na makata.

"Ano nga ba ang Pag-ibig? "
Tanong ko sa mga umiibig.
Kaliwa't kanan ito ang iyong maririnig,
Mga kabataang karaniwang bukambibig.

Nararamdaman nga ba'y pag-ibig?
Hindi ako sigurado sa naiisip.
Nararamdama'y nais siguraduhin,
Kwento ko'y inyong suriin.

Kung tama pa sa aking pagkakaalala
Simple lang aming naging simula.
Kami nuo'y di ganoong magkakilala.
Ngunit nakuha niya ko sa matamis niyang dila,

Di pa rin malimot ang kanyang tinig,
Sa tuwing naaalala yon ako'y kinikilig.
Isang beses lamang iyong narinig,
Saki'y para na'tong nakakaaliw na himig,

Pasko ng may matanggap ako,
Isang regalo na nakakahon pa ito.
Natawa ako pagkat kaibigang pangloloko ito,
Nagulat ako ng makitang galing pala sa'yo

Bagay na yo'y 'di ko inaasahan.
Nagdulot sa'kin ng kagalakan.
Agad kitang pinasalamatan,
At nangakong ito'y pakikiingatan.

Kung ngumiti'y parang modelo sa patalastas
Na tila ba parang wala ng bukas.
Dahil sa'yo di na pansin ang oras,
Ilang buwan na pala ang nakalipas.

Nalalapit na ang katapusan ng taon,
Babalik kaya ang turingan natin noon?
Kung pupunta ka na bahay niyo doon,
Magkaroon ka pa kaya sakin ng panahon.

Kung titingnan mo'y mukhang tahimik ang makisig,
Nakakatuwa sapagkat dalawa ang kanyang bibig
Di ko mawari kung tulak lamang ng bibig,
O talagang siya nga sa aki'y tunay na umibig.

Pitong araw na lang ang nalalabi,
Ng ito'y sa akin niya sinabi.
Sasabihin ko sa kanya'y di ko masuri.
Naguluhan ako sa mga nangyayari,

Ang pitong araw ay nakalipas na,
Nahulog nga ako sa kanya ngunit huli na.
Kasabay noo'y kalapitan ng pag-alis niya
Lungkot at saya ang nadama sa pagkawala niya

Ito ang mga alaalang nais kong isulat sa tubig,
Bata pako noon para matugunan kanyang pag-ibig.
Hanggang ngayo'y bata pa rin ang aking pag-iisip
Mahaba pa ang panahon kaya wag tayong mainip.

Siguro sadyang kami'y ningas-kugon,
Kung kaya't nararamdama'y sa lupa dapat nang ibaon.
Naging maligaya man ako sa piling niya noon,
Iba na ang parehong buhay namin kumpara ngayon.

(Fin)

Masayang Nakaraa'y Mabilis na Lumipas...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon